Chapter 2

8.1K 300 4
                                    

Migo Lazaro

It took him thirty minutes to buy foods. I thought he was taking too long but when I saw what he bought, that explains why. Bumili siya ng lugaw at nag abala pa pala siyang pumunta sa jollibee para makabili lang ng matinong pagkain.





Hindi naman niya kailangan bumili ng ganito karami para sa dalawang tao. Baka naman iniisip niyang malakas akong kumain?



"Bakit ang dami?" tanong ko.



"Hindi ko alam kung anong gusto mo eh." bumalik na sa pagiging monotone yung boses niya. Napaisip tuloy ako kung yung Karma na nakausap ko kanina ay panaginip lang. Hanep, kakaiba siya mag shift ng mood.





"Ayos na ‘tong lugaw sana. Pero salamat, babayaran na lang kita pag nag kita tayo sa school." sambit ko at matipid lang siyang tumango.




"Uh, masakit pa ba?" hindi ko natuloy ang pag higop sa sabaw dahil sa tanong niya. Why does he need to state the obvious every single time?



"Ano sa tingin mo?" nag patuloy ako sa pag higop ng lugaw at hinayaan siyang panoorin lang ako. Siguro isa na naman yan sa mga trip niya kaya hinayaan ko na lang.



Pero lumipas ang ilang minuto ay hindi na ako nakatiis mag salita. "Tititigan mo na lang ba ako Karma? wag mong sabihing nababakla ka na?" biro ko na siyang ikinatigil niya. Nag iwas siya ng tingin at sinimulang laruin ang fries na nakahain sa harap niya.



Ano bang nangyayari sa gagong ‘to?



"Galit ka pa rin ba?" biglang tanong niya. ‘Yon naman pala ang inaalala niya. Ibinagsak ko ang kubyertos sa lamesa at tinignan siya ng masama.



"Hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako tuwing naiisip kong may nangyari satin kagabi." pareho kaming natigilan at nagkatitigan. Ako, dahil hindi ko inasahang lalabas yon sa bibig ko. Pero siya, hindi ko maintindihan kung bakit mukha siyang nasaktan sa sinabi ko.



Dahan-dahan akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.



Hindi tamang si Karma lang ang sinisisi ko. Alam kong hindi lang siya ang may kasalanan. Dapat hindi rin ako nag padala sa alak kagabi.



"I’m leaving." unang bumitaw si Karma sa titigan at tumayo para umalis. "Wag kang mag-alala, walang makakaalam sa nangyari." dagdag niya pa. Wala na akong nagawa at mariin na lang akong napapikit ng marinig ko ang pag bukas at sara ng pinto sa likuran ko.




Naikuyom ko na lang ng wala sa oras ang kamay ko. Malas na araw!

××××

Isang buong araw akong hindi nakapasok dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Ang dinahilan ko na lang kay nanay ay natulog ako sa bahay ng tropa ko dahil napasobra ng inuman. Ayoko sanang mag sinungaling sa kanya pero mas ayokong bigyan siya ng sakit sa puso pag nalaman niya ang tunay na nangyari sa'kin.




Pero hindi ko rin pinatagal ang pagpapangap ko. Nang maramdaman ko ng hindi na masakit ang likuran ko, agad kong sinabi sa mga tropa ko na makakapasok na ako.



"Tangina Migo buti wala ka dito kahapon! Ginawa kaming spartan ni Ms. Peach sa ilalim ng araw!" kumunot ang noo ko sa bungad sa akin ni Andrei. Hindi siya mukhang badtrip, nakangiti pa nga ang kumag habang nagkukwento ng sinapit niya.



"Bakit parang masaya ka pa?" tanong ko habang sinasabit ang bag sa gilid ng lamesa.




Biglang niyakap ni Andrei ang sarili at parang tangang ngumiti. "Kasama si Lance sa naparusahan kaya ayos lang." sumingkit ang mata ko sa narinig ko. Nababakla na naman ang hayop na ‘to.



Nilingon ko si Lance na prente namang naglalaro ng CODM sa cellphone bago ko siya kinalabit. "Bakit nadamay ka sa kagaguhan ni Andrei?" halos pabulong kong tanong para hindi marinig ni Andrei.



"I was bored and I saw him throwing papers on Ms. Peach and I thought it was fun so I went along with him." ini-ingles na naman ako nitong si Lance.



"Tangina mo Lance nasa Pilipinas tayo kaya matuto kang managalog para maintindihan ka ng lahat." asik ko sa kanya kaya napangiwi ang kumag.



"Asan si Alex at Banri?" nilibot ko ang tingin sa loob ng classroom at napansin kong wala pa yung dalawa. Hindi naman madalas ma-late ang dalawang yun, lalo na si Alex.



"Si Banri ba? nakita ko siya kanina sa trono niya. Ah, pati nga pala si Karma. Sayang nga hindi ko nakaringgan yung pinag-uusapan ng dalawa, mukhang nag ha-heart to heart talk pa naman sila." si Andrei ang sumagot pero bigla akong natigilan ng mabangit niya ang pangalan ni Karma.



Anong ginawa ng hambog na ‘yon sa student council office? Anong pakay niya kay Banri? at teka– ano daw? nakikipag-usap si Karma sa SC President? ang alam ng lahat wala sa bokabularyo ni Karma ang salitang socializing.



"Oh, eto na pala si Alex, eh!" sinundan ko ang tinuturo ni Andrei at ganon na lang nanlaki ang mata ko pagkakita na mag kasabay pumasok ng classroom si Alex at Karma.



Ano na naman bang trip ‘to, Karma?

××××

His Obsession [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon