Migo Lazaro
Lunes ng umaga ngayon at gaya ng napag-usapan namin kanina, sabay kaming pumasok ni Karma sa Anson. Nag hiwalay lang kaming dalawa pag pasok namin sa loob ng classroom para pumunta sa sarili naming mga upuan.
Umagang-umaga, pero kapansin-pansin na naman yung harang na pumapagitan samin ni Andrei. Hindi ko maintindihan kung bakit ang laki ng inis siya kay Karma. Ayaw niya bigyan ng pangalawang pagkakataon yung tao na patunayan nito ang sarili niya. Lahat naman ng tao nakakagawa ng mali eh.
"Ayaw niya na ba sumama satin?" biglang imik ni Alex sa gilid. Hindi sila sanay ni Lance na humihiwalay si Andrei samin, kahit ako, naninibago sa kinikilos niya.
"Migo, you should talk and clear things with him. We all know how Andrei likes to ignore us until you’re the one who come up to him. Do not get me wrong, dude. I’m not blaming you for what happened. But if the situation continue like this between the both of you, we’ll definitely gonna lose him sooner or later." may punto si Lance at hindi malabong mangyari yon kung hahayaan ko pang tumagal yung naging alitan naming dalawa ni Andrei noong nakaraan. Pero...
Ang hirap lapitan ni Andrei ngayon. Kung sasablay, baka maulit lang yung nangyari at mag kasagutan ulit kami.
"Andrei, mamaya sa court! Bitbit ka ng team mates mo!" sigaw sa kanya ng kaibigan niya sa ibang section. Agad namang tinanguan ni Andrei yon bago siya lumakad papunta sa direksyon namin. Bigla tuloy kaming naalarma nila Alex dahil mag katabi lang ang upuan namin ni Andrei. Panigurado magkakailangan kami.
"Yo, trops! Na-miss ko kayo!" tumakbo siya palapit samin at bigla niyang tinapik ang balikat ko bago naupo sa arm chair niya. Nagulat ako pati si Lance kaya nagkatinginan kaming dalawa. Ibig ba sabihin ba nito ayos na kami?
"Bakit hindi ka sumasabay samin nitong mga nakaraang araw, ha?" kompronta agad sa kanya ni Alex. Wala talaga siyang inaaksaya na oras pag sa mga ganitong sitwasyon.
"Ah, pasensya na. Akala ko kasi ayos lang na ako sumama sa inyo... lalo pa na mukhang nakahanap na kayo ng kapalit ko." sinulyapan niya si Karma na nagkataon din namang nakatingin samin kaya bahagyang napakunot ang noo niya.
Napakuyom na lang ako ng kamay bago pa abutin ng pagiging isip-bata ni Andrei ang rurok ng pasensya ko.
"Ano ba kayo, nagbibiro lang ako hahahaha!" tumawa siya bigla pero nanatili kaming nakatingin sa kanya.
"Andrei, kung gusto mong humiwalay samin, wala naman akong problema doon. Gawin mo na lahat ng gusto mo, isipin mo na lahat ng gusto mong isipin, wala na akong pakialam." tumayo ako at binitbit ang gamit ko. Tangina wala ng patutunguhan ‘to.
"H-hey, Migz. Teka lang, magsisimula na yung klase!" pahabol na sigaw ni Alex pero nag patuloy lang ako sa paglabas ng classroom.
Ganito ba ang epekto sakin ng pagsama ko kay Karma? pati yung mga malapit sakin lumalayo na ang loob sakin.
"Migo, saan tayo pupunta?" biglang nag taasan ang balahibo ko ng may umakbay sakin mula sa likuran.
"F*ck you, Karma." mura ko sa kanya– sa ginawa niyang pangugulat pero natawa lang siya ng mahina at hindi na siya nag salita hanggang sa sumabay na siya sa‘kin sa paglalakad.
Lately, I noticed that I’ve been hanging out more with this asshole beside me more than my original circle of friends. Then as the time goes by, I began to realize that it will not take us to hate a person entirely by their one mistake. Noong una, inaamin kong muntik ko ng mapatay si Karma dahil sa una naming pagkikita. Aaminin kong hindi naging magandang karanasan sakin ‘yon. Pero habang tumatagal at nakikilala ko siya, doon ko napapagtanto na hindi naman pala siya ganon kasamang tao.
It’s just that he likes someone and he happen to see that someone drunk inside a room alone with him and the rest will remain as history.
"Why are you smiling? Are you thinking about me?" imik niya ulit sa tabi ko.
"Paano mo nalaman?" sagot ko sa kanya pero ang gago, hinila niya bigla yung hood ng jacket ko mula sa likuran at pinangtaklob sa ulo ko. Tangina?
Inalis ko yung hood at akmang babatukan siya pero natigilan ako pagkakita kong namumula ang tenga niya.
"Karma, you're–" hindi ko natuloy ang pang-aasar ko ng bigla siyang kumaripas ng lakad palayo sa‘kin.
Natawa na lang ako sa kinilos niya. Hindi ko alam na may ganong side din pala si Karma.
××××
Dumaan ang ilang oras na kaming dalawa lang ni Karma ang magkasama sa rooftop. Wala kaming ginawa kundi mag kwentuhan sa mga walang kawenta-kwentang bagay katulad na lang na bakit nga ba kulay green ang puregold, kailan magkakaroon ng zombie apocalypse, alien invasion at madami pang iba.
Huli na ng mapagtanto kong dalawang subject na ang hindi ko napapasukan hanggang sa ayain ako ni Karma kumain sa canteen. Sabay kaming pumunta doon kaya ‘di ko maiwasang makahakot din ng atensyon mula sa ibang tao. Alam kong napapansin na din nila na madalas kami magkasama ni Karma at hindi na maganda ‘yon.
"Kailan pa sila naging close?"
"Ritzy, that’s Karma we are talking about here. Wala sa vocabulary niya ang salitang close. Isa pa, si Migo naman ang nakakasama niya eh. He is also one of the top students here in Anson. Not to mention that he’s friends with Lance and Andrei too."
"Yeah, top student my ass. I heard a rumor that he embarassed Karma one time in front of their class. Gawain ba ng top student ‘yon? Sino ba siya sa akala niya?" eto na nga ba ang sinasabi ko, bakit pati ako pinag-iinitan nila? Sila ba ang pinahiya ko?
"Migo, anong gusto mo? It's my treat." bumalik lang ako sa ulirat ng mag salita si Karma. Naririnig din kaya niya yung mga pinag-uusapan ng ibang studyante dito?
"Kahit ano."
"Walang ganon sa menu nila ngayon." sinamaan ko siya ng tingin kaya natigilan siya sa pag ngisi.
"Oo na." sabi niya bago siya humarap doon sa tindera para umorder.
Pag tapos niyang humakot ng pagkain sa canteen, kumuha na kami ng table.
"Karma, ako lang ba yung nakakarinig sa mga nag-uusap sa paligid?" pagbubukas ko ng usapan pagkaupo naming dalawa.
"Alin?"
"Tungkol sayo. Hindi mo ba sila naririnig?" taka kong tanong.
"Pag hinayaan ko yung mga sinasabi nila na pumasok sa panindinig ko, masisira lang ang araw ko." huh? baliw na ba ang isang 'to? hindi niya ata alam kung paano siya purihin at pag tilian ng mga babae dito. He's living a life of every man’s dream pero para sa kanya, panira lang ng araw yon?
"Migz!" umangat ang tingin ko kay Alex na tumatakbo ngayon palapit sa table namin habang umiiyak. Bigla tuloy akong naalarma kaya tumayo ako para lumapit sa kanya.
"Alex, anong nangyari?" nag simula na akong mag panic sa loob. Yumuko siya at pinunasan ang sarili niyang luha. "Sabihin mo sakin, Alex. Anong nangyari kay Andrei?" siya lang ang unang naisip kong dahilan para umiyak ng ganito si Alex.
Naramdaman kong lumapit na din samin si Karma at kasabay non ang pag usbong ng bulungan ng mga tao sa paligid.
"H... hindi si Andrei! Pero Migo, kailangan mo siyang puntahan ngayon. Kailangan niya tayo." nag simulang manginig ang kamay niya kaya niyakap ko siya para pakalmahin.
"Dalhin mo ko sa kanya, Alex. Pupuntahan natin siya. Aayusin ko na ‘to." tumango siya ng ilang beses habang patuloy pa rin na bumubuhos ang luha niya.
I hate seeing her cry.
"Tara." nauna siyang mag lakad at akmang susunod na ako pero pinigilan ako ni Karma. "I’ll come with you." seryoso ang tono niya pero tinangal ko lang ang pagkakahawak niya sa braso ko at ngumiti.
"Hindi ka kailangan doon, Karma." naramdaman kong natigilan siya sa sinabi ko kaya kinuha ko ang pagkakataon na ‘yon para umalis. Ayokong lumala ang sitwasyon pag nakita ni Andrei si Karma. Mas mabuti sigurong ayusin ko muna ang gusot naming dalawa.
××××
BINABASA MO ANG
His Obsession [BL]
RomanceThis is a story of romance between the same gender. If you're not comfortable to read explicit genre and making love of two guys then feel free not to read this story at all. I don't have any time to give to people who is not open minded for this ty...