CHAPTER 8
"Miss?" Pagtawag ko sa babaeng nanalo ng second place sa singing contest dito sa isang store ng mall.
"Yes po, miss?" Tanong niya habang may ngiti sa labi. "By the way, congratulations! Ano ang maitutulong ko sa iyo?"
"Salamat...ah, ano, kung puwede lang naman sayo baka puwedeng palit tayo ng price?" Medyo nahihiyang sabi ko at tumingin sa stand fan niyang napalalunan.
"Sigurado ka ba miss?" Tanong niya na hindi makapaniwala "Flat screen TV iyang price mo tapos ipagpapalit mo lang dito sa stand fan na electric fan?" Paninigurado niya.
Huwag mong i-'lang' ang electric fan.
Ngumiti ako. "Opo, kung okay lang sa iyo?" Sagot ko.
"Okay lang naman sa akin."
Nagpalitan kami ng premyong natanggap.
"Salamat po! Una na ho ako." Paalam ko habang bitbit-bitbit ang electric fan na nakalagay pa sa kahon.
"Salamat din sa iyo, miss."
Ngumiti lang ako at iniwan na yung babaeng nakipagpalitan ko.
Lumabas na ako ng mall at sumakay ng jeep para umuwi na.
Namili kasi ako ngayon ng school supplies ko sa mall, e' habang naglalakad-lakad ako ay may nakita akong singing contest sa department store na puro appliances.
Ang matatanggap ng 1st place ay flat screen TV. Second place, microwave oven, at ang third place, electric fan na stand fan.
Bigla kong naalala si baby Cooler na nahihirapan sa pagtulog dahil mainit lalo na kapag tanghali at kailangan namin ng electric fan kaso wala akong perang pambili kaya nag tatiyaga akong paypayan nalang siya.
Nagkaroon na nga ako ng muscle sa kakapaypay kay baby Cooler, eh. Haha.
Sumali ako roon sa singing contest para sa electric fan, ginalingan ko talaga, iyong binuhos ko lahat ng galing ko sa pagkanta para manalo lang at makuha ko ang electric fan.
Ang kaso, ako ang naging first place kaya flat screen tv ang napanaluhan ko pero hindi ko kailangan iyon. Magagawa ba niyang palamigin ang apartment para makatulog ng mahimbing si baby Cooler? Hindi naman 'di ba?
Kaya lumapit ako roon sa babaeng nanalo ng electric fan at nakiusap kung puwede ba kami makipagpalitan, mabuti nalang at pumayag siya kaya may mauuwi na akong electric fan sa apartment.
Matutuwa nito si baby Cooler at hindi na ako mangangawit kakapaypay sa kaniya kapag mainit, makakatulog narin ako nang mahimbing.
Pagkarating sa apartment ay kinuha ko si baby Cooler kay aling Flora.
"Look, baby, oh. May electric fan na tayo." Nakangiting sabi ko habang tinatanggal ang tape na naka-sealed sa kahon.
Nilabas ko ang electric fan sa kahon pagkatapos ay inayos iyon at sinalpak sa saksakan at pinindot ang number 1 sa electric fan.
"Ang lamig 'no?" Sabi ko at nilapit si baby Cooler sa hangin na binubuga ng electric fan. "Hindi na tayo maiinitan mamaya baby, hindi na ako mahihirapan at makukulangan sa pagtulog dahil sa kakapaypay sa iyo!"
Tumawa naman si baby Cooler at napapalakpak pa kaya napangiti ako at inilagay siya sa kuna.
"Dito kana muna ha? Aayusin ko lang ang pinamili ni mommy tapos magluluto na ako para sa dinner natin."
Yup! You read it right? Sa ilang linggong nasa akin si baby Cooler ay tinuring ko na siyang sariling anak kahit na wala akong kasintahan at virgin pa ako. At saka tutal naman ganoon narin naman ang turing ng mga nakakakita sa aming mga tao na isa akong dalagang Ina.
YOU ARE READING
Baby Series #1: Cooler
RomanceSa edad na labing-limang taong gulang ay tuluyan ng naulilang lubos si Czarina Sandoval nang pumanaw ang kaniyang Ina dahil sa isang malubhang karamdaman. Napunta siya sa poder ng kaniyang Tiyahin kung saan siya nakaranas ng pagmamaltrato. Nang tumu...