Chapter 10

4.9K 188 1
                                    

Lance Nicholas

"Ano?! Sa inyo na tutuloy si Karma dahil pinalayas siya sa kanila?! Migo, nakita mo ba ‘yong ginawa niya kay Carlo kahapon? That man is dangerous!" nilayo ko sa tenga ang telepono dahil sa lakas ng boses ni Drei.

Why is he yelling first thing in the morning?

"Hindi ko kayo tinawagan para masermonan lang ako, Andrei. Gusto ko sana humingi ng mga damit sa inyo na pwedeng ipahiram kay Karma."

"At ngayon ikaw na din ang gumagawa niyan. Migo, the man you're trying to help is not deserving for an effort!" kailan ba matuto si Andrei mag salita sa normal na tono?

I couldn't no more bear this fuss so I went and butt in to the conversation. "I have some to lend here. Want me to stop by at your house later, Migo?" narinig ko sa kabilang linya ang pag ismid ni Drei pero pinalampas ko na lang. His over-protective side over Migo isn't very helpful at this moment. 

"Thanks, Lance. Kami na lang ang pupunta sa inyo mamaya, bibitbitin ko na lang si Karma." see? that settles everything.

"No problem. I'm gonna hang up the call, I need to do some preparations." binaba ko na ang tawag at bumalik sa paglalaro ng mobile legends.

××××

"Hey, Lance. What happen to those two?" kinalabit ako ni Alex kaya tumingin din ako sa direksyon kung saan siya nakaturo.

Hindi ko din alam kung bakit pinapalaki ng dalawang ‘yan yung problema. Wala namang masama mag patuloy ng kaibigan sa bahay.

"Let's not better talk about it for now." sagot ko bago pinagpatuloy ang paglalaro sa cell phone ko.

Hindi na siya nag tanong ulit hanggang sa dumating na si Pinky (Ms. Peach), gusto ko lang siya tawaging Pinky dahil araw-araw pink ang suot niya.

"Good morning. I have an update regarding for the commotion yesterday. Carlo is still recovering from his injuries while Karma is now in the process of detaining. He will be suspended for the next three days." there's nothing new in there. This is not the first time Karma got suspension so we are not surprise anymore.

"Shall we start the discussion, then?"

Nag simula na ang klase kahit na may tensyon sa buong classroom. Hindi maingay si Drei at hindi halos nag pa-participate si Migo sa mga recitation. Kung hindi ko sila kaibigan, iisipin ko na may mali. Kaya nga lang, kaibigan ko sila at alam ko ang mababaw na dahilan kung bakit ganyan sila umasta ngayon kaya pati tuloy ako ay palihim na naiipit sa away ng dalawang tukmol.

Nang matapos na ang una at pangalawang subject, himalang pareho silang lumapit saming dalawa ni Alex para ayain kumain ng lunch sa canteen.

"I was thinking if you guys had some quarrel yesterday when we left you in the bar. But I guess I was wrong." biglang sabi ni Alex kaya umiwas ako ng tingin para tumawa. She's really straightforward when she's curious.

"Hindi kami magkagalit, kung sino ang dapat sisihin dito, si Andrei ‘yun. Hindi marunong makaintindi ng sitwasyon ng tao."

"Migo, ikaw ang hindi nakakaintindi ng sitwasyon dito. Si Banri pinahiya niya kahapon. Madami siyang ginagawa na hindi makakabuti sayo tapos malalaman kong makikituloy siya sa inyo dahil ‘pinalayas’ siya at naka freeze lahat ng cards niya? Dude, that's not your burden anymore! Hindi natin alam baka bukas makalawa, maimpluwensyahan ka na din niya!"

"You're being over protective." sagot ni Migo.

"Masisisi mo ba ako kung gusto ko protektahan ‘yong pamilya ko? Migo, hindi na kayo iba ni Mama sakin– samin ni Andrea! Natatandaan mo ba yung huling beses na tinangap niyo ulit ang taong ‘yon sa bahay niyo? Wala siyang dinala sa inyo kung hindi pasakit! Diba tama ang sinabi ko noon? Diba? Pero katulad ngayon, hindi mo pa rin pinag-iisipan mabuti yung mga ginagawa mong desisyon."

Natigilan ako sa pagtawa at tumingin kay Drei na tuluyan ng naubusan ng pasensya. Minsan lang mangyari ‘to at palaging si Migo lang ang nakakapag-labas ng ganyang side niya. Si Andrei kasi ‘yong taong mas pinapahalagahan ang pamilya kahit na kanino.

"Stop it, you two!" lumapit na si Alex sa dalawa para pumagitna.

"Okay, let's have lunch, it's my treat today." lumapit na din ako sa dalawa para akbayan sila pareho. Hindi maganda sa pakiramdam na makita ang dalawang ulupong na ‘to na nagtatalo. Nag palitan kami ng tingin ni Alex at napabuntong hininga.

Wala kaming magagawa kundi manahimik hanggang sa magkaayos sila katulad ng dati.

××××

Hapon na ng makauwi ako sa bahay at nag text sakin si Migo na susunod na lang sila ni Karma dito.

"Sir Lance, ako na po ang gagawa niyan."

"No need. Have some rest." tumango siya at nag paalam ng magpapahinga sa kwarto niya.

Pag tapos kong ilagay ‘yong mga damit sa isang bag, bumaba na ako para magpaluto ng miryenda.

"Son, you're here." umangat ang tingin ko sa hagdanan at nakita ko doon si Dad. Nakauwi na pala sila ni Mom galing Japan.

"Welcome home, Dad. Where's Mom?"

"Nasa mga amiga niya. Mamaya pa siya makakauwi. Siya nga pala, may gusto akong sabihin sa‘yo."

"What is it, Dad?" I have a bad feeling about this.

"Mr. Galvez’ eldest son will get married soon with Lamoste’s heir. They invited us to their pre-wedding ceremony and I also want you to be there. Nabalitan kong sa araw na din na ‘yon ipapakilala ni Richmond ang bunso niyang anak kaya gusto kong kaibiganin at kunin mo ang loob niya para mapagtibay pa ang koneksyon natin sa kanila. Maaasahan ba kita, Lance?"

Totoo palang ikakasal na si Kudos. Pero ang hindi ko inaasahan, may ibang anak pa pala si Mr. Owen bukod sa kanya. Ngayon ko lang ‘to nalaman sa tinagal ng koneksyon ng pamilya namin sa mga Galvez. Bakit nilihim nila?

"Okay, leave it to me, Dad."

××××

His Obsession [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon