A/N: Sa mga nakabasa na ng naunang Chapter 79 at biglang nagtaka kung bakit nawala ang POV ni Lance, tinanggal ko po siya. Sana hindi kayo malito. Magkakaroon po ng POV si Lance pero sa isip-isip ko ay hindi pa ito ang tamang panahon. Sana huwag kayong malito sa daloy ng kwento.🥹
____________
CHAPTER 79
CZARINA FRANXES
"Ika'y dakila at higit ka sa lahat~ Ang awit na ito ay alay ko sa 'yo~"
Abala si Czarina sa pag pa-practice ng kanta sa living room ng kanilang bahay. Nalalapit na kasi ang foundation day ng kanilang paaralan at mayroong magaganap na singing contests, at siya ang napiling maging representative ng kanilang section.
Magaling kumanta si Czarina. Bata pa lamang ay nakitaan na ito ng natural na talento sa pag awit. Hindi niya alam kung kanino niya ba namana ang kaniyang talento dahil ang parehas naman niyang magulang ay walang talento sa pag kanta.
Marahil siguro namana niya ito sa kaniyang kanuno-nunoan? O, talagang pinagkalooban lang talaga siya ng Panginoon na magkaroon ng ganitong talento.
"Ang himig at titik ay pag-ibig sa puso ko~"
Tanging ang kasambahay lamang nilang si Luz na nasa edad na 49 ang palaging kasama ni Czarina sa kanilang bahay. Nag ta-trabaho kasi ang Mama niya at mamayang alas-otso pa ito nang gabi uuwi. Habang ang Tatay naman niya? Bata pa lamang ay wala na siyang kinilalang Tatay.
"Ika'y nag-iisa, ikaw lang sa mundo~"
Nang tumapak na sa edad si Czarina kung saan nakakaunawa na siya sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kaniyang paligid ay naintindihan na niya ang mga katanungan niya noon sa sarili na bakit ang mga kaklase niya kapag nagkakaroon ng family program sa school ay may kasama silang Nanay at Tatay ngunit bakit siya ang Mama lamang niya ang kasama niya? Wala na pala kasi siyang Tatay, ang sabi ng Mama niya ay noong dalawang taong gulang pa lamang siya ay iniwanan na sila ng Tatay niya.
"Ang may pusong wagas, gan'yan ang tulad mo-"
Napahinto sa pagkanta si Czarina at bumaba ang kaniyang tingin sa cellphone na nakalapag sa center table. Huminto ang kantang kaniyang sinasabayan at napalitan ito ng "ring". May tumatawag sa kaniya.
Nang mabasa sa home screen ng kaniyang cellphone ang pangalan ng kaniyang Ina ay dali-dali niya itong sinagot.
"Hello, Mama?" Nakangiti at masaya niyang bati sa Ina.
Ngunit ang nakangiti niyang labi ay unti-unting naapula at ang masaya niyang mukha ay napalitan ng pagkagulat at takot na hindi niya maipaliwanag nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang kausap sa kabilang linya.
"Czarina? Ang Mama mo....Patay na ang Mama mo."
Dahil sa labis na pagkabigla ay nahulog ni Czarina ang kaniyang cellphone at malakas na tumama ito sa sahig sanhi upang mabasag ang screen nito at tumilansik ang mga maliliit na bubog sa paligid.
"H-Hindi.... Mamaa!!"
________
"Mamaa!"
Para akong nasa isang malalim na parte ng karagatan at nang malapit ng maubusan ang aking hininga ay bigla na lamang may humatak sa akin pa-angat ng tubig at doon lamang ako sa wakas nakalanghap ng hangin. Ganoon ang pakiramdam ko nang magising ako mula sa malalim na panaginip. Hinahabol ko ang aking paghinga. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ramdam ko rin ang malapot kong pawis na tumutulo sa buo kong katawan.
Napahagulhol ako ng iyak nang maalala ang akong panaginip.
Si Mama.
Napanaginipan ko ang Mama ko.
YOU ARE READING
Baby Series #1: Cooler
RomanceSa edad na labing-limang taong gulang ay tuluyan ng naulilang lubos si Czarina Sandoval nang pumanaw ang kaniyang Ina dahil sa isang malubhang karamdaman. Napunta siya sa poder ng kaniyang Tiyahin kung saan siya nakaranas ng pagmamaltrato. Nang tumu...