Chapter 6

15 3 0
                                    

CHAPTER 6

Nang matapos akong manood ng tutorial sa YouTube ay hinanda ko na ang pagpapaligo kay baby Cooler.

Kakatapos ko lang mag pakulo ng tubig at isinalin ko iyon sa palanggana at nilagyan ng tubig para maging maligamgam.

Sinimulan ko na ng paliguan si baby Cooler, habang pinapaliguan siya, kung saan-saan na umabot ang isip ko. Hindi ko pinangarap sa sarili ko na 'magiging isang ina' ako sa edad kong ito.

Pero dahil kay baby Cooler ay naging isang dalagang ina na ako. Virgin pa ako pero naging ina na ako. Huhu!

Pagkatapos kong paliguan si baby Cooler ay dinala ko siya sa kuwarto at pinahiga siya sa kama at doon binihisan pero bago iyon ay naglagay muna ako ng polbo sa katawan niya.

Kinagabihan, alas sais palang ng gabi ay nakatulog na si baby Cooler at doon palang ako kakain, nakapagsalang naman na ako ng kanin kanina, nagbukas nalang ako ng isang sardinas at sa kuwarto na kumain para mabantayan ko siya habang natutulog.

-

'Uahhhh!'

Sa kalaliman ng gabi, nagising ako dahil sa palahaw na pag-iyak ni baby Cooler.

"Bakit baby? Nagugutom kana ba?" Tanong ko at pinahidan ang noo niyang tagaktak ng pawis.

Shit! Mainit nga.

Napalingon ako sa electric fan na kinakalawang na, hindi gumagana, natuluyan na ata.

Kumuha ako ng karton at pinaypayan siya para maibsan ang init. Anong oras na ba? Alas tres narin pala. Maya-maya lang ay tumahan na si baby Cooler at muli ng nakatulog.

Habang ako?

Inaantok pero hindi ko naman puwedeng tigilan ang pagpaypay sa kaniya dahil muli ulit siyang magigising at iiyak.

Sumikat na ang haring araw, nagtitimpla ako ngayon ng gatas para kay baby Cooler. Inaantok parin ako hanggang ngayon, paidlip-idlip lang kasi ako kaninang madaling araw.

Isinangag ko ang natira kong kanin kagabi pagkatapos ay hinalo ko ang sardinas na tinira ko rin kagabi.

Sabay kaming kumain ni baby Cooler, sabay narin kaming naligo.

Balak ko siyang isama sa trabaho ko dahil wala namang magbabantay sa kaniya.

Nang makapag-bihis na kaming parehas, nagdala ako ng maliit na bag para doon ilagay ang gatas, wet wipes, diaper, at alcohol ni baby ni Cooler.

"Magandang umaga po aling Flora!" Bati ko nang makasalubong ko ang landlord na nagwawalis sa tapat ng gate.

"Magandang umaga rin sayo Czarina. Oh, nasa iyo pa pala ang cute na batang iyan." Sambit ni Aling Flora na itinigil ang pagwawalis.

"Ah, opo." Tanging nasagot ko.

"Nasaan ba ang kaibigan mo at ikaw ang nag-aalaga sa anak niya?" Tanong niya.

"Eh...nasa malayo pong lugar ang parents ni baby Cooler, n-nagkaroon po kasi ng emergency."

"Baka naman, anak po talaga iyan Czarina?" Biglang sumeryoso ang mukha ni Aling Flora. "Hawig mo ang bata e. Ang kasintahan mo nag-aalaga sa anak niyo noong nakalipas na araw dahil nagtatrabaho ka kaso dahil sa hirap parin ng buhay ay nag-abroad na kaya nasa'yo na ulit ang anak niyo. Tama ako ano?"

Galing niyo naman pong mag konklusyon

Napakamot ako ng ulo. "Hehe..." Iyan nalang ang nasabi ko.

"Tama talaga ako ano? Huwag ka ng mahiya dahil bata ka nag-anak, ang mas nakakahiya ay iyong pinalaglag o pinaampon mo ang sanggol dahil hindi kayang buhayin." Sabi ni Aling Flora at matipid akong nginitian "Alam ko namang nagsisikap ka para buhayin ang anak mo."

Awkward na ngumiti na lamang ako sa kaniya at inayos ang pagkakabuhat kay baby Cooler.

"May trabaho ka ngayon hindi ba? Isasama mo ba siya sa trabaho mo?" Biglang tanong niya.

"Ah, Opo. Wala kasing magbabantay kay baby Cooler." Sagot ko.

"Ay naku! Hindi ka makakapagtrabaho ng maayos niyan. Kung gusto mo ay sa akin na muna ang anak mo? Tutal naman ay wala akong gagawin, nakakamiss din kasi ang mag-alaga ng bata." Sabi ni Aling Flora, malalaki na kasi ang mga anak niya at lahat ay nasa abroad na at may kaniya-kaniya ng pamilya.

Nagliwanag naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "Sigurado po ba kayo? Okay lang ho na alagaan niyo si baby Cooler?" Tanong ko.

"Oo naman, Czarina."

"Maraming salamat po aling Flora!" Nakangiting pagpapasalamat ko at inabot sa kaniya si Cooler pati narin ang bag na naglalaman ng mga gamit niya. "Libre naman po siguro ang pag-aalaga sa kaniya, ano po?" Pagbibiro ko pero seryoso yung tanong ko.

Baka kasi may dagdag na bayad sa upa ng apartment.

"Wala 'no. Libre 'to pero yung upa sa apartment ha? Hindi libre iyon." Sabi ni Aling Flora habang hinihele si baby Cooler.

"Opo. Sige maganda kong landlord, papasok na po ako sa trabaho. Malapit na pong mag-alas otso." Paalam ko. "Baby Cooler, huwag kang pasaway sa maganda nating landlord ha?" Pagkausap ko kay Cooler at ngumiti naman ito kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko.

Sa ngiti niyang iyon ay parang ang hirap niyang iwan at isama ko nalang siya sa trabaho pero tama naman si Aling Flora na hindi ako makakapag-focus dahil sa kaniya at kailangan ko rin na kumita kaya pinipigilan ko ang sarili ko na maging marupok sa mga ngiti niya.

"Nako! Nambola ka pa Czarina!"

"Haha! Sige po, ingat kayo!" Iyon ang huli kong sinabi bago ako pumara ng jeep at sumakay.

Sumilip pa ako sa bintana ng jeep at kumaway kay Cooler kahit hindi niya ako nakikita, hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

Baby Series #1: CoolerWhere stories live. Discover now