CHRIS' POV
Sino kaya yung katulong na nagsabing patay na ako? Humanda siya sa akin pag nakabangon ako dito.
"Inumin mo na kasi tong gamot mo" Si Honey ko, kanina pa niya ako pinipilit na inumin yung gamot ko. Ayaw ko ngang inumin yun! Ayaw ko nang gumaling para alagaan na lang niya ko. TANGINA. Ang corny ko. Ganito ba talaga pag inlove? Tss. Oo na inlove na ko.
"HUY!"
"Ha? Ayoko nga uminom ng gamot. Pangit yung lasa" Palusot ko.
"Sinasabi ko sayo Zambrano, ipapalunok ko lahat to sayo" Banta nya sakin.
"Ayaw ko nga kasi! Ayaw ko gumaling!" WTF! Bakit ko nasabi yun?
"AT BAKIT NAMAN HA?!"
"Para lagi ka na lang mabait sakin! Para lagi mo akong inaalagaan!" Fck this mouth.
STEPH'S POV
"Para lagi ka na lang mabait sakin! Para lagi mo akong inaalagaan!" Drama ni Chris. Ano ba to.
"Napakadrama mo. Bahala ka." Irita kong sagot sa kadramahan niya. Napakaarte. Nakakainis.
"Grabe ka naman Honey ko, joke lang naman. Sabi ko nga iinom na ako ng gamot eh."
"Arte arte ka pa dyan"
"Sorry na Honey ko. Bati na tayo. Miss you na."
"Mandiri ka nga sa mga pinagsasabi mo." Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumayo at dumamba sakin. Literal na damba dahil nga hirap pa syang lumakad.
"Grabe ka talaga sakin Honey ko, kanina lang may paiyak-iyak ka pang nalalaman."
Shit. Ayaw ko nang maalala pa yun. Ngayon na lang ulit ako umiyak, dahil pa sa maling balita.
"Bakit? Takot ka bang mawala ako?" Tanong nya.
"Whooo! Kung makapaglandian tong dalawang to parang kayo lang tao dito ah?" Napakaepal ni Mark. -__-
"Shut the fuck up asshole! Inggit ka lang." Patol ni Chris.
"Asa ka ulul!" Sabi ni Mark at lumabas ng kwarto.
Bakit ba ang hilig non magwalk out? Tss.
"Ikaw Chris napakasama ng bibig mo!" Sabi ko kay Chris.
"Bakit yung sa ba hindi?" Okay, pahiya ako dun.
"Tumigil ka dyan. Matulog ka na at nang makauwi na kami." Sabi ko na lang
"Wag ka na umuwi, dito ka na lang."
"Asa ka! Babalik na lang ako bukas."
"Ayaw mo lang ako alagaan ang sabihin mo." Nagtatampo nanaman. Bwisit.
Naiirita na ko pero pinipigilan ko lang ang sarili ko na sakalin ang isang to.
"Facetime na lang tayo mamaya." Sabi ko.
"Tss." Aba't!
"Babalik nga ako bukas, wag ka ngang mag-inarte dyan, lagnat lang ang sakit mo hindi cancer!"
"Oo na, sige na. I just want to be with you."
"What the hell! I can't take this kind of atmosphere!" Narinig kong sabi ni Nick. Yun pa ba? Eh wala namang puso yan, nabalot na ng yelo.
"Hey keep quiet! Ang sweet kaya. Iiiiiiih! Kinikilig ako!" Ella with matching pagpisil pa sa braso ni Nick. Chansing.
"Wag ka ngang magdrama dyan, ang kulit kulit mo." Sabi ko kay Chris.
"Oo na pinapayagan na kitang umuwi. Balik ka bukas." Hay salamat naman at pumayag na.
NICK'S POV
What the heck?! Ano bang nakain ni Chris? Ganyan ba talaga pag may sakit? Kung di lang dahil dito kay Ella, kanina pa ko umalis dito.
"Ano ba? Wag ka ngang masyadong dumikit sakin, ang sikip!" Bulong ko kay Ella.
"Why so maarte? Tss." Sagot nya at umisod ng konti. At pag sinabi kong konti, konti lang talaga wala pa yatang 1 inch ang inisod nya.
Kung tutuusin maluwag na dapat dahil umalis si Mark kani-kanina lang at ayan nga umalis na din si Thea. Bakit ba ayaw umisod ng babaeng to? Tss, hayaan na nga lang.
*After 30 minutes
"Balik ka bukas ha. Tatawagan kita mamaya." Mga pang-sampung ulit na sabi ni Chris. Paalis na kasi kami.
"Oo na Chris bitawan mo na ko." Reklamo ni Steph dahil hawak ni Chris yung kamay niya
Yung katulong nga pala kanina, ang ibig sabihin nya lang is "Wala daw malay si Chris kasi may sakit." Ewan ko ba dito kay Grey at napakabingi.
"Oo na, ingat. Grey, bro linis linis din ng tenga minsan ha." Sabi ni Chris.
"Magpasalamat ka na lang sakin at dahil sakin nagkabati na kayong dalawa." Sagot ni Grey,
"Oo na. Umalis na nga kayo, Honey ko mamaya ah? Tatawagan kita."
Hay salamat naman at nakaalis na din.
Hindi na namin kailangan pang ihatid yung girls dahil may sasakyan naman sila.
Pauwi na ko since tig-iisa naman kami ng sasakyan nila Grey at Mark na pumunta dito.
Hay boring, makinig na nga lang sa radyo.
🎵🎵
"Akin ka nalang, akin ka nalang
Iingatan ko ang puso mo,
Akin ka na lang, akin ka na lang"
This song. Putek, siya nanaman ang naalala ko. Hanggang kailan ba ako guguluhin ng babaeng yun? Ayaw niyang umalis sa isip ko at aminin ko man o hindi, I know I'm slowly changing. I don't know why. Nagiging maingay na ako and this! Lagi na akong nagtatagalog. Ang lakas ng spell ng babaeng yun, nasan na ba yung dating ako?
Oo tama kayo. Sya lang naman ang gumawa nito sakin. Sino pa ba? SI ELLA LANG.
STEPH'S POV
Hay sa wakas nakauwi din! Diretso na ko sa kwarto ko. Masyadong nakakapagod tong araw na to.
*Gurae wolf naega wolf, awoooo! a saranghaeyo!
Epal naman tong tumatawag na to. 😐
"HELLO?!" Bulyaw ko sa kung sino mang caller. Dapat lang yan sayo, mabingi ka sana.
"Fuck Honey ko bakit ka ba sumisigaw? Ang sakit sa tenga!" Ang asungot lang pala. 😐
"Wala, bakit nanaman ba?" Gusto ko sanang sabihin na istorbo siya kaso alam nyo naman yan. Daig pa ang babae sa pagtatampo.
"Namiss kita agad, di mo ba ko namiss?"
"Kadiri ka! Mahiya ka nga sa mga pinasasabi mo dyan! Nakakasuka!"
"Kilig ka lang, sabihin mo!"
"Ewan ko sayo, tumigil ka nga. Inaantok na ko." Sabi ko na lang. Nakakapagod na din kasing makipagbangayan.
"Sige, matulog ka na Honey ko. Papasok naman na ako bukas. See you tomorrow!" Teka? Mataas pa kaya lagnat nito. Bakit papasok na siya agad?
"Hoy anong papasok? May sakit ka pa. Nababaliw ka na ba?" Sermon ko.
"Yiee, concern siya oh. Sabi na nga ba mahal mo din ako eh." Langya. Napakabakla!
"He! Ewan ko sayo, kadiri ka, bakla ka no?"
"Sus! Ewan ko din sayo Honey ko. Napakapakipot mo. Matulog ka na nga. Gabi na."
"Sige, Goodnight"
"Goodnight Honey ko. I LOVE YOU. Totoo to. Hindi kita niloloko. Walang halong biro. Mahal na talaga kita. Wag kang mag-alala hihintayin ko yung I LOVE YOU TOO mo. Nararamdaman ko. Malapit na." Sagot niya sa kabilang linya. At ako eto natulala sa sinabi niya.
Totoo ba talaga to Chris? Kasi ako, nararamdaman ko na rin. Malapit na. Sobrang lapit na.
....
Hi. Haha.
BINABASA MO ANG
When They MET
Fiksi RemajaDifferent persons, different personalities. What if God already planned their lives? What if their destiny collide? Will this be a happy ever after?
