CHAPTER 21: HOW CAN THEY BE SO SURE?

431 12 2
                                    

MAAGANG umalis ng bahay si Denver. Napapatingin siya sa kaniyang relo habang nagmamaneho. Madilim-dilim pa ang kalangitan nang umalis siya ng bahay at malapit ng sumikat ang araw ng buo. Nang makarating sa kumpanya ay ipinarada niya ang kotse sa parking lot.

Tumuloy siya sa opisina at nasa harap ng pinto si Cali at hawak nito ang kaniyang telepono.

"Good morning," bati ni Cali kay Denver.

"Right," Denver nodded at Cali.

"Hindi ka ba magle-leave?"

Itinulak ni Denver ang pinto ng opisina.

"Why?"

"Why? Your day is coming!" Malakas na sigaw ni Cali kay Denver.

"Mamamatay na ba ako?" Sumama naman ang mukha ni Cali sa sinabi ni Denver.

"Oo, ipinalista na kita sa mga embabalsamuhin ngayong linggo."

Napangisi lang naman si Denver sa sinabi ng kaibigan. Nang makita ni Cali ang bahagyang pagngisi ni Denver ay nagtaka ito.

"Ano ang nakain mo?" Nagtatakhang tanong ni Cali kay Denver.

"Bakit?" Balik na tanong ni Denver kay Cali.

"You were just grumpy yesterday and look at you." Cali pointed at Denver. "You are so happy? You look fresh. I mean. . . you don't look like your usual self."

"What the heck are you talking about?"

Umiling naman si Cali kay Denver habang nakataas ang dalawang braso niya.

"No. I do not feel good about it. What happened?"

Nakakunot ang noo ni Denver at hindi maintindihan ang pinagsasasabi ni Cali.

"What the heck are you talking about?!"

Cali pointed at Denver when he shouted.

"That! That was your true self! That is your normal self! And your being squishy-mishy jelly kid awhile ago."

"You are," Denver looked at Cali in disbelief "you are going nuts."

"What te heck, Denver?!"

SANDRA experience dizziness and mood swings. Pilit niya itong itinatago kay Denver lalo na sa tuwing magkakausap sila.

Nasa bibig niya ang kaniyang mga palad habang pinipigilang maduwal sa amoy ng gatas. Dahan-dahan niyang inilayo ang gatas na tinimpla niya at saka tumayo at umalis ng kusina.

"Saan ka pupunta?" Nagulat si Sandra ng magsalita si Denver. Lumingon siya kay Denver at nakatayo ito sa may main door at hawak ang kaniyang briefcase.

"Bakit ang aga mong umuwi?" Nagtatakhang tanong ni Sandra sa kaniyabg asawa.

"Nakita kitang tumayo matapos mong ilayo iyong gatas. Saan ka pupunta?"

"Ala-una pa lang ng hapon, bakit ang aga mong umuwi?"

"Whatever."

Nilagpasan siya ni Denver at nagtungo sa sarili nitong silid. Nanatiling nakatayo doon si Sandra at nakatingin sa nakasaradong pinto ng kuwarto ni Denver. Mayamaya ay bumukas iyon at nagtama ang kanilang paningin.

Nahihiyang nagbaba ng tingin si Sandra at umupo sa kalapit ng single sofa. Isinandal niya ang sarili doon habang nakahawak sa noo dahil pakiramdam niya ay umiikot ang sarili niyang mundo.

Nakita ni Denver ang pasimpleng paghugot ni Sandra ng malalim na hininga. Nilapitan niya ito at sinilip si Sandra.

"Anong nangyayari sa 'yo?" Kuryoso niyang tanong kay Sandra.

Dealing With Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon