Chapter 10

153 11 5
                                    

Icey glaire Morales

"Aisssh!!" Inis na binalibag ko yung foundation sa may pader.

Sobrang kapal na ng nilalagay ko sa mga pasa at sugat ko pero hindi pa rin matakpan ng maayos.

Paano naman daw ako papasok nito? Tatlong araw nakong absent at ayoko namang mawalan ng scholar. Pero sabagay naisip ko na mas mabuti na rin yata yun. Pag walang scholar, walang Markin's University. Pag walang University, walang unknown 8 na mga bwisit sa buhay. At pag walang Unknown 8, walang Sebastian! Great. Just great.

Naghilamos nako para mawala na yung makating foundation sa mukha ko. Nagbihis na rin ako ng pambahay at bumaba na para mag almusal. Hindi na rin naman ako makakatulog ulit dahil hindi nako inaantok at mukang imposible ng antukin ako.

"Oh nak? Kala ko ba papasok ka na ngayon?" Sabi ni mama pagkababa ko.

"Nagbago na isip ko" boring kong sabi.

Naiisip ko palang na papasok akong puro pasa at sugat nagiinit na ulo ko. Hays. Ansarap pirapirasuhin nung panget na yun. Pag eto talaga nagpeklat ibabalik ko sya sa hospital.

Yun kasi yung huli kong balita sa mga panget na nangharang kila arlyn. Nahospital daw at sigurado ako si sebastian may gawa nun.

Speaking of him. Sya rin nga yung nagbayad ng bill sa hospital. Ay mali pala, ano nga bang babayaran nya kung kanila naman yung hospital.

Ang yaman nga talaga nila.

At kahit anong mangyare kailangan ko syang bayaran. Ayokong magkaron ng utang na loob sa kanya.

Ano na kayang nangyayari sa school? Hays. Ano nga bang pake ko? >.<

"Nak may bisita ka"

Huh?

Tumayo ako para tignan kung sino yung bisitang tinutukoy nya.

"Hello Glaaaaaire!" Sabay nilang sabi. Sino pa nga ba.

-_____-

"Anong ginaagawa nyo rito?"

Fine. Rude na kung rude. Hindi lang ako sanay ng may pumupunta sa bahay.

"Eh kasi ilang araw ka ng hindi pumapasok, naisip lang naming kamustahin ka" arlyn

"Tska para na rin pahiramin ka ng mga notes" ladiah

"Salamat. Makakaalis na kay--" *poink*

Inis na tinignan ko si mama habang hawak yung sandok na binato nya sakin.

"Naku, ikaw talagang bata ka. Hindi pa nga sila tumatagal ng ilang minuto papaalisin mo na. Nasan na ba yung manners mo?"

"A-aray. Oo na! Oo na! Bitiwan mo na yung tenga ko"

"Hndi, dadalhin lang kita sa kusina para naman maipaghanda mo ng miryenda yung mga bisita mo" sabi pa nya habang hawak yung tenga ko at hinihila papunta sa kusina.

"Anu ba yan eh" inis na sabi ko habang kinakapa yung tenga na piningot nya. Ansakit kaya. Kita ng medyo injured pa yung tao

"Ipaghanda mo dyan yung mga kaibigan mo at aasikasuhin ko muna sila dun sa loob"

"Hndi ko naman kaibigan yung mga yun eh" inis kong sabi pero hndi nya lang ako pinansin at tinalikuran na nga.

Tsk.

At kahit labag sa kaloob looban ko ay nagtimpla na rin ako ng juice at nagpalaman ng tinapay para sa kanila.

Nadatnan ko silang nakukwentuhan kasama si mama habang tumatawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kissing The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon