Karma Galvez
Present
“Si Dad ang nasa likod ng aksidente niyo ng Papa mo.” huminga ako ng malalim at tinignan si Migo sa mata. Napansin ko kung gaano siya naguguluhan sa mga sinasabi ko ngayon.
“Nang nasa tamang edad na ako, tsaka ko lang naintindihan ang lahat. Magkakaibigan ang mga magulang natin nung pumapasok pa lang sila sa high school. Bago magkatuluyan ang magulang mo, una munang nagkaroon ng relasyon ang mommy at ang papa mo. Pero bago sila grumaduate, nag hiwalay din sila. Kaya sa huli, si Dad at Mom ang kinasal at nagkatuluyan. Ganon din ang mga magulang mo.” lumapit ako kay Migo at hinawakan siya sa mga braso niya.
Wala ‘to sa plano ko.
Wala sa plano kong sabihin sa kanya ang lahat habang di pa bumabalik ang ala-ala niya.
Pero ayoko rin namang makitang naguguluhan at nahihirapan siya sa mga nangyayari ngayon.
Kaya kahit na labag sa loob ko, pinagpatuloy ko pa rin yung kailangan kong sabihin sa kanya.
“Dad is not in his right mind. He has pathological jealousy. He always thinks that Mom is having an affair with someone. That’s why Mom decided to distance herself away from Dad. Nag pumilit sumama si Kudos sa kanya kaya naiwan ako kay Dad. Nakituloy silang dalawa sa inyo. Nang malaman ng Mama mo ang nangyari, hindi siya nag dalawang isip na patuluyin sila ni Kudos. Pero...” huminto ako sa pagsasalita para huminga ng malalim.
“Pero sa huli, ang Papa mo at si Mommy...” napahigpit ang kapit ko sa braso ni Migo.
“Nagkaroon sila ng relasyon sa likod ng Mama mo. Nang makarating kay Dad ang tungkol doon, noong araw na dapat magpapakalayo-layo na si Mom at ang Papa mo, doon na nangyari ang aksidente. Hindi nila nakita na tulog ka sa likod ng kotse kaya pati ikaw nadamay. At sa kaparehong araw, nalaman ko rin na si Dad ang nasa likod ng aksidente na ‘yon.” humina ang boses ko pag dating sa dulo.
Natatakot ako.
Natatakot akong tignan ulit si Migo sa mata.
“Bakit hindi ko maalala lahat ng yan? Bakit hindi kita maalala?” mahinang imik niya.
“You lost your memory to the accident. Your Mom said that you were diagnosed to have a selective amnesia. That’s why you can’t remember me.”
“Teka. Teka lang. Anong sabi mo? Alam ni Nanay? Pero bakit niya hindi sinabi sakin?” nakita ko kung gaano siya nasasaktan ngayon.
Shit.
“Ayaw niyang maalala mo yung nangyari. Tama lang yung ginawa ni Tita. Mas mabuti ng hindi mo kami naalala.” sagot habang bumaba ang hawak ko sa kamay ni Migo. Nag lakas loob akong tumingin ulit sa kanya.
Umiiyak siya.
Umiiyak na naman siya ng dahil sakin.
“I’m sorry. I’m sorry.” hingi ko ng tawad kahit na alam kong hindi matutumbasan ng tawad ko lahat ng kasalanan na ginawa ng pamilya ko sa kanila.
“Karma.” tawag niya sa pangalan ko na nag pabalik sakin sa katinuan.
“Salamat sa pag sabi sakin ng lahat ng kailangan kong malaman. Maraming salamat.” pinahid niya ang luha niya at ngumiti sakin. “Pero hayaan mong ako ang makaalala ng lahat. Pag nangyari yon, doon ko lang malalaman kung dapat bang tanggapin ko yung tawad mo.”
BINABASA MO ANG
His Obsession [BL]
عاطفيةThis is a story of romance between the same gender. If you're not comfortable to read explicit genre and making love of two guys then feel free not to read this story at all. I don't have any time to give to people who is not open minded for this ty...