Icey Glaire Morales
*pakk*
*boogsh*
Napaupo na ako dahil sa sobrang daming suntok at sampal ang nakuha ko sa siraulong lalaking to.
marami na ding nanunood pero walang gustong umawat. This place is HELL.
"Ano ha?! Lalaban kapa?!!"
Dumura muna ako bago sya tignan.
Tanga ba 'to. Lalaban daw eh simula nga kanina hindi ako lumalaban. Ni hindi ko din sinasalag yung pananakit na ginagawa nya.
"Pagbibigyan naman kitang makaalis eh. Magmakaawa ka lang"
Hinablot nya bigla yung buhok ko at sapilitang tinayo.
Wala na akong maramdamang sakit ngayon dahil parang namanhid yung buo kong katawan. Ikaw ba naman gawing punching bag -_-
"Gusto mo na talagang mamatay huh?!"
"I wont die"
I surely won't. Hindi ako mamamatay. Hindi dito. Hindi ngayon.
"Puta kang babae ka!"
Napatalsik ako dahil sa lakas ng pagkakasampal nya sakin.
Lumapit ulit ito sa akin at hinila ulit yung buhok ko.
"Ganito na lang. Since mamamatay ka na rin lang, wala ka bang gustong sabihin? Huling salita kumbaga" nakangisi nitong sabi.
"I told you. I won't die here. You can't kill me" pinilit ko pang ngumiti nang sabihin ko yan.
Napabuga ako ng dugo nang sikmuraan nya ako. Dahan dahan akong napaupo.
Nakita ko naman ang panggigigil nya at sobrang sama ng tingin. Lumapit sya sa isa sa mga kasama nya at may kinuha.
Nung marealize ko kung ano yung hawak nya ay pinilit kong makatayo kahit hirap na hirap na ako.
Kutsilyo.
"Sge. Hindi na kita papahirapan. Gagawin ko na lang itong mabilisan"
Akmang lalapit sya sa akin pero nagsalita ulit ako.
"I pity y-you"
At muli. Nakita ko nanamang nanlisik yung mata nya at galit na galit na lumapit sa akin.
Alam ko na yung susunod na mangyayari kaya napapikit ako.
"I really do" bulong ko bago ako tuluyang matumba.
Gusto kong imulat yung mata ko dahil nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako bumabagsak sa lapag. Napakalambot.
Hanggang sa naramdaman ko nalang na unti unti akong inilalapag sa lupa.
Pinilit kong idilat yung mata ko.
At tanging likod lang ng isang lalaki ang nakita ko. Habang may ginugulpi.
Makalipas ang ilang minuto. Sa ikalawang pagkakataon, naramdaman ko nanamang nakalutang ako.
At yung amoy na yun.
Sebastian Markins.
----------
"Ouch"
Napapamura na lang ako sa sakit na nararamdaman ko sa buong katawan.
Teka..
Nasaan ako?
BINABASA MO ANG
Kissing The Gangster
AçãoNatripan ko lang gawin tong story nato dahil sa dalawang tao. Kaya para sa kanila talaga to <3 Maski yung names ng mga characters ay mga name namin. Bakit? Wala lang. Paki nyo ba?! Ang hirap kayang magimbento ng Pangalan. Ps: Wala po ako sa sarili n...