Icey Glaire Morales
"Alis na po ako!"
What the---
"Ang gwapo ko talaga. Kita mo natulala ka"
*facepalm*
At ano namang ginagawa ng lalaking to sa harap ng bahay namen?!
"Ahm. Dito ka pala nakatira"
Nilibot nya muna yung paningin nya sa buong bahay namen kaya napaismid ako. Hindi naman kalakihan yung bahay. Up and down sya pero simple lang. Andami ngang nagsabing ang cute daw dahil sa mga weirdong design. Kasalanan ni mama ang lahat.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Sinusundo ko yung girlfriend ko" ngi ngiti ngiti nya pang sabi.
"MAMA!!"
"Oh anak? Tawag mo ko? Akala ko nakapasok ka n-- Ay gwapo! Anak sino to? boyfriend mo?" Sabi nito ng tuluyan ng makalabas at makita itong si sebastian.
"hindi. Boyfriend mo ata. Sinusundo ka daw. Alis nako!"
Nagmartsa na ako palayo sa lugar na yon, hindi pa man ako nakalalayo ay nakita kong mabilis na dumaan yung kotse ni Sebastian. Ano yun nakikipagrace? Tsk.
Tingin nya porket nag 'i like you' sya sakin kami na?!
"Glaaaaaire!"
Napatingin ako sa dalawang babaeng kasalukuyang tumatakbo papunta sa lugar ko habang walang awang pinangangalandakan yung pangalan ko. Sige, sigaw pa. Pansin ko lang palaging magkasama tong magpinsan na to ah.
"Magkwento ka naman!" Arlyn
"Ha?"
"Ghaaaad! Yung nangyare kahapon! Make kwento naman! San mo sya tinuruan? Dinala ka ba nya sa mansion nil---"
"Library" putol ko sa sasabihin nya
"Ay ganun ba. So anong nangyare? Dali dali"
"Tinuruan ko sya tapos....."
"Ta--pos? Sabay nilang sabi na halatang excited na excited sa susunod.
"Natuto sya"
*poink*
*poink*
"Aray! Nakakadami na kayo ah!"
"Ikaw kaya! Pabitin effect ka pa dyan, malamang natuto sya kasi tinuruan mo sya. Psh" ladiah
Di ko nalang sila pinansin at dumiretso na sa room. Tingin nila magkukwento ako?
Tsakaa ano... bat ko naman ikukwento yun eh.... nakakahiy- pwe! Baka di pa sila maniwala. Mapagkamalan pakong nabubuang. Tsaka isa pa, baka malaman nung sebastian na yun na ikinuwento ko sa iba yung nangyare. Isipin pa nyang gustung gusto ko.
"Uy dali na kasi glaire. Magkwento ka naman" ladiah
Never.
"Oo nga. Nagusap ba kayo?" Arlyn
Yeah.
"May tinanong ba sya?" Ladiah
Ano namang itatanong nya?!
"Tungkol lang ba sa study pinagaralan nyo?" Arlyn
No!
"Natitigan mo ba syang mabuti?" Ladiah
Nothing special about his look.
"Anong itsura nya malapitan?" Arlyn

BINABASA MO ANG
Kissing The Gangster
ActionNatripan ko lang gawin tong story nato dahil sa dalawang tao. Kaya para sa kanila talaga to <3 Maski yung names ng mga characters ay mga name namin. Bakit? Wala lang. Paki nyo ba?! Ang hirap kayang magimbento ng Pangalan. Ps: Wala po ako sa sarili n...