CHAPTER 7
Lumipas ang araw at linggo ay naging ganoon ang routine ko. Ipapaalaga si baby Cooler kay Aling Flora at papasok sa trabaho. Laking pasasalamat ko nga dahil mabait ang landlord namin, halos siya nga nag-aalaga kay baby Cooler, eh.
Naubos na kasi ang 20 thousand na nasa sobre dahil ang mamahal ng gatas at diaper ni baby Cooler. Kahit anong pagtitipid ko sa pera ay naubos parin, wala pa sa isang buwan iyon.
Matakaw kasi si baby Cooler, pinapainom ko rin siya ng vitamins para makaiwas siya sa sakit at maging malusog. Baka kasi magkasakit siya e ang mahal pa naman mag pa ospital.
Kaya ayun, kailangan kong mag doble kita para sa aming dalawa ni baby Cooler, pagkatapos kong magtrabaho sa convenience store sa Tita ni Yno ay pupunta naman ako sa bar para kumanta.
Napapadalas narin ang pagkanta ko sa bar at good news iyon para sa akin.
Tok! Tok!
Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok, pinunasan ko muna ang kamay ko sa suot kong damit dahil naghuhugas ako ng plato.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Yno.
"Good morning Zaria, si baby Cooler?"
Yup! Alam na rin ni Yno ang tungkol kay baby Cooler, noong nakaraang linggo lang, habang pinapaarawan ko kasi sa baby Cooler sa labas ay bumisita si Yno rito sa apartment.
Siyempre, gulat na gulat siya dahil bakit may buhat-buhat akong sanggol, tinanong niya kung kanino raw ba iyon.
Alam niyang wala akong kaibigan bukod sa kaniya kaya inamin ko ang totoo kung bakit nandito si baby Cooler sa akin.
Alam ko naman kasing mapagkakatiwalaan siya, sinabi kong bawal siyang dalhin sa inauukulan sa hindi ko malamang dahilan ayon sa liham. Tinanong din niya kasi kung bakit hindi ko nalang dalhin si baby Cooler sa kapulisan.
Naintindihan naman niya at ayon na nga, na-cu-cute-tan din siya kay baby Cooler minsan ay siya ang nagpapadede rito at nagpapalit ng diaper kapag pumupupu si baby, sanay narin naman siya dahil nga may bunso siyang mga kapatid.
"Pasok ka... nasa sala si baby Cooler, natutulog." Sagot ko at niluwagan ang pinto para makapasok siya. "Ayos ka rin pala kapag naging ninong ka, spoiled sayo si baby Cooler." Biro ko, tuwing bibisita kasi si Yno rito sa apartment ay nagdadala siya ng mga stuff toy kaya marami ng stuff toy si baby Cooler sa kuwarto.
Gumawa nga rin siya ng kuna ni baby Cooler e, at nakalagay iyon sa sala, doon nga natutulog ngayon si baby Cooler.
Natawa lang si Yno, dumeretso agad kay baby Cooler, pagpasok mo lang kasi sa apartment ko ay sala agad ang bubungad sa iyo.
"Gusto mo ng kape?" Tanong ko sa kaniya.
"Dalawa na ba tasa mo?" Pagbibiro niya na kinatawa ko naman. "Hindi na, nakapagcoffee na ako kanina." Sagot niya at inilapag ang dala niyang spongebob na stuff toy sa uluhan ni baby Cooper.
Tumungo ako sa kusina para ipagpatuloy ang naudlot kong paghuhugas ng plato. "Bakit nandito ka pala? Wala ka bang trabaho ngayon sa coffee shop?" Tanong ko sa kaniya.
"Leave ako ngayon." Sagot niya at tinapik ang hita ni baby Cooler nang umingit ito. "Balak ko sanang ayain kang gumala, wala ka rin namang trabaho kay Tita, hindi ba?" Tanong niya.
"Oo, bukas pa meron." Sagot ko at bumalik na sa kanila dahil tapos na akong maghugas ng plato. "Saan naman tayo pupunta?" Matagal narin akong hindi nagliliwaliw dahil puro trabaho.
"Kahit saan..." Sagot niya. "Maligo kana, ako na ang bahala kay baby Cooler."
"Okay, may timplang gatas na riyan si baby Cooler kapag nagutom." Sabi ko at pumasok sa kuwarto para kumuha ng tuwalya.
YOU ARE READING
Baby Series #1: Cooler
RomanceSa edad na labing-limang taong gulang ay tuluyan ng naulilang lubos si Czarina Sandoval nang pumanaw ang kaniyang Ina dahil sa isang malubhang karamdaman. Napunta siya sa poder ng kaniyang Tiyahin kung saan siya nakaranas ng pagmamaltrato. Nang tumu...