CHAPTER 24: SHE RUN

763 18 6
                                    

"WHAT if let's just divorce?"

Tila nabingi si Denver sa narinig niya mula sa kaniyang asawa. He could not believe what Sandra just said, divorce? Hindi makapaniwala si Denver na sa unang pagkakataon na magsasalita si Sandra ng tungkol sa kanilang kasal ay divorce pa?

"What?" Denver asked Sandra.

"Let's get a divorce, Denver."

Tumawa si Sandra ng makita ang itsura ng asawa niya. Walang emosyon ngunit bakas ang pagkalito nito.

"I somehow agree with what people think about marriage without love. Aren't you tired of me? I bet you are. Sawang-sawa ka na sa mga naririnig mo sa mga kaibigan mo, sa ibang tao mula sa mga investors mo, sekretarya mo man 'yan o board members, directors or even your financial head."

"What are you talking about Sandra?" Nagtatakang tanong ni Denver.

"Hindi ba masakit ang tainga mo o naririndi sa mga naririnig mo? Kasi kung ako sa 'yo, matagal na akong bingi sa mga sinasabi nila. Hindi ba mas maganda kung sundin mo na lang sila? Para sa ikabubuti mo naman iyon. At saka hindi mo namam ako mahal, hindi ba?"

"What made you think like that, Sandra?"

Napatawa na lang si Sandra sa sinabi ni Denver.

'Mali ba ako? Syempre, mali na naman ako. Kailan ba ako naging tama?'

"Let's.  . . let's just get divorce, Denver. Pagod na rin naman na ako. Pagod na tayo pareho. Hinding-hindi na rin tayo magkakasundo. Nagsasawa ka na rin naman, hindi ba? Ako rin naman. Nagsasawa na ako sa relasyon natin o meron nga ba tayong relasyon? Well, magkaaway siguro?" Aniya saka tumawa.

Nanatiling walang emosyon si Denver at nakatitig lang kay Sandra. Sandra sighed and signaled Denver.

"Oh siya. Sabihan mo lang ako kung kailan mo gusto i-proseso ang divorce paper natin. Don't worry. Ako na ang bahala kina Mama at Papa, ako na ang bahalang magpaliwanag at makiusap sa kanila."

Lumabas si Sandra sa kusina at tumuloy sa hagdan. Tiniis niya ang pagod hanggang sa makarating siya sa harap ng kuwarto. Binuksan niya iyon at tumuloy sa banyo. Ibinukas niya ang shower at tuloy-tuloy ang pag-agos ng tubig sa kaniyang katawan. Nakasuot pa rin sa kaniya ang kaniyang t-shirt at pajama.

"Ito ang pinili kong desisyon, anak. Paulit-ulit ko na itong sinasabi sa 'yo, sana hindi ka nagsasawang makinig sa 'kin. Pagod na pagod na talaga ako."

Napaupo na lang siya at bumagsak ang mga luha niya kasabay ng pagbagsak ng kaniyang mga luhang dala ay sakit at pihati.

WALANG maintindihan si Denver ngunit ramdam niya ang kaunting bigat sa dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya ngunit alam niyang hindi siya apektado.

Divorce? Puwede naman. Sa totoo lang at tama naman si Sandra sa sinabi niya. Pagod na sila pareho sa relasyong nilang dalawa o gaya ng sinabi ni Sandra na kung may relasyon nga ba sila maliban sa magkaaway sila.

Sawa na sila sa isa't-isa at wala rin namang patutunguhan ang pagsasama nila. Paregas lang nilang sasaktan ang sarili nila. Parehas nilang problema ang isa't-isa. Mas maganda nga na maghiwalay na lang sila. Tutal ay nasa kamay na ni Denver ang titulo ng kumpanya. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit siya sumang-ayon sa kasal na ito.

'Sabihin mo lang kung kailan. . .'

Muling napabuntong-hininga si Denver at pinulot ang kaniyang coat sa lamesa at lumabas ng bahay.

Habang nasa biyahe siya ay laman ng isip niya ang mga katagang binitawan ni Sandra. Direkta at walang pag-aalinlangan niyang binigkas. Hindi tuloy malaman ni Denver kung seryoso ba si Sandra doon.

Dealing With Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon