Icey Glaire Morales
"Ma. Pasok nako!"
Lumabas na ako ng bahay.
"Sige nak. Basta kapag may umaway sayo dun ipatikim mo lang sila ng uppe--"
"Yeah, yeah. Whatever"
Naglakad na ako palayo para hindi marinig yung sasabihin nya. Nakakainis. Bakit kasi hindi nalang kalimutan ang nakaraan?! Tsk.
Walang kwentang nakaraan.
Naglakad lang ako papuntang school. Malapit lang naman sa bahay yung school na papasukan ko. Buti nalang nga at matandain ako sa lugar at agad natandaan yung papunta dun kung hindi ay malamang naliligaw na ako ngayon. Bago lang kasi kami dito at syempre, bago lang din sa school. Buti nga at nakapasa ako sa full scholarship nila. Di ko kasi kayang magaral dahil sa sobrang mahal ng tuition.
Markin's University.
Sikat na university kung saan uniform palang doble na ng tuition fee sa ibang school. Sino ba naman di maghihirap sa ganyang klaseng iskwelahan.
Pero dahil MATALINO ako. Nakakuha ako ng full scholar. Sagot na lahat ng school maliban sa baon, pamasahe at pagkain syempre. Ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay magaral ng mabuti.
Kung inaakala nyo ay wala na akong problema. Isang malaking HINDI!
School pangmayaman yun so anong inaakala nyo sa mga istudyante dun? Santa.
Napabuntung hininga muna ako bago pumasok sa loob ng university.
At gaya nga ng inaasahan. Lahat ng madadaanan ko nakatingin sakin na para bang hinuhukay pagkatao ko.
>.
Naglagay ako ng headset at tinodo ung volume para hindi marinig yung bulungan nila. Wala akong panahon para sa mga taong kagaya nila.
Pumunta muna ako sa dean's office para kunin yung sched ko at pagkatapos ay dumiretso sa locker's room para itago yung ibang books at gamit na di naman gagamitin.
Room 403 /4-A
Pagkapasok ko sa room ko ay may teacher na.
"Sorry ma'am i'm late"
"Ok. You may sit now"
Nilibot ko yung paningin ko at may nakita akong limang bakanteng upuan sa may dulo. Umupo ako dun sa may tabi ng bintana. Bali isang bintana at isang babaeng kulot ang katabi ko ngayon. Sa likod ko naman ay may apat na bakanteng upuan.
"Hi" nagulat ako sa biglang pagharap ng girl na nakaupo sa harap ko. Di nya ba naisip na may teacher? At nagawa nya pang kumaway ah.
"So since first day pa lang naten at hindi pa tayo magkakakilala. Let's do the introduction part"
"Nonsense introduction"
Lahat kami napatingin sa bagong pasok na nagsalita.
Itsura ng mga mate ko? Ugh nvrmnd. Hindi na dapat idescribe ang mga bagay na hindi kanais nais. *sigh
Nagulat nalang ako ng bigla silang nagtilian at kung anu anong pinagsasabi.
Ano bang meron? Artista?
Tinignan ko yung mga bagong dating. YES! Mga. Mga means madami. Lima sila kung marunong nga akong magbilang -_-
Gwapo.
Maskulado.
Matangkad.
Makinis.
At gwapo ulit.Pero.... Mukang gangster.
"G-good morning S-sebastian"
Huh?
BINABASA MO ANG
Kissing The Gangster
ActionNatripan ko lang gawin tong story nato dahil sa dalawang tao. Kaya para sa kanila talaga to <3 Maski yung names ng mga characters ay mga name namin. Bakit? Wala lang. Paki nyo ba?! Ang hirap kayang magimbento ng Pangalan. Ps: Wala po ako sa sarili n...