SECRET HAVEN
CHAPTER 18
ELLORA
__________________________________________________
"WILL YOU STOP that?" inirapan ko pa si Cara. Sa maikling panahon ay mabilis kaming naging close sa isa't isa. Marahil ay dahil pareho kaming buntis at nasa komplikadong sitwasyon.
Tumawa siya ng malakas dahilan para maningkit ang kaniyang mga mata.
Cara has a pair of chinky eyes while I have a pair of round doll eyes. Malaki daw kasi ang itim ng mga mata ko. Well... I don't know about doll eyes but I'm taking that as a compliment.
"Aminin mo na kasi na na-stars truck ka kay Sean kahapon! I mean, he looks like a typical bad boy with the looks of an angel! Parang... parang ang sarap magpakama!" na dinugtungan niya na naman ng halakhak.
Sa asar ko ay hinatak ko ang mahaba at brown na brown niyang buhok na hindi ko mapaniwalaan na natural.
"Sanay na 'kong makita ang mukha ng isang iyon." I sipped on my orange juice. Hinihintay namin si Sorin na magpa-park lang daw ng sasakyan pero kalahating oras na ang lumilipas ay wala pa rin.
Cara shrugged. "Kung sa bagay... saka, nagkakitaan at nagkatikiman na rin naman kayong dalawa. Pero kasi, parang mas lumaki ang katawan niya ngayon to think na ilang buwan lang siyang nawala." Dagdag pa ni Cara.
Napansin ko rin iyon pero nunkang aminin ko iyon lalo na kay Cara na sobrang mapanukso. Naging libangan na yata niya ang tuksuhin ako kay Sorin.
"Napakatagal naman ng isang iyon!" Reklamo ko.
"He's not good at parking." Ani Cara. "Hindi rin naman ako magaling mag-drive pero ang mga kasama ko noon sa Pilipinas ay mga anak mayaman na bata palang yata ay marunong ng magmaneho."
Tumango-tango ako. "Ang alam ko ay lumaki siya – silang magkakaptid sa Hacienda Cervantes na pagmamay-ari ng ina ni Sir Irving. Una daw natutunan ng magkakapatid ang pangangabayo lalo na si Sorin na apat na taon palang ay marunong ng mangabayo."
"At nakabayo ka pala ng magaling!" muling tukso ni Cara.
Kung minsan talaga ay parang gusto ko nalang mag walk-out kapag si Cara ang kasama ko. Noong una naman kaming magkakilala ay hindi siya ganitong mapanukso. At hindi rin naman ako ganitong naaapektuhan ng basta basta dati. Marahil ay dala ito ng pagbubuntis namin.
"Nariyan na pala si Sean," anunsiyo ni Cara na sa likuran ko nakatingin. "At may kasama siya." Mahinang dugtong pa nito.
Nang lumingon ako ay si Sorin ang pumukaw agad ng atensiyon ko. Bakit ba parang laging amoy mabango ang lalaking ito? Sa tabi niya ay si Theon na kung hindi ako nagkakamali ay ang pinakatahimik sa lahat ng nakilala kong anak ng mga kaibigan ni Sir Kho.
YOU ARE READING
SECRET HAVEN (Hacienda Cervantes Series)
HumorFirst story from HACIENDA CERVANTES Series.