Chapter 10

484 40 13
                                    

SECRET HAVEN

CHAPTER 9


SORIN

________________________________________________


GUSTO KONG MATAWA sa sinabing iyon ni Sorin kaya lang ay parang nanghihina ako. Ang isa pang pumipigil sa akin ay ang kaseryosohan ng mukha ni Sorin ngayon habang matamang nakatingin sa akin ng diretso. His stare didn't waver kahit na ilang saglit na ang lumilipas.


"I know I have nothing to offer yet," huminto siya at huminga ng malalim. "I didn't expect this. I can't even fully remember how it happens but hey, we should do the right thing for the baby, right?"


Hinatak ko iyong kamay ko mula sa kaniya.


This time, natawa na talaga ako sa kaniya. Iyong tawa na para bang sinasabi kong nababaliw na siya.


"Ano'ng baby? Hindi ako iyong buntis kundi si Cara!" tawa ko kahit nanlalata ako. "Huwag kasing nakikinig sa usapan ng may usapan." dugtong ko pa. Siguro ay naipagkamali niya na ako iyong nagsasalita kanina.


Sorin held my face. Pinilit niya akong tumingin sa kaniya. Nahalata yata niya na kanina pa ako nag-iiwas ng tingin. Paanong hindi kung sa tuwing titignan ko siya, ang hubad niyang katawan ang naaalala ko?


Ang bastos ko na ba? Hindi naman ako dating ganito.


Kung malandi talaga ako, sana ay dati ko pa ginawa na makipag-do sa lalaki. Pero hindi. I was just too fucking curious and it led me to this!


Hindi ko tuloy alam kung nagsisisi ba ako na ginawa ko ang bagay na iyon o hindi.


Because there was pleasure. And now this.


But when I had the taste of sex, parang naa-adik na yata ako. Kaya kanina, kahit masama ang pakiramdam ko, nang sunggaban ako ni Sorin ay hindi na ako nagpakipot. Siya naman ang nauna! Ang nakakahiya, kung ako iyong nanguna.


Umiling si Sorin. "I am not mistaken, Ellie. You're pregnant." he said, looking straight into my eyes. "We're expecting." pag-kumpirma pa niyang muli.


"Walang nabubuntis sa first try!" bulalas ko. Parang gusto kong mahimatay.


Nalukot ang guwapong mukha ni Sorin. "Who told you that? And for the record, my sister also got pregnant after a one night stand."


I glared at him. "How can you be so sure that your sister did it only once?" saka ko siya hinampas. "That's why I told you not to cum inside!"


Buhat sa sinabi kong iyong ay namula ang buong mukha niya. Parang nawala bigla iyong galit ko. Pero sobrang kinakabahan ako ngayon.


SECRET HAVEN (Hacienda Cervantes Series) Where stories live. Discover now