CHAPTER 15: SHE CAN

374 15 0
                                    

NAPAKAGANDA ng Sulu ng gabing iyon. Madaming tao, madaming turista, maraming ilaw, maraming dekorasyon, nagkalat ang mga nagtitinda ng pagkain, souvenirs gaya ng t-shirts, porselas, at kung ano-ano pa. Maingay ngunit hindi nakakabingi. Kabi-kabilaan ang mga musikero at maraming sumasayaa sa kanilang tugtugin.

Sandra and Denver stood in the middle of the crowd. Inilibot nila ang kanilang paningin upang pagmasdan ito. Families, Friends, Couples, this is a nice place to bond. Mayamaya pa ay hinila ni Sandra si Denver sa isang stall ng ice cream.

"Kuya, magkano ang ganito kalaking baso?" Tanong ni Sandra habang nakaturo ang kamay sa medium size na disposable na baso.

"Singkwenta, 'neng." Sagot naman nito.

"Pabili ako ng dalawa, Kuya." Denver looked at his smiling wife. Ngayon niya lang napansin ang ganda ng ngiti nito. Ngayon niya lang yata nakitang ngiting-ngiti ang asawa niya. Inabot ni Sandra ang Ice Cream at ibinigay iyon kay Denver. Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa kaniyang labi.

"Salamat, Kuya." Naglakad sila papunta sa bench na nasa gilid ng park. "I never imagine that our first ever date will be special like this." Ani Sandra habang pumapapak ng Ice Cream. Tahimik lang naman si Denver sa tabi niya at walang-imik na kumain.

"Hindi na ito mauulit kaya sulitin mo na." Nagkibit-balikat naman si Sandra sa sinabi ni Denver. Malamang sa malamang ay hindi na mauulit ito. Pero kahit papaano, masaya siya.

"Gusto mo bang pumunta sa peryahan mamaya? Iyon ay kung hindi ka pa pagod. Pero ayos lang naman kung uuwi na tayo."

"Okay. Sa peryahan muna tayo pampalipas ng oras. Alas-dose pa naman ang firework display."

"Seryoso ko ba talaga sa firework display? Akala ko binibiro mo lang ako."

"I'll not travel this far just to eat ice cream while sitting, woman."

"Okay po." Natatawang sabi ni Sandra. Inilingan na lang siya ni Denver. Nang maubos nila ang ice cream ay hinila ni Sandra si Denver sa bandang peryahan. "Marunong ka bang humawak ng baril?"

Nakatayo silang dalawa sa stall. May nakabantay na ale doon. "I can but I won't play."

"Tsk. Tinatanong ko lang naman kung marunong ka. Ate, magkano?"

"Trenta ang sampung bala, 'neng." Napakunot ng noo si Denver.

"Ang mahal naman." Sinamaan siya ng tingin si Sandra.

"Tumahimik ka nga. Ito bayad ko po." Nang iabot ng ale ang baril sa kaniya ay napangiti siya. "Ilang shot po ba para makuha 'yong maliit na teddy bear?"

"Kinseng tama para sa teddy bear." Dumukot ng pera si Denver at ibinigay sa ale ang isang daan.

"Bale ilang bala iyan?"

"Tarantado ito at hindi marunong gumalang." Nakangusong sabi ng asawa niya.

"Bale ilang bala po?" Natawa si Sandra sa mahinahong pananalita ni Denver.

"Trenta y singko na bala." Nang iabot ng ale ang isa pang baril kay Denver ay napangiti si Sandra.

"Akala ko ba hindi ka maglalaro."

"Shut up."

Una, pangalawa, pangatlong bala. Napatawa si Sandra ng hindi makatama si Denver. Una, sapol. Pangalawa, sapol. Pangatlo, sapol.

"Ay, weak." Panunukso ni Sandra. Laking gulat niya ng muling umasinta si Denver at lahat ay tumama. Pagkaubos ng bala sa magazine niya ay naglalagay ito ng bala hanggang sa maubos lahat.

Nakatanga si Sandra habang nakatingin sa asawa niyang inabot ang isang malaking teddy bear at naglakad palayo.

"Damn." She silently muttered. "Salamat, Ate!" Paalam niya sa Ale at patakbong sinundan ang asawa niya. Saglit pang huminto si Sandra at kinuha ang phone niya. Denver is right in front of his car, hugging the big teddy bear and his back on her. Itunutok niya ang camera at saka kinuhanan ng litrato ang asawa. Napangiti siya nang makita ang litrato.

Dealing With Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon