Chapter 37

10 1 0
                                    

CHAPTER 37

Nagmamadali akong ilagay ang mga gamit ko sa loob ng bag ko. Pupunta kasi ako ngayon sa ospital para bisitahin si Yno. Hindi ko makakasama ngayon si Casper dahil busy ito ngayong araw.

Nang mailagay ko na ang lahat ng gamit ko sa bag ay isinukbit ko na ito sa balikat ko at lumabas na ng classroom.

Habang naglalakad ako sa quadrangle palabas ng school ay napahinto ako sa paglalakad ng makakasalubong ko yung leader ng 4th year college na binugbog ni Chiwawa.

Liliko na sana ako nang hindi na ako makagalaw dahil nasa harapan ko na siya. Napaatras nalang ako. Biglang kumalabog ang puso ko dahil sa takot at kaba. Simula ng masuspinde sila ng isang linggo ay ngayon ko nalang ulit siya nakita.

"Long time no see!" Sabi niya at ngumisi. "Nakikita mo ba ito?" Tinuro niya ang kaniyang mukha, may peklat ang pisngi niya na ‘C×’ na ngayon ko lang nakita. Sumeryoso ang kaniyang mukha. "Gawa ‘yan ng boyfriend mo. Ipadala mo ito sa kaniya, magbabayad siya, pagbabayarin niya itong ginawa niya sa mukha ko." Muntik na akong matumba nang tuktukin niya ang noo ko gamit ang daliri niya. "Kasama ka, pagbabayarin n'yo itong dalawa." Pagkasabi niyang iyon ay naglakad na siya paalis marahil ay dahil may napapatingin na sa aming mga estudyante.

Napasinghap nalang ako at napahilamos ng mukha nang tuluyan na siyang makaalis. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam ko rin na nanlamig ang kamay ko at nanginginig ang tuhod ko.

Grabe. Katakot...

Huminga ako nang malalim at napailing nalang. Scary na nga ang mukha niya noon, mas lalo siyang naging scary ngayon. 
Idagdag pa ang pagbabanta niya.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ng school at nakasakay ng jeep patungong ‘ospital.

"Exam niyo na bukas, hindi ba?" Si Yno nang lumipas ang mga oras na nandito pa ako sa kuwarto niya. "Umuwi kana sa inyo. Baka wala kang masagot sa exam niyo bukas dahil sa akin. Kaya ko namang mag-isa, parating narin naman siguro si Mama."

Tumingin ako kay Yno. Nakasuot siya ngayon ng bonnet, naglalagas na kasi ang buhok niya kaya tinuluyan ng kinalbo.

Noong araw nga na kinalbo siya ay hindi niya ako pinapasok sa silid dahil ayaw niyang ipakita ang sarili niya sa akin na kalbo na. Nahihiya raw siya. Pangit daw kasi at hindi bagay sa kaniya, mukha raw siyang itlog.

Binuhat ko ang tray na may lamang soup, tubig, at gamot niya saka lumapit sa kaniya. Inilapag ko iyon sa lamesa at naupo sa gilid ng kama niya. "Puwede naman akong mag review mamaya, huwag mo ng isipin iyon at kumain kana." Sagot ko at kinuha ang mangkok na naglalaman ng soup.

Hinipan ko ang kutsara dahil kakaluto lang ng soup at pinasubo iyon sa kaniya ng hindi na gaanong mainit.

"Gusto kong mag paalaga sayo pero hindi sa ganitong sitwasyon. Gusto kong alagaan mo ako bilang asawa mo. Laki ng pangarap ko 'no?" Sabi ni Yno habang nakangiti "Pero mas gusto kong ako ang mag-aalaga sayo pati sa magiging anak natin."

Ngumiti nalang ako at pinunasan ang gilid ng labi niya gamit ang panyo. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na may gusto siya sa akin at naitago rin niya iyon ng mahigit isang taon.

Nang sabihin niya na tumingin ako sa salamin ay ginawa ko iyon, tumitig pa nga ako. Nakita ko lang yung replika ng mukha ko sa salamin ngunit wala naman akong makuhang sagot para magustuhan niya ako. 

"Kumain ka nang kumain para makainom ka na ng gamot." Sabi ko at muli siyang sinubuan.

Alas diyes ng gabi nang dumating ang Mama ni Yno at doon palang ako nakapag-paalam na uuwi na. Gusto ni Yno na ihatid pa ako ng Mama niya sa labas ng ospital hanggang sa makasakay ng sasakyan ngunit tumanggi na ako. Sinabi ko nalang na mag t-text ako kapag nakauwi na ako sa bahay.

Baby Series #1: CoolerWhere stories live. Discover now