[Nadine]
Maaga ang call time namin today we have a shoot para sa music video nang "On the wings of love" with Miss Kyla.
"Gooooooooooood morning!" Masiglang yinugyog ko si James kasi natutulog parin siya. It has almost been a week na dito na ako natutulog, but uuwi muna ako mamaya kasi namimiss ko na sila Papa.
"Hmmmmmmmmm" Napakamot si James and opened his right eye. "Anong oras na ba?" he asked.
"Uhhhh" I pulled out my phone "It's 6:10"
he closed his eyes again "It's too early"
"Anong it's too early? we have to be there around 8 James" I crossed my arms pero hindi parin siya umimik kaya I pulled the blanket on top of him and jumped on the bed.
"Nadine!" Napabangon siya at napakamot.
"Gigising ka na ba?" I continued jumping na parang bata.
"Alright, alright" He grabbed my hand and nahulog ako on top of him. Inayos niya ang buhok ko para makita niya ako and smiled. "Good morning Mrs. Reid" he kissed my nose.
"Ay excited lang?" Bumangon na ako at hinila siya. "Maligo ka na, maghahanda muna ako nang breakfast"
= = = = = =
"Parang nangaling sa honeymoon ah?" sambit ni Jelly. kakapasok lang namin sa studio at inayusan na kami for our first scene.
"Ano? ang labo mo" I rolled my eyes on him.
"eh bakit namumula ang mga pisngi mo? hindi pa naman kita linalagyan nang blush on ateng?" Natatawa niya tinuro ang mga pisngi ko at hindi nalang ako umimik para matapos na ang pagtutukso niya sa akin.
= = = = = =
"Oh James, Nadine kayo na bahala sa mga gagawin niyo ha?" Sabi ni direk. "natural naman kayo, mag-on naman kayo. kaya di ko na kayo i-oorient."
Nako, baka kung ano-ano nanaman ang gagawin nang lalaking 'to. "Hoy umayos ka ha!" Tinuro ko siya at pinandilatan.
"It's my chance" he winked at me.
So ang concept nang music video ay parang nag dedate kami ni James, so may food at drinks sa table, this is our second scene na, kasi kanina the first one was merong mga maleta na nakakatag sa sahig, understandable naman yun kasi nga in the teleserye I have to travel to states para pakasalan si James so yun.
"Second scene na tayo guys, pumwesto na kayo" sabi nang stage director.
"and.. action!" sigaw ni direk
Nagsubu-an kami ni James nang popcorn, he smiled and looked at me in the eyes tapos palapit nang palapit na ang kanyang mukha para hahalik kaya natatawa ako.. di pala tumawa na ako nang dahilan para ma putol yung pag take.
BINABASA MO ANG
Behind it all | Jadine
FanficThe life of Nadine Lustre and James Reid behind the lights, cameras and all. = = = = This is my first story, I hope you guys will like it! :) xoxo