CHAPTER 20: IN THE RIGHT TIME

397 12 0
                                    

NAGULAT si Sandra ng dumating si Denver. Gabi na noon at hindi na inasahan ni Sandra ang pagdating ng kaniyang asawa.

"Denver. . ."

Nilingon lang naman siya ni Denver at saka siya nilagpasan. Pinanood lang naman ni Sandra si Denver hanggang sa tumapat ang asawa niya sa sariling kuwarto.

"Kumain ka na ba?" Nilingon naman ulit ni Denver si Sandra.

"Pagod ako, Sandra. At saka gabi na. Matulog ka na lang. Ako na ang bahala sa sarili ko."

Sandra smiled at him as she nodded. Narinig pa ni Sandra ang pagbuntong-hininga ni Denver bago tuluyang pumasok sa kuwarto nito. Maging si Sandra ay pumasok na rin sa kaniyang sariling kuwarto.

Muli niyang inilabas ang kaniyang notebook at sinimulang magsulat.

'Did you see him? Yes! That's Daddy, my darling! That's him! Are you excited? Yes, we are! Should we tell Daddy already? We will, my baby.'

DENVER was exhausted from 8 hours flight. Nananakit ang likod niya at hindi siya makatulog ng maayos. Hindi niya mapigilan ang mapamura sa pagod. He takes care of everything, every single damn thing, sa kagustuhan lang niyang umuwi na.

Wala pa siyang maayos na tulog simula ng umalis siya at pumunta sa ibang bansa. Kung hindi lang sana sa kumalat ng balita tungkol sa unti-unting pagbagsak daw ng kumpanya dahil sa pagkatali niya sa asawa.

Naiinis siya sa tuwing tititig ang mga board members sa kaniya na para bang ikinasama pa ng reputasyon niya ang biglaang pag-aasawa at ang napangasawa pa niya ay hindi ganoon kayaman at kapopular.

Tila isang malaking disappointment sa lahat ng stockholders niya ang pagpapakasal niya sa isang nobody. Halos sampalin siya ng Ina ng minsan ay tumawag si Denver kay Madame Madelle para sabihing maling desisyon ang pagpapakasal niya kay Sandra.

'Nasisiraan ka na ba ng bait? Iyang ubo mo ay nasa utak na! Sabihin mong huwag ugaliin ng board members ang pagsinghot dahil humahalo na sa utak nila ang kanilang mga sipon!'

Muling napabuntong-hininga si Denver. Bumangon siya para lumabas at kumuha ng alak. Dinala ang isang bote ng alak at saka nagtungo sa teresa para doon uminom. Napasandala siya sa upuan habang hawak ang isang baso ng rum sa kaniyang kanang kamay.

Mayamaya ay nakatanggap siya ng mensahe galing sa mga kaibigan niya.

'Hey, let's have a drink!'

Ipinagsawalang-bahala niya iyon. Wala siyang balak gumimik ngayon at pagod siya. Balak din niya ang hindi pumasok kinabukasan sa trabaho at pipiliin na lamang na bawiin ang lakas niya. Matapos niyang makalahati ang laman ng bote ng rum ay napagpasyahan na niyang matulog.

SANDRA hurriedly rush on the toilet and vomitted nothing that it makes her stomach hurt. Naiinis si Sandra na sa tuwing magigising siya sa umaga ay nasusuka ang pakiramdam niya ngunit wala naman siyang maisuka. Nakahawak siya sa toilet bowl at namamawis.

Nang mahimasmasan siya ay nagtungo siya sa lababo para magmumog at magsipilyo. Pinili na rin niyang maligo. Matapos niyang maligo ag saka siya nagbihis at lumabas ng kuwarto.

Pakanta-kanta siyang bumaba sa hangdan ngunit nang nasa kalagitnaan na siya ng hagdan ay bumukas ang pinto ng kuwarto ni Denver. Napalingon doon si Sandra at nakatayo sa may pinto si Denver habang ang suot lang niya ay itim na boxer at hapit sa katawan niyang sando. Lihim na napatawa si Sandra sa itsura nito.

"Will you please tone down you goddamn voice? Gusto kong matulog ng mapayapa!"

Nag-peace sign lang naman si Sandra sa asawa. Nagkakamot ng batok si Denver ng isara niya ang kaniyang silid. Nagpatuloy naman sa pagbaba si Sandra hanggang sa makarating siya sa kusina.

Dealing With Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon