Chapter 33:"The Gangster"

203 6 0
                                    

Chris' POV

Uwian na at ako lang mag-isa ngayon. Sila Grey kasi may sari-sariling lakad kaya bahala sila.

*KRIINGG! *KRINGG!

Kinapa ko yung phone na nasa bulsa ko. Sino naman kaya tong tumatawag? Psh.

Sinagot ko nalang yung tawag ng hindi tumitingin sa caller.

"Hello?"-sagot ko.

"Leader! Tulungan mo k-kami!"-si Chen, isa sa mga member ng grupo ko.

"Anong nangyayari?"-tanong ko. Mukhang nasa panganib sila e.

"Dito sa hideout, sinugod kami ng isa sa mga kalaban nating gang! Leader, ang dami nila tapos ang papangit pa. Waa!"-Aysus! Yun lang naman pala.

Pero dahil nasa mood ako, pupunta ako. Makapag-exercise na din. Haha!

Sumakay na ako sa kotse ko at nagmadaling ppumunta sa hideout namin.

Pagdating ko dun,, nakita ko agad yung mga kagrupo ko na nakikipaglaban.

"Ang hina niyo naman! Sila lang di niyo pa kaya?"-pang-aasar ko sa mga kagrupo ko.

"Aba leader, kaya namin to no! Kaso nakakasuka yung mga itsura nila. Parang ayaw ko silang hawakan, kadiri!" Reklamo naman ni Kyno. Feeling gwapo na naman tong isang to.

"Tumigil ka! Kutusan kaya kita?"-pagbabanta ko sakanya. Tuloy parin sila sa pakikipaglaban.

"Di papalag Leader!"-sigaw niya at sinuntok yung nasa harap niya.

Pumasok na ako sa loob at nagdire-diretso sa couch at nanood ng TV. Buti naman at di nila nabasag yung mga gamit dito. Sabagay, sa labas naman sila nakikipag away e. Isip nga Chris!

Pero kahit na, once na ginulo nila ang hide-out namin, makakatikim talaga sila.

Paglilinisin ko talaga sila pagkatapos nilang makipagbasag-ulo! -___-

Eto ako pachill chill lang, panuod-nuod ng TV habang sila nakikipag-away. Nawalan na ako ng gana tsaka kaya narin naman nila yun.

Nga pala, may sasabihin ako sainyo. Nung sinabi ko na ginagamit ko lang si Steph? Joke lang yun. Di yun totoo. Medyo naaangasan lang ako sakanya so naging interested narin ako sakanya. Tuturuan ko siya ng leksyon. Bwahahaha!

Krischen's P.O.V

Hi readers! Let me introduce myself first! Ako si Krischen, CHEN for short ang pinakapoging lalake sa balat ng Earth, walang aangal.

Nga pala kasalukuyan kaming nakikipag-bugbugan habang ang aming dakilang leader ay nagrerelax lang sa couch tapos nanonood pa ng Barbie sa T.V. Putcha! Bakla na ba ngayon si Chris?! Hindi pwede!

Tuloy parin ako sa pakikipaglaban pero pakshit! Nadidistract talaga ako sa kabaklaan ng leader namin. Ayan tuloy--

*Plok!*

"Waaaa!"-Napasigaw ako. Sinong nambatok sakin? My precious head >___<

"Hoy Chen! Kanina ka pa nakatingin sakin. Umayos ka nga, para kang tanga jan!"-Si Leader?! Pano yan napunta dito?

"Leader sa likod mo!"-imbis na mag-reklamo, iba yung nasabi ko. May lalaki kasing pasugod sakanya.

*BOOGSHH!*

Sinipa niya sa tyan yung lalaki atsaka sinuntok sa mukha. Ayun, nakatulog tuloy ng wala sa oras. Haha. Ang galing talaga ni Leader! Idoool!

"Bilisan niyo na diyan para matapos na natin to! May date pa ko!"

"DATE?!"-nagulat kaming lahat ng mga ka gangmates ko. Kelan pa nagkagirlfriend tong si Leader?!

"Stop starring! Start fighting!"-sigaw niya samin.

"Oo! Eto na leader!"-sigaw ni Zian sabay suntok sa kalaban.

"Ang papangit niyo! Nasasaktan ang mata ko!"-sigaw naman ni Don.

"Tss. Storbo kayo sa tulog ko -__-"-walang ganang sabi ni Kris kakambal ko KRISTIAN ang whole name nya. . Kris with the letter K not with the letter C. Magkaiba yun.

"Ngayon palang magsisimula ang laban!"-ginanahan ako bigla. Kasama na namin kasi ngayon si Leader.

Chris' P.O.V

Ngayon ko nalang ulit to nagawa, ang sakit ng katawan ko! Bukod sa ang papangit ng mga kalaban namin, ang dami pa nila.

13 lang kami at syempre ako ang leader. Tangina kasi nina Mark, may mga paquit-quit pang nalalaman.

Back to reality, naubos na namin yung mga kalaban. Nagpahinga lang ako ng konti at naghanda ng umalis. May date pa kami ni StepHONEY KO!

Oh! No malice, I know what's your thinking.

"Alam niyo na ang gagawin niyo. I'm going."-sabi ko sa mga kagrupo ko at naglakad na papunta sa pintuan.

"Bye Leader, ingat!"-sabay-sabay nilang sabi pero hindi nakatingin sa akin. Naglalaro kasi sila ng baraha.

Yun agad ang inatupag -__- Di muna naglinis. Psh.

Hinayaan ko nalang sila. Sanay narin naman ako eh. Tsaka alam naman nila kung ano yung mga dapat nilang gawin TAKOT LANG NILA SAKIN.

---

a/n: Eto na updaaaaate! Konti lang yung readers ko. T__T paramdam kayo. Plith? 5 votes I'll update pag di umabot next week na. HAHA. :D byee! Evil 12 sa raaaayt! ---->

Evil 13 talaga kasama si Chris kaso 12 lang sila dyan so Evil 12 muna! HAHA! Sorry na wala akong maisip na name ng gang suggest nga kayo! Xd Salamat. :D

When They METTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon