CHAPTER 3Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng apartment ko.
Anong oras na ba?
Tumingin ako sa alarm clock ko, napasigaw nalang ako sa gulantang nang alas nuwebe na pala ng umaga!
Ngayon ako papasok sa convenience store na nirekomenda sa akin ni Yno!
Alas diyes dapat ay nandoon na ako.
Nagmamadali kong kinuha ang tuwalya at tumakbo papasok sa banyo para maligo na ng mabilisan.
Sampong minuto palang ay tapos na akong maligo kaya lumabas na ako ng banyo at bumalik sa kuwarto para magbihis.
Habang nagsusuklay ng buhok ay nagsasalin naman ang libre kong ng mainit na tubig sa tasa para makapagkape bago man lang ako umalis.
Pumunta ako sa sala dala-dala ang tasang may kape at nasa buhok ko pa ang suklay.
Habang humihigop ng kape ay may nahagip ang aking mata sa gilid ng kinauupuan ko kaya napalingon ako roon.
Nakita ko ang isang itim na jacket.
At doon biglang pumasok sa alaala ko ang nangyari sa akin kagabi.
Naglakad-lakad ako para maghintay ng jeep dahil kagagaling ko lang sa bar na pinagtatrabahuan ni Yno. May lalaking bumulaga sa akin at hinatak ako. Sinira ang suot kong damit, hinalikan, hanggang makaalis ang mga lalaking humahabol sa kaniya.
Pagkatapos niyon ay lumakad na siya paalis pagkatapos niyang iabot sa akin ang jacket.
Kinuha ko ang jacket na iyon at pinagkatitigan, may kung anong pumasok sa isip ko at inilapit sa ilong ko ang jacket at inamoy.
Ang bango ng perfume, lalaking-laki at hindi masakit sa ilong saka halatang mamahalin. Habang inaamoy-amoy ko iyon ay bigla kong naalala ang convenience store na pagtatrabahuan ko ngayon araw kaya agad akong napatayo at inilapag ang jacket sa upuan saka nagmamadaling lumabas ng apartment, hindi na inubos ang kape.
-
Pagkarating sa convenience store ng Tita ni Yno ay nagpakilala agad ako sa kaniya na ako ang nirekomenda sa kaniya ng pamangkin niya.
Tinuro lang niya sa akin ang gagawin ko, ako ang magbabantay sa store dahil sa susunod na araw daw ay magiging busy siya sa cake business niya pero kada linggo ay mag mo-monitor siya rito.
May kapalitan pala dapat ako pero nag leave ito dahil sa emergency baka next month pa raw makabalik.
Pang morning shift daw ito pero dahil wala pa siya, whole day ay ako ang nakatoka, okay narin sa akin iyon dahil doble kita hanggat wala pang pasok at may pambayad ako sa landlord namin.
7:00AM to 8:00PM ako rito hanggat wala pang pasukan pero kapag may pasok na ay baka mag night shift nalang ako dahil nakabalik narin ang dating nagtatrabaho rito.
Hindi narin masama, okay narin ang sweldo kada isang araw at saka mabait ang Tita ni Yno na nagpakilala palang si Christina pero Tita Chris nalang daw ang itawag ko sa kaniya. Mabait ito at palaging nakangiti.
Unang araw ko sa trabaho ay naging maayos naman, tuwing hapon pala ay mas marami ang pumapasok sa customer dito.
Nang mag alas otso na ng gabi ay nilinis ko muna ang sahig, tinapon ang basura at pinauwi narin ako ni Tita Chris at ito na raw ang magsasarado ng store, bukas nalang niya raw ako bibigyan ng spair key.
May nadaanan akong ihaw-ihaw habang pauwi, bumili ako ng barbeque para ulam ko mamaya. Pagkatapos kong bumili ay umuwi narin ako sa apartment.
-
Lumipas ang mga araw at linggo na, habang buhat-buhat ko ang marurumi kong damit na nakalagay sa laundry basket ay may kumatok sa pinto ng apartment ko.
Sino naman kaya iyon?
Ibinaba ko na muna ang laundry basket na dala ko at pinagbuksan ang kumakatok.
"Ano po-Aling Flora!" Gulat na sambit ko nang makita ang mukha ng landlord namin. "Magandang umaga po!"
"Saka mo na ako batiin kapag may naimpambayad kana sa upa!" Sabi niya at naglahad ng palad sa harap ko.
Hinawakan ko naman iyon at inilapat sa noo ko ang likod ng palad niya. "Mano po, hehe.."
"Czarina!" Sabay hatak ng kamay niya sa kamay ko.
"Biro lang po Aling Flora." Sabi ko at niluwagan ang pinto. "Pasok po muna kayo, kukuhanin ko lang yung pambayad." Sabi ko at hinayaan siyang pumasok.
Pumunta ako sa kuwarto ko at kinuha yung nakasobre roon. 3,500 lang ito, kulang pa sa tatlong buwang upa. 4,500 kasi ang dapat kong bayaran.
Napakamot ako sa buhok ko. Hayaan na nga, okay lang naman siguro kay Aling Flora na hanggang dalawang buwan na muna ang ibayad ko ano?
Palabas na sana ako ng kuwarto nang makita ko ulit ang jacket ng gagong lalaki. Ilang araw na itong nakalagay sa taas ng cabinet at hindi pa nalalabhan, idadamay ko na nga ito.
Nang hablutin ko ang jacket ay may nahulog na isang brown na pitaka mula roon.
Akalain mo iyon, may nakatagong pitaka pala rito?
Kinuha ko ang pitaka at binuksan, baka may I'd dito yung gagong lalaki para makilala ko kung sino man siya.
Pero wala.
Walang I'd o kung anong puwedeng makatunton sa kaniya, ang laman ng wallet ay tatlong libo.
"Czarina! Ano na? Nagmamahika ka pa ba riyan para may maimpambayad ka?" Narinig kong sigaw ni Aling Flora mula sa sala. "Naku! Kung hindi ka talaga makapag-bayad, papalayasin kita rito sa apartment ko!"
Nakatingin lang ako sa laman ng wallet ng gagong lalaki. Hindi naman siguro masama na hiramin ko muna itong tatlong libo niya ano? At saka bwena danyos nalang sa ginawa niya sakin.
Kinuha ko ang tatlong libo sa pitaka niya at bumalik na kay Aling Flora na nayayamot na kakahintay sa akin.
"Ano? Nakapagmahika kana ba?"
"Opo, hehe." Pakikisabay ko sa kalokohan niya. "Ito na po yung bayad ko sa upa hanggang sa susunod na buwan." Sabi ko at inabot sa kaniya ang 6000 pesos.
"Aba'y mabuti." Kuha niya sa 6000 sa kamay ko. "Sige, mauuna na ako." Paalam niya at lumabas na ng apartment ko.
Pagkaalis na pagkaalis ni Aling Flora ay muli akong napakamot sa ulo ko. Nagkakakuto na ata ako sa kakapusan ko ng pera. 500 pesos nalang ang natira kong pera na pagkakasyahin ko hanggang tatlong linggo sana kung maaari.
Pinagpatuloy ko nalang ang naudlot kong paglalaba dahil mamayang gabi ay kakanta pa ako sa bar.
YOU ARE READING
Baby Series #1: Cooler
RomanceSa edad na labing-limang taong gulang ay tuluyan ng naulilang lubos si Czarina Sandoval nang pumanaw ang kaniyang Ina dahil sa isang malubhang karamdaman. Napunta siya sa poder ng kaniyang Tiyahin kung saan siya nakaranas ng pagmamaltrato. Nang tumu...