Migo Lazaro
"Sino kayo?!"
Mabilis akong napabangon sa kama nang marinig ko ang boses ni Andrei sa labas ng kwarto. Malakas at nakakaalarma ang tono ng boses niya kaya agad kong ginising si Karma na mahimbing na natutulog sa tabi ko.
"Karma, gising! May nakapasok ata na magnanakaw!"
Tamad siyang napabangon at tumitig sakin. "Ikaw ba yung magnanakaw?" tanong niya na agad kong pinagtaka.
"Ninakaw mo kasi yung puso ko." ani niya sabay silay ng isang ngiti sa labi niya. Agad ko naman siyang sinita at pabirong sinuntok sa braso.
Kahit kailan talaga 'to.
"Karma..." sambit ko na may halo ng pag-aalala sa boses.
Maya-maya pa ay nakumbinsi ko na siyang sumama sa'kin sa labas para kamustahin sila Andrei.
"Anong nangyari?" nag mamadali akong lumapit sa kanila at tinapik sa balikat si Andrei.
"Nagulat kami kasi bigla na lang silang pumasok dito, yun pala kaibigan sila ni Karma. Sorry, pre." nag aalangan ang boses ni Andrei bago napalingon kay Karma na humihikab pa rin ngayon.
"It's fine. I would also react the same way if I were you." dumiretso si Karma sa direksyon ng dalawa at nakipag fist bump dito. "Di talaga uso sa inyo kumatok 'no?" may halong sarcastic yung pagkakatanong niya.
"Hahahahaha! Bro, you know us!" pang-asar na sagot ni Calix.
"Migoooo! Na-miss ka namin! Pa-kiss nga!" mabilis na lumapit sa'kin si Troy at agad akong sinalubong ng yakap.
Pero di nag tagal 'yon dahil hinila din agad ako ni Karma palayo. "Go away." asar niyang sambit bago humarang sa pagitan namin ni Troy.
Narinig kong nagtawanan sila Lance sa likod at pati na rin yung kambal.
"Possessive as usual hahahaha!" hirit ni Calix.
"Damot mo, Karma!" may halong pagtatampo sa boses ni Troy. Napailing na lang ako sa kanilang tatlo.
"Di pa rin talaga kayo nagbabago. Parati pa rin kayong nag aasaran tatlo." wala sa sariling bulong ko na naging dahilan para matigilan sila sa pagkukulitan.
Napansin ko na napangiti yung kambal at ganon din si Karma. Biglang nag flash sa isip ko ang ilang ala-ala namin noong pagkabata. Masaya, naglalaro, nagtatawanan...
At nandoon rin si Karma. Kasama namin siya...
Halos maluha akong tumingin kay Karma. Ganon din siya sa'kin na para bang nangungusap ang mata niya. Sa wakas, may naalala din ako kahit papano.
Naputol lang ang pagtitigan naming dalawa nang sumilip si Alex mula sa kusina para tawagin kami.
"Guys? Nag prepare kami ni Ban ng breakfast. Do you wanna join us?" paanyaya niya.
"Sino ba kami para tumanggi? Tara, Calix!" masayang sumunod yung kambal sa kusina at ganon din si Andrei at Lance.
Kaming dalawa na lang ni Karma ang naiwan ngayon sa sala. Ramdam ko na may gusto siyang itanong sa'kin kaya ako na ang unang nag salita.
"Ikaw nag papunta sa kanila?" pag basag ko sa katahimikan.
"Yes, I thought they might help you remember your lost memories. I'm sorry di ko agad nasabi sa-" di ko siya pinatapos mag salita at mabilis ko siyang hinalikan sa labi.
BINABASA MO ANG
His Obsession [BL]
RomanceThis is a story of romance between the same gender. If you're not comfortable to read explicit genre and making love of two guys then feel free not to read this story at all. I don't have any time to give to people who is not open minded for this ty...