CHAPTER 68
COOPER LEONARD CHUWA
~December 29~
“Ano ng gagawin natin?” Tanong ni Casper habang nasa loob sila ngayon ng kotse at hindi alam kung saan na tutungo.
Bumuntong-hininga si Leon at malakas na hinampas ang manibela dahilan upang umingay nang malakas ang busina ng kotse. Maski siya ay hindi narin niya alam ang gagawin.
“Kung tumawag kaya tayo ng pulis?” Suggestion ni Casper ngunit umiling siya at sinabing hindi sila pwedeng humingi ng tulong sa mga kapulisan dahil hindi niya ito pwedeng pagkatiwalaan.
May mga ma-impluwensyang mga tao rin kasi na kabilang sa isang organisasyon kung saan kasapi sila ng kaniyang magulang.
“Kailangan natin ng tulong. Tulong sa taong mapagkakatiwalaan natin.” Sabi niya kay Casper dahil hindi nila ito kaya na sila lamang dalawa.
“Taong mahihingian natin ng tulong at mapagkakatiwalaan?” Ulit ni Casper hanggang sa may isang pangalan ang nag pop-up sa kaniyang isipan. “Aha! Alam ko na kung sino!” Sambit niya kaya napalingon sa kaniya si Leon at tinanong kung sino ang taong maaaring makatulong sa kanila. “Si Knight. Pwede tayong matulungan ni Knight!”
“Knight? Sino naman ‘yan?” Tanong niya at binalik ang tingin sa kalsada. Natanaw niya mula sa malayo ang stop light na kasalukuyang naka-red light. This time, sumunod na siya sa batas-trapiko. Hininto niya ang sasakyan at hinintay na mag go signal ito.
“Ex ni Czarina. Puwede siyang makatulong sa atin!”
“Sigurado ka?”
“Oo naman!”
“Kung ganon, ano pa ang hinihintay mo? Tawagan mo na!” Utos niya rito at pinaandar na ang sasakyan nang mag go signal na ang stoplight.
Napansin ni Leon na hindi naman siya sinunod ni Casper imbis ay napakamot lamang ito ng ulo at napangiwi.
“Ano pa ang tinatanga-tanga mo diyan? Tawagan mo na si Knight!”
Baka kung ano na ang mangyari kay Czarina at sa anak niya!
“Kasi ano... Wala akong number ni Knight—pero ano, alam ko kung saan siya nagtatrabaho.” Mabilis na kambyo ni Casper nang aambahan sana niya ito nang malakas na paghampas sa batok.
Itinuro ni Casper kung saan ang daan patungo sa isang convenience store kung saan nagtatrabaho ang sinasabi nitong si Knight. Napag-alamanan din ni Leon na doon din pala nagtatrabaho si Czarina.
Nang makarating sila sa kanilang destinasyon ay pumasok silang dalawa sa loob ng Convenience store at dumiretso sa counter ngunit walang Knight silang nakita roon bagkus ang naabutan lang nila sa tindahan ay ang may owner ng store.
Mukhang kakilala naman ni Casper ang may-ari ng store kaya naman hinayaan nalang ni Leon na ito na lamang ang makipag-usap dito at inilibot nalang niya ang kaniyang paningin sa paligid.
Sa ilang buwan na pagkakakulong ni Leon sa basement ay ngayon na lamang siya ulit nakapasok sa isang conveniences store. Alam niya na si Knight ang kanilang ipinunta rito ngunit hindi niya napigilan ang sarili na lumapit sa mga rack na may lamang iba't ibang klaseng pagkain.
Nakaramdam siya nang pagkagutom. Hindi pa kasi sila nakakapag-almusal ni Czarina. Kusang gumalaw ang mga kamay niya at kumuha ng mga pagkain na kaniyang nadadaanan.
Pababayarin nalang niya ito kay Casper mamaya.
Naagaw ang atensyon ni Leon sa isang rack nang makita niya ang kaniyang paboritong pagkain na nakalagay roon.
YOU ARE READING
Baby Series #1: Cooler
RomanceSa edad na labing-limang taong gulang ay tuluyan ng naulilang lubos si Czarina Sandoval nang pumanaw ang kaniyang Ina dahil sa isang malubhang karamdaman. Napunta siya sa poder ng kaniyang Tiyahin kung saan siya nakaranas ng pagmamaltrato. Nang tumu...