Chapter 8

144 9 1
                                        

Icey Glaire Morales.

Napansin kong may dalawang weirdong bagong dating na babae ang nakatingin lang sa may pasukan papunta sa loob ng under ground. Mukang naguusap pa.

Yeah. Weirdo. As in weirdo talaga -_-

Nangingibabaw yung itsura nila kumpara sa iba. Hindi sila mukang gangster. Mukha silang mga magcocostplay para sa isa EMO party .

Hays. Malaki na ata sapak ng dalawang to.

Nang sinabi kong hindi ako sasali sa kanila kanina at kunwari'y uuwi ay hindi ko ginawa.

Tss. Kahit kasi may tama yung dalawang yun. Ahm... nagaalala pa din ako . Mukha kasing seryoso nga sila na mag-kukunwaring gangster para lang makapasok sa lugar na yon.

Ano bang akala nila? May party sa loob? Madaming artista. Malinis. Maganda. Psh. Dito pa nga lang sa malayo amoy mo na yung usok ng sigarilyo sa loob pa kaya.

Nung makapasok sila ay hinintay ko nalang silang lumabas. Sigurado kasing hindi magdadalawang isip yung mga yun na lumabas agad once na makita nila kung anong meron sa loob.

Kaya lang naman hindi ko sila pinigilan kanina ay para malaman na din nila na hindi nila gugustuhing pumasok dun sa oras na makita nila kung anong meron sa loob ng lugar na yun.

In short. Gusto ko lang silang madala para mamatay na yung kung anu mang curiousity nila sa katawan -_______-

Shit.

Napapamura na lang ako ng hindi pa sila lumalabas. Bat antagal nila?!

Don't tell me nagustuhan nila yung view sa loob nun?!

Eh puro mga mapanganib na tao yung mga nando----

"Fck!"

Napasabunot ako sa buhok ko nang may marealize akong isang bagay. Delikadong tao yung mga nasa loob! Malamang ay kung napano na yung dalawang yun!

Kaya kahit naka uniform pa ako ay tinakbo ko na papasok yung underground na yun. Napapatingin pa nga sakin yung ibang tao pero wala akong paki.

"Nasan kayo?!" Bulong ko habang iniikot yung paningin sa loob.

Nanlaki yung mata ko ng mapansin kong nandun sila sa lugar kung saan pinalilibutan ng madaming lalaki.

Nagulat pa ako nung binato ni arlyn yung isa sa mga yun ng heels nya.

Mukang alam ko na ang susunod na mangyayare ah.

"Glaire!" Sigaw ni Lad.

Hindi ko alam kung paanong takbo yung nagawa ko at nandito agad ako sa kanila. Hawak yung mabahong kamay ng lalaking to na sasampal sana kay arlyn.

"Waaaaaaaa Glaire"

Ngayon ko lang napansin na umiiyak na pala sila. Tsk.

"Let them go"

Wow. Yan tuloy napapaenglish nako.

"Teka sino ka namang pakialamera ka?!" Panget#1

"Wala ka ng pakialam kung sino ako. Pakawalan nyo na sila"

"Aba. Nabuhay ka wonder girl! Teka nasan yung costume? Tsaka uniporme ba yan ng Markins university? Kung siniswerte ka nga naman oh" Tatawa-tawang sabi ni Panget#2

"Tapos kana magjoke? Di kami natawa sorry. Uwi na kami" hinigot ko na sila ladiah pero hinarangan lang nila kami.

"Bakit ka ba nangingialam dito ha?! Kaibigan ka ba ng mga pekeng yan?!" panget#1

Kissing The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon