Chapter 2

227 13 4
                                        

Icey Glaire Morales

Saktong pagkatapos magpakilala nung lalaking manyak sa likod ko ay nagring yun bell at dumating yung second teacher.

As usual, puro introduction lang yung nangyari.

"Glaireee~"

Hindi ko pinansin si arlyn sa pagtawag sakin at dire-diretso nang lumabas ng room.

Kanina pa kasi nila ako kinukulit na samahan silang magbreak. Ako yung nagiisa tapos sila yung nagpapasama?

Tsaka isa pa may baon akong pagkain. Para makatipid na rin.

Naglakad lakad muna ako sa loob ng campus para makahanap ng maganda pwesto. Yung tipong tahimik at walang istorbo.

At sa huli. Dito ako dinala sa likod ng Stage. May mini garden sya at halatang walang tumatambay. Sa dati ko kasing school ginagawang ihian yung likod ng stage. Public school. Psh

Umupo ako sa may damuhan nagsimula na ring kumain. Mukang may bago na akong tambayan.

Napaka tahimik.
Walang istorb---

"Huli kaa!!"

@#$%@%#%!

Tinignan ko ng masama yung dalawang babaeng istorbo sa pagkain ko.

"Sorry naman Glaire. Ikaw kasi eh, ayaw mo kaming samahang magbreak kaya sinundan ka nalang namin" Arlyn

"In fairnes ah. Ganda dito. Ngayon lang kasi ako pumunta dito kahit na dito ako nagaral since first year" ladiah

Tatayo na sana ako para humanap ng ibang lugar pero pinigilan nila ko.

"Nah. Sige na kasi Glaire, pramis tahimik lang kami. Makikisabay lang naman kami eh" Arlyn sabay taas nung dala nilang pagkain. Binili siguro nila sa canteen.

Hindi ko nalang sila pinansin at tinuloy nalang yung pagkain ko.

Nagulat ako nung umupo sila sa damuhan paharap sa akin. Akala ko kasi dun sila sa may upuan na nakapaikot sa table eh. Alam nyo naman, mayayaman. Masyadong maarte.

"Pero alam mo Gla--"

Pinutol ko na yung sasabihin ni Arlyn. "Gusto ko ng katahimikan"

"Pero kas--"

"Stop"

"Hays. Sayang. Ikaw na nga bibigyan ng details tungkol dun sa mga gangster sa room nat-- hey ayos ka lang!"

Agad akong uminom ng tubig dahil muntik nakong mabulunan sa sinabi nya.

Gangster?

"A-anong gangster?"

"Ikaw kasi Lyn eh! Malamang inosente pa yan sa mga ganung bagay. Tas kukwentuhan mo agad!"

Inosente

"Sorry agad. Eto nga oh, tatahimik na"

"Speak"

"Huh?" They both said in chorus

"About those g-gangster. Tell me about t-them"

"Eh? Sure ka?" Ladiah

Tumango lang ako sa kanila.

"Ok sige. Those five are gangster. Walang name yung grupo nila kaya tinawag silang unknown 8" arlyn

"8?"

So they are the unknown 8.

"Yupp. Actually 8 silang lahat. Pero yung tatlo nasa 4-B" ladiah

Kissing The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon