CHAPTER 16
"Kumain kana muna." Sabi sa akin ni Yno pagkalapag niya ng pinggan na may kanin at mangkok na may lamang tinolang manok. "Ubusin mo iyan ha? Kukuha lang kita ng tubig." Maglalakad na sana siya palabas ng kuwarto ko nang hawakan ko ang kamay niya kaya nahinto siya sa paghakbang at lumingon sa akin.
"Yno, salamat ha? Umabsent ka pa talaga para lang alagaan ako." Sambit ko sa kaniya.
Tatlong araw na kasi akong hindi pumapasok dahil sa pamamaga ng tiyan ko dahil sa pagsuntok sa akin noong boss ng mga aso.
Hanggang ngayon pa nga ay kulay violet pa rin ang kulay ng tiyan ko, halos hindi ako makalakad dahil sa sobrang sakit. Mangiyak-ngiyak nalang talaga ako.
Galit na galit nga siya pati narin si Casper ng malaman ang nangyari sa akin, gusto nilang balikan yung limang 4th year pero pinigilan ko na sila dahil ayaw ko pang madamay sila.
Nang ihatid ako ni Yno sa apartment ay inalagaan na niya ako pati narin si baby Cooler.
Nakakaguilty nga dahil tatlong araw na siyang absent dahil sa pag-aalaga niya sa amin ni baby Cooler.
Ngumiti lang si Yno at ginulo ang buhok ko. "Kahit hindi na ako mag-aral, maalagaan lang kita. Ayos lang."
Tinabig ko ang kamay niyang nasa ulo ko. "B.A.L.I.W. Baliw ka." Sambit ko. Tumawa lang siya. "Pumasok kana bukas ha? Nakakakilos naman na ako."
"Papasok ako kapag full recovery kana." Sabi niya "Kumain kana, kukuha lang kita ng tubig mo at papaliguan ko na si baby Cooler." Pagkasabi niyang iyon ay lumabas na siya ng kuwarto, habang ako naman ay kinain ko na ang pagkaing ibinigay niya.
Pagdating ni Yno ay nilapag niya ang basong may tubig pati ang isang pain killer. "Inumin mo iyan pagkatapos mong kumain." Tumango lang ako at hinigop ang mainit na sabaw ng tinolang manok.
Minsan lang ako nakakain ng mga karne, once in the blue moon lang siguro. Puro kasi ako cup noodles, itlog, delata. Wala e, dukha.
Kaysa bumili ako ng manok na halagang 90, itlog nalang niyang 6 pesos lang. Pang gatas at diaper nalang yung sukli para kay baby Cooler.
Nang matapos kong kumain ay uminom ako ng tubig pati narin ang pain killer.
Pinagsama-sama ko ang pinagkainan ko at lumabas ng kuwarto saka naglakad papuntang kusina para ilagay ito sa lababo at hugasan na.
Habang naghuhugas ay dinig na dinig ko ang paghalakhak ni baby Cooler na nagmumula sa banyo, pati narin ang pagtawa ni Yno.
Napangiti nalang ako..
"Oh? Bakit bumangon ka?" Tanong ni Yno habang buhat-buhat si baby Cooler na binalutan ng towel sa katawan. Kakalabas lang nila sa banyo at paglabas ko naman sa kusina.
"Nilabas ko lang yung pinagkainan ko." Sagot ko at tumingin kay baby Cooler na nagsasalita ng 'byahbyahbyah'
"Sana tinawag mo nalang ako para ako na ang maglabas ng pinagkainan mo." Sabi ni Yno at pinunasan ang buhok ni baby Cooler. "Mommy Zaria mo baby Cooler, ang kulit, sabing huwag munang babangon dahil hindi pa magaling e. Pagalitan mo nga!"
"Ma..ma..ma.." Sabi lang ni baby Cooler at sinubo ang daliri niya sa loob ng bibig.
"Hindi naman ako baldado."
"Pero bawal kang kumilos nang kumilos. Bibihisan ko lang si baby Cooler at papahiran ko ng ointment 'yang tiyan mo." Sabi niya at naglakad papasok sa loob ng kuwarto ko, sumunod naman ako sa kaniya.
"Ang taba-taba na talaga ni baby Cooler, mas bumibigat narin." Sabi ni Yno habang nilalagyan ng polbo ang katawan ni Cooler.
"Malapit na siyang mag isang taon." Sabi ko at naupo sa dulo ng kama.
"Kailan kaya ang birthday niya?" Tanong niya at nilagyan na ng diaper si baby Cooler.
Nagkibit balikat lang ako, hindi ko rin naman kasi alam kung kailan ang kaarawan niya.
Nang matapos bihisan si baby Cooler ay pinagtimpla muna niya ito bago niya ako asikasuhin.
Napalatak siya nang makita ang tiyan kong kulay ube parin pero wala na iyong pamamaga. "Makita ko lang talaga ang gumawa sayo niyan, maski mata nila may latay." Sabi niya at sinimulang pahiran ang tiyan ko ng ointment.
"Hayaan mo na sila, na suspinde naman sila ng isang linggo."
"Hindi sapat ang isang linggong suspinde sa ginawa nila sayo!"
"Nabugbog naman sila ni Chuwa."
Yung isang asong Chiwawang iyon, kaya naman pala niyang pataubin 'yong lima bakit nagpabugbog pa siya roon sa abandonadong classroom?
"Yung transferee? Mabuti nalang at tinulungan ka niya. Magkaaway pa kayo non, hindi ba?" Sabi ni Yno at ibinaba na ang damit ko ng matapos pahiran ng ointment.
Tumango lang ako, laking pasasalamat ko rin sa kaniya dahil nailigtas niya ako.
Nang mag hapon ay nagpaalam na si Yno na uuwi na dahil may trabaho pa siya sa bar mamayang gabi, babalik nalang daw siya bukas. Sabi ko ay huwag na dahil okay naman na ako pero kahit anong pagtanggi ko ay pupunta iyon bukas.
Kakatapos ko lang kumain ng dinner nang may kumatok sa pintuan ng apartment ko.
May naiwan ba si Yno?
Nilapag ko ang hawak kong baso sa upuan sa sala at binuksan ang pinto.
"May naiwan ka ba Yn-"
Natigilan ako nang bigla akong niyakap ng kung sinong hindi ko namukhaan dahil sa sobrang bilis ng pangyayari.
Maya-maya lang ay ito na mismo ang lumayo sa akin pagkatapos niya akong yakapin nang mahigpit.
"Okay kana ba? May masakit pa ba sayo?"
"K–Knight?" Gulat na sambit ko nang si Knight ang nasa harapan ko ngayon. "B–Bakit nandito ka? At bakit ka ba basta-basta nangyayakap?" Tanong ko at lumayo pa sa kaniya ng bahagya.
"Nabalitaan ko lang ang nangyari sayo kanina nang dumating si Madame. Akala ko busy ka lang kaya hindi ka nakapasok kahapon pero sinabi sa akin ni madame ang nangyari sayo. Okay ka lang ba? Sino ang mga gagong gumawa niyan sayo?" Tanong niya habang hawak ang magkabilaang balikat ko. Ramdam na ramdam ko rin ang pag-aalala niya sakin.
Hinawakan ko ang dalawang kamay niya na nasa balikat ko at tinanggal iyon. "Okay lang ako. Ikaw ata ang hindi okay, pumunta ka pa talaga rito para kamustahin ako 'no?"
Doon siya natigilan, siguro roon palang niya na realized ang ginawa niya.
Hindi naman ganito si Knight noon e, simula nang maghiwalay kami ay hindi ko na siya muling nakita pa, hindi narin siya nangamusta sakin tapos ngayon nandirito siya sa harapan ko dahil lang nabalitaan ang nangyari sa akin.
"Uhm..bawal na ba kitang bisitahin at kamustahin? May namagitan naman sa atin noon ah?"
"Wow ha? Iyong panloloko at pananakit mo sa akin noong may tayo pa? Nagawa mo ba akong kamustahin?"
Hindi naman ako nagmumukhang bitter sa kaniya 'no?
Nagsasabi lang naman ako ng totoo.
Natahimik siya nang ilang saglit bago tumungo at muling nagsalita.
"I–I'm sorry..."
YOU ARE READING
Baby Series #1: Cooler
RomanceSa edad na labing-limang taong gulang ay tuluyan ng naulilang lubos si Czarina Sandoval nang pumanaw ang kaniyang Ina dahil sa isang malubhang karamdaman. Napunta siya sa poder ng kaniyang Tiyahin kung saan siya nakaranas ng pagmamaltrato. Nang tumu...