Chapter 24: Memories in the Past

313 8 1
                                    

Third Person's P.O.V

Sumakay na nga yung magkakaibigan sa ferris wheel at gaya ng napag-usapan, sila Thea at Mark ang magkasama, Chris at Steph, Ella at Nick, at Shane at Grey.

*CHRISTANIE

"Honey Ko. Ang saya kasi buong araw kitang kasama."-sabi ni Chris kay Steph.

"Bading mo! Wag ka ngang gumanyan!"-sagot naman ni Steph.

"May kwento ako sayo Honey Ko."

"Ano naman yun?"

"Ano. Pwede wag mo muna ako sungitan? Kahit ngayon lang. Kailangan ko lang talaga ng makikinig sakin."

Naawa naman si Steph at ang nasabi niya nalang ay...

"S-Sige."

"Ganito kasi yun. Alam mo bang nainlove na ako dati?"

"Hindi pa"

" Wag ka ngang sumingit!"-sabi ni Chris at itinuloy na ang kwento niya.

"Dati may minahal akong babae. Mahal na mahal ko siya. Sobra. Niligawan ko siya at syempre sinagot naman niya ako. Ang saya na nga namin nun eh. Mahal namin ang isa't isa. Ang ganda niya. Mabait, matalino, sweet, maalagain at mahinhin. Nasa kanya na lahat ng gusto ko sa isang babae. Ang tagal na nga namin nun eh."-sabi niya atsaka tinuloy yung kwento.

"Nung araw bago ang anniversary namin.... May tumawag sakin. Lalake. Sabi niya..."Layuan mo na ang girlfriend mo kung ayaw mo siyang mapahamak. huwag mong subukang sawayin ang usapan natin Zambrano, hindi ako basta-basta." Pagkatapos ng mga sinabi niya, ibinaba niya na yung tawag. nung araw na din yun, nagpahatid siya sa mall kasi may bibilhin daw siya. Gusto ko pa sana siyang hintayin kasi she insisted na wag na daw. kaya di na din ako nagpumilit."

Kung yung simula ng pagkukwento ni Chris ay masaya, ngayon naman ay medyo lumungkot ang mukha niya. Habang si Steph naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanya.

Itinuloy niya yung kwento niya.

"Nung gabi nung araw na yun tumawag siya sakin. Sabi niya:"Babe, kanina nung nasa mall ako, pakiramdam ko may umaaligid at saka sumusunod sakin. Pero baka feeling ko lang yun. Hayaan mo nalang ha. I love you. Bukas ha. Anniversary na natin." Nung pagkababa niya ng tawag, nagring ulit yung cellphone ko. Akala ko siya ulit yun pero hindi. Siya yung tumawag sakin nung umaga. Sabi niya, " I told you. Move away from her. maghiwalay na kayo dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin." Pagkababa niya nung tawag, nagsimula na akong kabahan nun. Natatakot ako baka kung anong gawin niya. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kaya na may mangyari sa kanya. Hindi ako makatulog nun, hindi ko alam ang gagawin ko."

Hindi alam ni Steph kung paano siya magrereact dahil ang buong akala niya kay Chris ay hindi marunong magmahal.

"Itutuloy ko pa ba yung kwento ko? Haha! Baka ayaw mo na makinig?"-Chris sabay kamot sa kanyang batok. At sinubukang pasayahin yung boses niya.

"H-Hindi ah! Sige lang, ituloy mo na." Steph.

"Eto. Kinabukasan nung anniversary namin, tumawag ulit siya sabi niya sakin:" Babe, happy anniversary! Mahal na mahal kita, pumunta ka ha?" Um-oo nalang ako kasi hindi ko talaga alam kung makikipagkita pa ako sakanya. Natatakot ako baka kung anong gawin ng gang sakanya. Kaya ayun, nakipagkita nalang ako dun sa lalakeng tumawag sakin. Hindi ko siya masyadong matandaan kasi bata pa naman ako nun. Pero alam ko pa naman yung details ng mukha niya. Pero hindi ko alam ang pangalan niya. Ang tanga ko no? "

Sa nakikita ngayon ni Steph, naaawa siya kay Chris. hindi niya alam na may ganitong dinadala si Chris.

"Tinanong ko kung anong kailangan niya sa akin pero hindi siya nagsalita. Ang sabi niya lang hiwalayan ko si Yumi. Pero tangina! Mahal na mahal ko yung girlfriend ko. Hindi ko siya kayang hiwalayan. Siya yung taong mahal na mahal ko pero wala akong nagawa. Natakot ako. Hindi ko alam ang gagawin ko."

When They METTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon