CHAPTER 76.1
“WHERE‘S LEON?”
Nagmamadaling pumasok si Casper sa loob ng bahay. Nakatanggap kasi siya ng tawag mula kay Sahir at sinabing kasama nito si Leon at pumunta siya sa address na i-t-text nito.
“Leonnn!!” Bulalas ni Casper nang makita ang hinahanap na nakaupo sa couch sa sala. Patakbo siyang lumapit dito at ito ay kaniyang niyakap. “Akala ko nahuli kana ng mga lalaking humabol sa atin! Nag-alala ako nang sobra sayo!”
“Bitawan mo ‘ko!” Utos ni Leon nang hindi na siya makahinga ng maayos dahil sa sobrang higpit ng pagkakayakap sa kaniya ng lalaki. Mabilis naman siyang pinakawalan ni Casper lalo na nang mapansin nito na hindi lamang pala sila ang tao sa living room.
“Hindi mo naman pinaalam sa akin na kasama mo pala si Sahir. Hinintay kita sa apartment ni Czarina!”
“Nabangga ko si Leon 2 days ago. Nagkaroon siya ng amnesia at ngayon lamang bumalik ang kaniyang alaala.” Singit ni Sahir.
“What?!” Gulat na bulalas ni Casper.
“Yeah.” Tumango si Sahir. “Ikaw? Alam mo palang buhay si Leon. Bakit hindi mo pinaalam naman sakin?!”
“2 days ago ko lamang din nalaman na buhay pala si Leon. Maraming nangyari sa dalawang araw na ‘yan at ang pag sabi sayo na buhay pala siya ay nasa huling listahan ko pa.” Sagot ni Casper.
“Huwag na kayo magtalo. Hindi lamang oras ang nasayang natin Casper, kun’di pati narin ang araw. Kailangan na nating ituloy ang plano natin. Hindi ko na alam kung maayos pa ba ang kalagayan ni Czarina at ng anak ko. Sana hindi pa huli ang lahat.” Sabi ni Leon nang humarap siya kay Casper.
“Pupunta tayo ng Palawan ngayong gabi? May flight pa ba ngayon?” Tanong ni Casper na tumingin sa kaniyang braso para sana tignan ang oras, ngunit nang makita niyang wala siyang suot na relo ay doon niya biglang naalala na sinanla nga pala niya ang kaniyang relo.
“I can help. We have a private airplane.” Pagsabi ni Sahir.
“Uhm... Pwedeng makisingit?’ Lahat ay napatingin kay Aesia nang mag salita ito. “Pwede ko bang malaman kung sinong Czarina ang tinutukoy niyo?”
Si Casper na ang sumagot sa tanong ni Aesia dahil sa kanilang lahat alam niyang siya ang mas nakakakilala kay Czarina. “Czarina Sandoval. She's a 2nd year college student in Lacosta University. She's my classmate, by the way.”
Nanlaki ang mata ni Aesia sa narinig. Napatuptop pa nga siya sa kaniyang bibig dahilan upang magtaka ang tatlong lalaking nakatingin sa kaniya.
“Why Aes? You know her?” Tanong ni Sahir.
“Sort of. Naging client kasi siya ni Mommy.” Sagot ni Aesia at hinarap si Leon. “I think okay pa naman sila ngayon.”
“Paano mo nasabi?” Tanong ni Leon.
Kinuha ni Aesia ang kaniyang cellphone habang may sinasabi. “I have a friend na nasa Palawan.” May pinakita siyang picture nang isang lalaki na nasa bay walk ng Puerto Princesa Palawan.
“Anong meron sa lalaking ‘yan?” Tanong ni Sahir na nakakunot ang noo.
“Tanga. Hindi yung lalaki ang titignan mo.” Sagot ni Aesia at zinoom ang litrato. Pinakita niya ang nasa likod ng lalaki kung saan nahagip ang mukha ng isang babae at lalaking may buhat-buhat na isang batang lalaki, mga nakatingin ang mga ito sa sunset.
“Sila Czarina!” Si Casper.
“Inupload ito ng friend ko noong December 30. And wait, there's more.” May kinalikot muli si Aesia sa kaniyang cellphone at may bagong larawang ipinakita. “Kakapost lang ni Glad nito 1 hour ago.” Sa larawan, makikita ang maraming tao na nasa beach. Nahagip din ng larawang nandoon sila Czarina na mga nakaupo sa nakalatag na sapin sa buhanginan. Dahil sa mga nakitang larawan ay kahit papaano ay nabunutan ng tinik si Leon. Hindi pa sila huli, maaari pa nilang mailigtas si Czarina at ang kaniyang anak.
YOU ARE READING
Baby Series #1: Cooler
RomanceSa edad na labing-limang taong gulang ay tuluyan ng naulilang lubos si Czarina Sandoval nang pumanaw ang kaniyang Ina dahil sa isang malubhang karamdaman. Napunta siya sa poder ng kaniyang Tiyahin kung saan siya nakaranas ng pagmamaltrato. Nang tumu...