Chapter 12

476 39 6
                                    

SECRET HAVEN

CHAPTER 12

ELLORA

________________________________________________

PAGKAHATID SA AKIN ni Sorin ay si Cara naman ang inihatid niya. I don't know where she lives but according to what I've heard, it's an exclusive subdivision for the elite.

Grabe iyong tadhana kung maglaro!

Cara grew up struggling tapos ay malalaman niyang sobrang yaman pala ng pamilya niya. So Cinderella!

Bumangon ako nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell. Nakasibangot ko iyong binuksan at bumungad nga sa akin si Sorin na may regla yata.

"Alam mo naman ang pin, bakit nag doorbell ka pa?" dumiretso ako sa couch. Hindi na ako sa hotel tumutuloy. The company got me an apartment for my three years contract here in Beijing.

I know that this will be hard because of the language barrier pero nag-provide naman ng translator ang boss ko habang inaaral ko pa ang Mandarin. I'm not good at pronouncing foreign words but I'm good at memorizing. Nakakainis lang dahil may mga salita na depende sa tono kung ano ang meaning!

"It's late. Why are you still up?" he said, pouring himself a glass of water.

"Sabi mo babalik ka? So I waited."

He looks at me... More on he stares at me like he wanted to tell me something.

Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali dahil bigla nalang siyang tinopak. Samantalang kanina lang habang papuntang resto ay akala mo kami mag-boyfriend na magkahawak-kamay pa.

Iyong kamay ko... Sa totoo lang ay hindi ko talaga siya kayang hawakan. I think?

Well, ang laki kaya niyang tao! Awkward naman kung maliit, hindi ba? Ni hindi nga ako umabot man lang sa balikat niya. And to think that he's only twenty one or twenty two. He's not yet fully matured. Paano pa kaya kung adult na talaga siya? Baka lumuhod nalang ang mga babaeng tititigan niya.

Si Sorin iyong masasabi kong magandang lalaki talaga. Kapag nakasalubong mo siya, hindi pwedeng hindi mo susundan ng tingin. His looks... His built... The way he carries himself... Sobrang nakaka-attract ng atensiyon.

Tumango lang siya tapos ay naupo sa kabilang dulo ng couch kung saan din ako nakaupo. Did he had a drink? Kanina ko pa naamoy na tila may kakaiba sa kaniya.

I stared at him. Tapos ay umusog ako palapit dahil may naamoy talaga akong alak sa kaniya. Parang... Natatakam ako.

"What are you doing?" I'm only a few inches away from him.

"Ang bango. Uminom ka ba? Ano'ng ininom mo? Pwede ba sa akin iyon?"

"Depends,"

"On what?" parang bigla akong naglaway thinking that I can also have a taste of it.

"On my mood."

"Ang sungit!" bumalik na ako sa dati kong pagkakaupo — sa kabilang dulo ng couch at saka humalukipkip. "Kapag pumangit ang anak ko, kasalanan mo!"

"I had a bottle. You can't have it. But I still have it on my mouth, I guess, since you can still smell it. Do you still want it?"

Sasagot sana ako dahil parang nanti-trip siya pero sinalubong ako ng mga labi niya nang lingunin ko siya.

SECRET HAVEN (Hacienda Cervantes Series) Where stories live. Discover now