CHAPTER 32: GREETINGS

366 15 2
                                    

NAGDIDILIG ng halaman si Sandra sa may harap ng bahay habang nagwawalis naman si Grace sa bakura. Araw-araw niyang ginagawa ang pagdidilig sa umaga para na rin maarawan siya.

Nakaauot siya ng mahabang daster at hawak ang hose sa kanang kamay habang sumusuporta naman sa kaniyang baby bump ang kaliwa. Dahil kakasikat pa lang ng araw ay inaantok pa rin siya. Pahikab-hikab siyang nagdidilig.

"Pagkatapos mo diyan, halika na rito sa loob at ititimplahan kita ng gatas."

Tumango naman si Sandra sa tinuran ni Grace. Isang box na lang naman na ng mga bulaklak. Nang matapos ay hinila pabalik ang hose. Nang maayos niya ito ay napansin niyang basa ang kaniyang suot. Napangiwi siya dahil hindi komportable iyon sa kaniya.

Dumaretso siya sa loob at nasa sala na si Grace at nanonood ng telebisyon. Lumingon siya kay Sandra at napansin na basa ang laylayan ng damit niya, napatingin naman doon si Sandra.

"Nabasa kanina, hindi ko napansin. Magpapalit lang ako saglit--"

Napatigil siya nang biglang humilab ang kaniyang tiyan. Grace knew it was not the water on hose, panubigan na ang nakabasa kay Sandra.

"Shit, Sandra! Panubigan mo nakabasa sa 'yo."

Dali-dali niya itong nilapitan at inalalayang makalabas ng bahay hanggang makasakay sa kotse.

"Hintayin mo ako saglit dito, kukunin ko lang ang mga gamit mo."

Hindi na nakapagsalita pa si Sandra dahil iniinda nito ang paghilab ng tiyan. She's on labor for Pete's sake! Halos mabingi siya sa paligid niya. Si Grace naman ay salita nang salita dahil sa pagkataranta niya. Isa siyang doktor, oo, ngunit hindi doktor ng mga buntis.

Halos magkandarapa siya sa pag-abot at pagpindot ng telepono niya para matawagan ni Xyl na sana ay hindi nasa isang operasyon dahil makakaabala siya.

"C'mon, Xyl. Pick it up or else I'll never call you again."

Because she knows that if he won't pick up, he's on something like operation or rounds. Nanginginit ang kamay niyang nasa manubela ng kotse nang sagutin ni Xyl ang tawag.

"Love--"

"C'mon, Xyl! Manganganak na si Sandra!"

Saka naman narining ni Xyl ang impit na ungol ni Sandra sa tawag. Pinatay agad ni Xyl ang tawag. Mabuti na labg at nasa lobby pa siya ng ospital. Nagpa-ready agad siya bg mga kakailanganin.

Nang makarating sa ospital sina Grace ay nakahabda na ang mga nurse para suportahan siya.

"How long a labor takes, Doc?"

Tanong ni Xyl sa Obgyne na nasa tabi nila.

"Hmm, it may take 12 to 19 hours. It depends on how her first stage of labor takes place."

ALAS-SINGKO nang hapon nang makapanganak si Sandra. Naging mahirap sa kaniya dahil napakahaba ng labor niya. She successfully gave birth to two healthy babies. A boy and a girl.

Natutuwang pinagmamasdan nina Grace at Xyl ang kambal sa labas ng New Born Nursery. Nakasuot ng pink na lampin ang batang babae samantalang blue naman ang suot ng batang lalaki. Parehas silang may name plate sa kanilang crib at may nakalagay na De Luna's baby boy at De Luna's baby girl.

GABI na nang magising si Sandra. Nakaupo si Grace sa may sofa ng kaniyang private room at halatang hinihintay ang pag-gising niya. Nilapitan agad siya nito at hinaplos sa kaniyang noo.

"Are you feeling good? Anong pakiramdam ng labor?" Natatawang tukso niya.

"Parang mahihiwa ang katawan ko sa sakit. Nasaan na sila?" Tukoy niya sa mga anak niya.

Dealing With Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon