Lance Nicholas
It’s sunday and I was out to meet someone. Pero maaga natapos yung meeting kaya naisipan ko na lang muna mag libot-libot. After a few minutes of wandering around, I grab my phone out of my denim jacket and dial a number. A couple of rings had passed before he picks it up.
“Where are you, Chua?” narinig ko agad yung mahinang daing mula sa kabilang linya.
“Bakit ka ba nang iistorbo ng tulog? Alam mo ba kung anong oras pa lang? Linggo ngayon, Lance. Hindi ba yan makakapag-hintay sa lunes?”
“Naliligaw ako.” I cut him off. I could only imagine him getting up with widened eyes all of a sudden. Big deal kasi sa kanila tuwing nagtatagalog ako. They thought I am being dead serious if I use the native language.
Narinig ko sa kabilang linya ang pag reklamo niya. “Kung hindi lang talaga kita bespren kanina ko pa blinock yung number mo. Text mo sa akin yung address, pupunta na ako dyan.” pinatay niya na yung tawag pero napatitig ako sa screen.
Now, where do we go? Zoo?
No, it’s still early.
Sa mall?
No, that’s too common.
Hmm... he likes food but he doesn’t like any fancy stuff so maybe I’ll just treat him to a buffet or something.
Lumipas ang isang oras, nakarating na rin sa wakas si Andrei sa coffee shop kung saan ako nag hihintay. Pag lapit niya sa akin, nakasimangot niyang in-occupy yung upuan sa tapat ko. “Paano ka napadpad dito?” umismid ako sa tanong niya.
“Are you not going to order first? I bet you haven’t gotten your breakfast yet. Don’t worry, it’s my treat.”
“Hindi na rin pala masama na pumunta ko rito. Waiter!” tawag niya sa waiter na nakatayo lang sa may counter. Agad naman siyang lumapit samin para kuhanin yung order ni Andrei.
“Double slice mint-chocolate cake and pineapple juice.”
“Is that all, sir?” tumango si Andrei bago niya ibinalik yung menu. “Okay, ten minutes, sir.” dagdag nung waiter bago siya bumalik sa counter.
“How is Andrea doing? Is she getting better?” I asked before I took another sip in my coffee.
“Oo naman! Teka, nag pasalamat na ba ako sayo nung tinulungan mo kami?” natawa ako habang naiiling. “You don’t have to say thank you. Didn’t you say we’re best friends?”
Nag kwentuhan pa kami ni Andrei hanggang sa dumating na yung order niya. Pag tapos niyang malantakan yon, hindi na kami nag aksaya ng oras sa coffee shop dahil nag-aya na ako mag stroll gamit yung kotse ko.
Habang nagmamaneho ako biglang nag salita si Andrei sa tabi ko.
“Si Migo ang nag turo sakin ng lugar na ‘yon. Sa umpisa bumibisita lang kami hanggang sa napadalas na yung pag punta namin dito. Teka... asan ba yun? Ah! Lance, nakita ko na!” sinundan ko kung saan yung tinuturo niya.
‘Welcome to Jardin de fleurs’
“Hindi pa dati sikat ang lugar na ‘to. Tignan mo nga naman.” nakangiting bulong ni Andrei sa tabi ko. Pag park na pag park ko ng kotse, bumaba agad si Andrei at lumapit sa isang babae na nasa counter. Kinausap niya yung babae pero hindi ko narinig yung sinasabi niya.
“Opo Sir, paano niyo po nalaman?” kahit nasa malayo kitang-kita ko kung paano namula yung pisngi nung babae. What the hell is that Chua doing in daylight? It’s too early for flirting.
BINABASA MO ANG
His Obsession [BL]
RomanceThis is a story of romance between the same gender. If you're not comfortable to read explicit genre and making love of two guys then feel free not to read this story at all. I don't have any time to give to people who is not open minded for this ty...