Chapter 3

225 9 1
                                    

Icey Glaire Morales

Unknown 8.

Sila lang kaya yung gangster sa school?

Sila lang kaya yung mga taong dapat kong iwasan?

Hays.

"Nak may problema ba? Kawawa naman yung manok eh. Nadeds na dinodouble mo pa"

Tsaka ko lang napansing durog na pala yung manok ko.

"Ah pasok na po ako"

"O sge. Magiingat ka ah, wag makikipag-basag-ul---"

Naglagay na ako ng headset at diretsong umalis.

I'm not that kind of girl anymore.


"Tanan!!"

Tinignan kong mabuti yung dalawang lunch box na nasa harap ko.

"Ano yan?" Sabi ko sa kanila. Sino pa ba? Edi yung dalawang magpinsan.

"Lunchbox. Kyaaaa excited nako magbreak. First time kong magbaon ng lunch box eh. Dun ulit tayo sa likod ng stage ah?" Arlyn

"Waaaah! My new tambayan na tayo. Hihi new experience. Ngayon ko lang narealize mas masarap kumain sa damuhan!" Ladiah

Napangisi ako sa sinabi nya. Hindi porket mayaman ka alam mo na lahat. Nakuha mo na lahat. At nagawa mo na lahat. Dahil kung tutuusin, ang mga taong kagaya nila, sila yung mga taong ignorante sa maraming bagay. Dahil may mga bagay na mas masarap maexperience sa labas ng mundo nila.

Hays. Mukang no choice na talaga ako kung hindi pakisamahan sila ah. But still, they're not my friend. Ayokong maging kaibigan sila.

--

"Miss Morales?"

"Yes ma'am?"

"I just want to tell you na nagrequest yung office since you are the one who got the full scholar, they want you to teach Mr. Markins , in short you'll be his tutor. Ay no! Actually it's not a request. It's an order from the highness. So you don't have any choice"

"But ma'am--"

"Don't worry dear, you can get an instant allowance, treat this as a Part Time Job. Okay? Osya, good day class"

Tsk.

Tinanaw ko lang lumabas si Ma'am . Hindi naman yun yung itatanong ko eh. Nasa first section yung sebastian markins na yon. Ibig sabihin MATALINO din sya, bakit kailangan pang itutor?

Tsaka isa pa, hindi ko sila dapat lapitan.

Tinignan ko yung sebastian na kasalukuyang nakatingin at nakangisi sa akin. I knew it! It's all his plan. Pero bakit nya to ginagawa?

Kilala nya ba ako?

Dapat na ba akong lumipat ng school?

Pero anong sasabihin ko kay Mama na dahilan.

*poink*

"Ouch!"

Sinamaan ko lang ng tingin si Arlyn dahil sa pagbatok nya sa akin.

"Sorry hehe. Wala ka kasi sa sarili. Di mo kami naririnig tapos tulala ka pa"

Tinuloy ko nalang yung pagkain ko at hindi sila pinansin.

"Glaire! Answerte mo. Itututor mo pa si Sebastiaaaan. Kyaaa ikaw na!" Ladiah

"Yeah right! Nakita mo ba mukha ng mga mate nating girl. Inggit na inggit. Bwahahahaha i pity them" arlyn

"Glaire pwede mo ba kaming isama sa pagtututor sa kanya. For sure kasi kasama nya yung ibang unkown 8 eight. My gaaaaaa" ladiah

"Kung gusto nyo kayo nalang magturo dun"

"What?!! You mean hahayaan mo kaming magturo sa ka-- ay no. I mean, sigurado kang ayaw mong itutor yun. Abay kung ibang girlaloo baka nagkaheart attack na sa tuwa dahil mapapalapit sila kay sebastian!" Arlyn

"Pero hindi ako kagaya ng mga babaeng yun"

"Oh my!! Pero teka, bakit ba ayaw mo syang turuan? Tsaka kahit naman gusto kong ako nalang magtutor sa kanya wala pa ring kwentabkasi, mas matalino kaya sakin yun!" Ladiah

"That's my point. Di na sya kailangan pang turuan dahil matalino na sya"

"Oo nga no? Baka gusto pang mas maging matalino?" Arlyn

Sigh.

Dapat na ba akong kabahan?


--

"Good Day class"

Nagsimula na akong magligpit ng gamit pagkalabas ng last subject teacher namin.

"Yah Glaire! Sabay sabay na tayong lumabas!" Ladiah

"O kaya gusto nyo gala muna tayo? Bonding na itoo!!"

"I'm sorry girls but that is not possible"

Tinignan ko yung nagsalita. It's sebastian.

At sila arlyn at ladiah? Ganun oh O.o


Tinaasan ko lang ng kilay yung sebastian.

"Well you know, i didn't get our topic on today's class so i guess my tutor can help me"

"Sorry pero marami pa akong gag--"

"That's not a request Woman. That's an order... from the highness"

Nakuyom yung kamao ko dahil sa sinabi nya. At talagang ginaya pa yung sinabi nung teacher kanina.

Napansin ko namang nagsisikuhan sila Ladiah at Arlyn.

"A-ah ganun b-ba? Hehe s-sorry S-sebastian" arlyn

"H-ha. Ha. Ha. Ikaw kasi Lyn, sabi ng busy si Glaire. Osya alis na kami ah, b-bye bye"

At nag unahan na silang lumabas.

Now what? Tatanungin ko ba kung may alam sya sakin?

Hindi! Paano kung wala, edi parang binigyan ko lang sya ng reason na paghinalaan ako. Pero sana nga wala, sana wala syang alam.

At dapat din akong magingat sa bawat ikinikilos ko.

"Ahm.. saan ba kita tuturuan?"

"Sa library" tipid nyang sagot at naglakad na papuntang library.


HABANG tinuturuan ko sya napansin kong hindi naman sya nakikinig. At kung tutuusin sigurado akong alam nya naman lahat ng tinuturo ko.

"Oras na pala. Pwede na ba akong umuwi?"

"Icey"

I frozed. No one dares to call me on that name.


"Excuse me?"

"I like you"

And for the second time, i frozed.

"Tingin mo kukuha pa ako ng magtuturo sa akin kung matalino naman ako? Hindi ba halatang nagpapapansin lang ako sayo?"

I think. He knows nothing. Not even a little thing about me. Pwede na akong makahinga ng maluwang. Pero teka,

ANO DAAAAAAAW?!

***********************
Maiksi lang to. Wala na kasi akong maisip eh. Bawi nalang sa next chapteeeer <3

# COMMENT AND VOTE.

Kissing The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon