Chapter 9

4.6K 194 3
                                    

Migo Lazaro

"Tsk!" inis na sambit ni Andrei habang sinusubukan pa rin niya alisin yung natapong alak sa uniform niya. Meron kasi kaming nakasalubong na magto-tropa kanina pag labas namin ng bar at saktong siya ang malas na natapunan ng alak ng mga 'to.

"Salamat na lang, Andrei. Ako ng bahala sa gago na 'to. Pakisabi na lang kay nanay na ihahatid ko lang si Karma sa kanila."

Napakamot sa ulo si Andrei habang nagpapalipat ang tingin nya saming dalawa. Mapapansin na gusto niyang mag protesta pero sa huli ay napabuntong hininga na lang siya. "Sige, kontakin mo na lang ako pag may nangyari. Mauna na ko." tinanungan ko siya at hinintay na makalayo.

Makalipas ang ilang minuto, naramdaman ko na ang pag akbay sa'kin ni Karma. "Bitawan mo 'ko." banta ko pero 'di siya natinag.

"Akala ko ba ihahatid mo pa ako?"

"Stop playing games with me, Karma."

"Bakit naman ako makikipaglaro sa'yo?"

"May gusto ka bang sabihin?" yung tono niya kasi ay parang nagmamataas na naman.

"Wala naman." nilingon niya 'yong Rosables at muling tumingin sakin. "Gusto mo ba uminom?" biglang alok niya na agad ko namang tinangihan.

Ayoko na ulit maulit 'yong nangyari noon. Tama ng isang beses lang akong nag mukhang tanga sa harap niya.

"Sige na, pangako wala na akong gagawing masama. Kailangan ko lang talaga ng makakausap ngayon." nagsasabi ba ng totoo 'to? baka mamaya planado na naman niya yung mangyayari eh.

"Pano ako maniniwala sa'yo?"

"Nirerespeto ko ang desisyon mo. Hindi ko na ipipilit 'yung gusto ko at mas lalong hindi ko na hihintayin na mawala pati kung anong meron tayo ngayon. Ang alam ko lang masaya na ako na nakakausap pa rin kita pag tapos ng lahat ng nagawa ko." diretso niyang sabi.

Nararamdaman kong nagsasabi siya ng totoo. Sana lang pinagsisihan niya na talaga 'yung mga ginawa niya.

"Sige, sige. Pumapayag na ako basta ikaw ang magbabayad."

"Sure, it's on me." tinangal ko na yung nakapatong niyang braso sa balikat ko at nag patiuna na pabalik sa bar. Hindi ako makapaniwalang napapayag niya ako.

××××

Kaninang pag pasok namin dito nila Lance alam naming hindi lang tipikal na bar 'to. Sa isang tingin pa lang ay alam na naming mamahalin ang mga interiors dito. Wide 'yong counter, makikintab pa yung stools, imported na mga alak, VIP rooms, luxurious tables and sofas at madami pang iba.

Sa madaling salita, isa 'tong lugar ng mayayaman na walang mapag-lagyan ng pera. Tulad na lang ng kasama ko ngayon.

"Bakit hindi mo ginagalaw ang sa'yo?" imik bigla ni Karma sa tabi ko. Hindi ko din alam kung bakit hindi ko pa ginagalaw yung inorder niyang mga alak- siguro 'di pa rin ako kumbinsido na wala siyang gagawing masama.

"I know you're still mad for what I've done to you but you need to move on. I even swear to myself that I won't lay a finger on you tonight." bumuntong hininga ako at kinuha ang baso na sinalinan niya ng alak. Ini-straight ko ng inom yon bago nag salin ulit ng panibago.

Tumagal kaming ganon, puro inom lang pero walang imikan. Magkakilala kami pero parang umaasta kaming hindi kilala ang isa't isa... o baka ako lang?

"Pwede ba akong makituloy sa inyo?" biglang basag niya sa katahimikan sa pagitan namin. Hindi talaga siya marunong makaintindi. Simpleng 'hindi pwede' hindi niya kaya tandaan.

"Hin-"

"Oo alam kong hindi pwede ang isasagot mo pero hindi mo ba ako tatanungin kung bakit nagpupumilit ako?" bakit nga ba?

"Bakit? Wala ba kayong bahay? Akala ko ba rich kid ka?" uminom muna siya bago humarap sakin.

"Pinalayas ako." seryosong sagot niya.

Bigla na lang tuloy ako napahagalpak ng tawa. Bakit ba inisip ko pang may malalim siyang dahilan? Syempre papalayasin siya dahil sa ginawa niya kanina. Nakatakas man siya sa detention pero sa parents niya hinding-hindi siya makakalusot.

"Migo, I'm serious. I need a house to stay in. Pangako hindi ako mangugulo at magbabayad din ako ng mga expenses ko."

Sa lahat ng pinalayas siya pa yung may ganang mag waldas ng pera. "Kung may pangastos ka sa mga ganitong bagay bakit hindi ka na lang sa hotel mag stay? okaya mag renta ka ng apartment na malapit sa Anson. Karma kung mag-iisip ka lang ng paraan sa maliit na problema, madami dyan."

Yumuko siya at pinaglaruan ang baso. Napansin ko din na bumagsak ang balikat niya. May nasabi ba akong mali?

"Kaibigan ba talaga kita, Migo?" what the hell? totoo ba 'to? nag da-drama na naman si Karma sakin?

This feels like a deja vu. Sana hindi siya mag walkout ngayon.

"Itatanong ko muna kay nanay. Akin na number mo." biglang nag liwanag ang mukha niya pag angat niya ng tingin sakin.

Kinuha niya sa kamay ko 'yong cellphone ko at nag simulang i-save sa contacts ang number niya. Sana lang talaga 'wag kong pagsisihan ito.

"Hihintayin ko yung text mo ah?" tumango ako at muling tinago ang phone sa bulsa.

"Saan ka matutulog ngayong gabi?"

"Dito muna ako sa bar. Kilala ko naman ang may-ari nito." ano?

Kung kilala niya pala ang may-ari, bakit hindi na lang siya dito pansamantalang tumuloy?

"Bakit hindi ka na lang dito mag stay?"

"Magiging komplikado pag nalaman ng kapatid kong dito ako makikituloy." bakit magiging komplikado? bakit wala akong maintindihan sa mga rason niya? parang ang babaw lang naman ng mga dahilan niya pero hindi ko magawang sabihin sa kanya ng harapan. Ganon ba talaga kalayo ang mundong ginagalawan namin?

"Naiintindihan ko. Sige mauna na ako, kailangan ko ng umuwi."

"Basta yung sinabi ko. Ipaalam mo 'ko kay Tita." tinaas ko yung kamay ko at lumakad palabas ng bar.

There's one fact I learn about Karma. He really likes repeating something over and over again.

-

A/N: Here is a short update for now.

His Obsession [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon