Andrei Chua
Anong pumasok sa matalinong utak nitong si Lancetot at inaya niya bigla si Karma sumama samin kumain? alam naman naming lahat kung gaano kailap sa mga tao si Karma. Kahit ako nga na pinaka-friendly sa buong Anson University ay hindi kayang makalapit sa kanya tapos si Lance pa? Si Lance pa na isa din sa mga iniiwasan ng mga studyante dahil sa pagiging englishero at walang pakialam sa mundo ang mantakan mong mag-aaya sa kanya na sumabay samin kumain?
At ang nakakagulat pa, walang pagdadalawang isip na pumayag si Karma!
"Bakit ka tumititig sa‘kin?" masungit na sabi sa‘kin ni Karma. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya.
"May maliit na nunal ka pala sa ilalim ng mata mo? Hulaan ko, yan ang best asset mo, ano?" tinaas-baba ko pa ang kilay ko pero ini-snob lang ako ni hangal. Tignan mo nga naman! wala talagang pakisama kahit ako na ang nagmama-gwapong loob na kausapin siya!
"Let's take our orders." biglang basag ni Lance sa katahimikan sa lamesa naming lima. Kung kami lang sana apat ngayon dito, edi wala sanang ilangan at kanina pa kami nakakain ng mapayapa. Di talaga nag-iisip minsan ‘tong si Lance eh. Hindi niya ako gayahin, palaging ginagamit ang utak at hindi minsanan lang.
"Sasama na ko." parang himalang binagsakan ulit si Karma ng kabutihang loob at nag volunteer bigla.
"A-ako din! Kayo na lang ni Alex ang maiwan dito sa table, Migo." inunahan ko na agad si Migo sa tangka niyang pag sunod kay Lance. Napansin ko ang kagustuhan niyang mag protesta pero mas pinili na lang manahimik.
Pag punta namin sa counter tatlo, nagulantang kami pareho ni Lance ng makita kung gaano karami ang biniling pagkain ni Karma. At kung hindi ko lang sana siya kilala ay baka napag-kamalan ko na siyang patay gutom ng wala sa oras. Hindi ba siya pinapakain sa kanila?
"Para sa‘yo lang lahat yan? Kaya mo bang ubusin yan?" alanganin kong tanong sa kanya.
"Para sa lahat na yan. Bitbitin niyo na lang yung iba, ako na ang mag babayad." sa una kung titignan ay mukhang labag sa loob niya ang panlilibre pero maya-maya lang ay tipid siyang ngumiti kaya nagkapalitan kami ng tingin ni Lance. Tangina totoo ba ‘to?
Nang pareho na kami mahimasmasan ni Lancetot ay agad naming binitbit yung tray at bumalik sa table namin. Habang naglalakad kami pabalik sa lamesa ay nadatnan naming masayang naglalaro ng bato-bato-pik yung dalawang naiwan sa pwesto kanina kaya nag madali akong lumapit sa kanila para makisali.
"Sali ako!" sigaw ko.
"Gago lumayo ka, matatalo ako!" sigaw ni Migo. Halatang na-distract siya dahil natalo siya kay Alex pag tapos niyang sabihin ‘yon. "Ayan, natalo tuloy ako! Tangina mo kasi bat nangugulat ka!" tumatawa akong lumayo sa kanya habang iniiwasan ang mga suntok niya.
Mainitin talaga ang ulo nitong si Migo pero ang cute niya pag nagagalit. Bakit ba kasi pinanganak na mukhang babae itong bespren ko? Minsan tuloy nakaka-concious siyang kasama kahit sabihin pang halos walong taon na kaming nagkakasawaan ng mukha.
"Hala may pudding! buti may natira pa? akin na lang ‘to ah?" napabaling ako agad kay Alex na parang bata na nagpapaalam kay Lance. Ayan, ganyan siya pag kami ang kasama. Pero pag ibang tao ang kaharap, akala mo parang buhay na bato.
"Hindi naman siya ang bumili niyan kaya wag ka d‘yan mag paalam! Eto si Karma oh, siya ang butihing nanlibre ng pagkain natin ngayon kaya sa kanya ka magpaalam." masayang sabi ko pero agad akong napaatras ng biglang nabuga ni Migo ang kinakain niya. Tignan mo ‘to, babyface nga pero asal kalye naman.
BINABASA MO ANG
His Obsession [BL]
RomanceThis is a story of romance between the same gender. If you're not comfortable to read explicit genre and making love of two guys then feel free not to read this story at all. I don't have any time to give to people who is not open minded for this ty...