Chapter 34:"Getting Close"

180 6 1
                                    

Thea's P.O.V

"Talaga bang susunod ka sakin kahit san ako pumunta?"-naiiritang tanong ko.

"Syempre! Baka mamaya, mapahamak ka na naman."-seryosong sabi ni Mark. Oo! Tama kayo ng iniisip, si Mark ang kasama ko.

Nagsasawa na nga ako sa pagmumukha niya, lagi nalang akong binabantayan! Psh!

Simula nung nailigtas niya ako lagi na niya akong sinusundan. Seryoso nga siya sa sinabi niya na poprotektahan niya daw ako palagi. Ayan nga't nakabuntot na naman sakin -___-

Konti nalang talaga at iisipin ko ng may gusto sakin ang isang to.

"Hoy Thesy! Anong iniisip mo dyan ah?! Para sabihin ko sayo, HINDI KITA GUSTO NO!" Ay takte! Nakalunok tallaga tong lalaking to ng megaphone eh. Magkamag-anak ba sila ni Ella?

"H-Hoy! Anong mga sinasabi mo dyan?! At isa pa, hindi Thesy ang pangalan ko!"-bulyaw ko sakanya.

Tumawa lang siya. Tss. Naglakad nalang akon palayo. Susunod naman yun in the count of 1, 2..

"Thesy! Bat mo naman ako iniwan?" Kitams?

"Hindi nga Thesy ang pangalan ko!"

"Oo na! Sorry na! Eto talagang si Sweetheart oh!"-sabi niya sabay akbay sakin.

"Chansing ka!"-tinanggal ko yung braso niya sa balikat ko.

"Sus, pakipot pa!"-pang-aasar pa niya.

"Bahala ka nga jan!"-binilisan ko na yung lakad ko tapos bigla kong nakasalubong si Ella.

"Uy, san punta mo?"-tanong ko sakanya.

"May naiwan ako sa room babalikan ko lang, mauna ka ng umuwi. Wala si Steph magbabar daw, si Shane naman kasama si Grey. Gege. Ingaat!"-yun lang ang sinabi niya at kumaripas na ng takbo.

Nice talking -___- Ge.

"Ihahatid nalang kita?"-sabi ni Mark na nasa likod ko na pala.

"Wag na. Gusto ko maglakad, umuwi ka na."-sabi ko at lumakad na ulit.

"Hindi! Ihahatid kita, please?"-pilit niya pa.

"Haayy! Ang kulit talaga."-naiinis na sabi ko.

"Dali naa!"

"Oo na! Bullshit talaga. Asan yung sasakyan mo?"-pagpayag ko.

"Ayan oh!"turo niya.

"Ito?!"

"Oo! Ayaw mo ba?"-malungkot na sabi niya.

Kasi naman! MOTORCYCLE pala ang sasakyan namin! Although gusto ko kasi cool tingnan pero! Masyadong magdidikit ang balat namin! Waa! This is bad.

"H-Hindi naman. Sige na."-sabi ko. Gusto ko din naman eh.

"Yun naman pala eh."-bigla siyang lumapit sakin, malapit na malapit. >///<

"A-Anong gagawin mo?"-medyo kinakabahang tanong ko. Pero hindi siya sumagot.

May nilagay siya sa ulo ko. HELMET lang pala. Inilock niya yung helmet sa ilalim na baba ko, tapos inayos na niya.

"T-Thank Y-You"-yun lang naman pala. Wew! Ang init ng mukha ko. Waa!

"Wag ka ng kiligin dyan. Sakay na"-nagulat naman ako dun, nakasakay na pala siya sa motor. Sasagot pa sana ako kaso di ako makapagsalita. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sa akin? May sakit na ba ako sa puso?

"Huy!"

"E-Eto na!"-sumakay narin ako sa motor niya. Nagulat ako nung hinawakan niya ang mga kamay ko at ipinulupot sa waist niya.

tatanggalin ko na sana pero hinigpitan niya yung pagkakahawak sa kamay ko at sinabing, "Kumapit kang mabuti. Wag kang bumitaw baka malaglag ka."

Pakiramdam ko ang pula ng mukha ko. TAKTE! Kinikilig ba ako?! Ah! Hindi! Hindi! Ano mainit lang. Oo nga tama! mainit lang. At isa pa, sanay akong umangkas sa motor.

Umandar na kami.

"Where are we going?"-tanong ko ng mapansin na hindi sa bahay ang puntan namin.

"Secret."-sagot niya.

"Eh! Kasi naman sabihin mo na!"Tatanggalin ko sana yung kamay ko sa waist niya para hampasin siya pero bigla niyang hinawakan gamit ang isang kamay niya.

"Diba sabi ko wag kang bibitaw?"-seryosong sabi niya.

"Oo na. F*cksh*t ka talaga." =p sabi ko nalang. Chansing lang to e. Punyeta.

Mark's P.O.V

Shit. Ano ba naman tong mga pinag-gagawa ko? Abnormal na ba ako? Gusto ko siyang protektahan. Gusto ko siyang makasama. Normal pa ba yun? Takteng yan!

Dinala ko siya sa park, wala lang para makapagrelax. Pinark ko yung motor ko sa may silong tapos naupo na kami sa ilalim ng puno.

"So bakit tayo pumunta dito?"-tanong niya.

"Wala lang. Problemado kasi ako."-pagdadahilan ko. Ayaw ko ngang sabihin na gusto ko siyang makasama. Knowing this girl, lalaki ang ulo niyan pag ganun ang sinabi ko. Thesy pa? Haha.

"Ang pangit mo talaga."-sagot ko.

"Gwapo ako"-sagot naman niya.

"Ang ganda mo"-sabi ko ulit.

"Gwapo nga"

"Maganda"

"Gwapo"

"Maganda!"

"gwapo ngaa!"

"Pakiss nga?"-Try ko lang. HAHA.

"Kadiri kaa!"-Ayan nagalit na. Naghanda na akong tumakbo.

"1, 2, 3 waa!"-sigaw ko sabay takbo.

"Bumalik ka dito!!"-sigaw niya at hinabol ako.

Thea's P.O.V

Okay, balik ulit sakin.

Hinabol ko si Mark. Maaabutan ko na sana siya pero biglang umulan kaya napatigil ako saglit.

"Bat ka tumigil?"-nagulat ako kasi nasa harap ko na si Mark.

"Umuulan! Halika na!"-hihilahin ko na sana siya kaso hindi siya nagpadala.

"Bleh! Habulin mo nalang ako *wink*"-Aba't! Ayun naghabulan kami sa ilalim ng ulan.

nang mapagod kami, umupo ulit kami sa ilalim ng puno at tumigil na din yung ulan.

Binigyan niya ako ng towel. Galing ata sa motor niya.

"Pinagod mo ko!"-sabi ko. Tumawa lang siya.

"Pahiga ah?"-Sabi niya. Di pa man ako pumapayag, ginawa na niya. Hinayaan ko nalang.

Humiga na siya sa lap ko. Pinunasan ko yung mukha niya. Basang basa kasi eh. Hinayaan lang naman niya ako. Sinuklay ko yung buhok niya, wala lang ang cute eh. Haha!

Habang ginagawa ko yun pagtingin ko sakanya, nakatulog na siya. Tinulugan ako -___- Baka napagod. Hayaan na nga, lubusin na niya ang pagiging mabait ko.

---

A/n: Eto na Update! Magcomment ang kinilig! HAHA. Sorry kung matagal. Masyadong busy e. :) Enjooy kayo! HANGGANG SA MULI! haha

-Ang makulit nyong otor <3

When They METTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon