Chapter 13

14 2 0
                                    

CHAPTER 13

Kalahating oras lang ang vacant ko ngayong araw, hindi na ako pumunta sa convenience store dahil kalahating oras lang ay nasa byahe pa ako niyan. Kaya naisipan ko nalang pumunta sa rooftop at siyempre, kasama si baby Cooler.

Habang tinatahak ang daan patungong rooftop ay nakarinig ako ng malalakas na kalabog sa isang classroom na hindi na ginagamit.

Nakarinig din ako ng mga halinghing dahil sa sakit, dahil sa kuryusidad at baka may nangangailangan ng tulong ay pinuntahan ko ang pinangagalingan ng ingay.

Pagkarating, sinilip ko ang nakauwang na pintuan, sarado kasi ang bintana.

Nakakita ako ng mga kalalakihan at mga 4th year college na sila–ayon sa suot na I'd lace.

"Ano? Gago ka ha!" Sigaw ng isang at may sinuntok na isang lalaking hindi ko kilala dahil nakatalikod ito sa akin, hawak siya ng dalawang lalaking 4th year.

Anim silang lahat sa loob ng abandonang classroom, limang 4th year college at yung isang lalaking hindi ko kilala kung anong year dahil nga nakatalikod ito.

"Haha! Hina mo naman pre sumuntok! Wala na bang ilalakas 'yan?" Sabi nung lalaking hawak ng dalawang 4th year, yung binubugbog.

"Angas mo talagang gago ka!" Sigaw ng isang 4th year at muling sinuntok ang lalaki na umubo na nang umubo at dumura pa ng dugo.

Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Paano kung mapatay nila iyong lalaki?

'Uwaaa!'

Pakingshet!

Biglang umiyak si baby Cooler kaya yung lalaking maangas at malaki ang pangangatawan na susuntukin na sana yung lalaki kaso nabitin sa ere yung kamao niya dahil kay baby Cooler.

Tumingin sila sa pintuan kung nasaan ako.

"Tignan niyo kung sino iyon!" Sigaw nung maangas.

Ano ang gagawin ko?

'Tumakas kana, gaga!' Sigaw sa akin ng Czarina, matatakutin kong katauhan.

Ayaw humakbang ng paa ko!

'Mapapahamak kayo ni baby Cooler!' Sigaw sa akin ni Franxes, maalalahanin kong katauhan.

'Gamitin mo utak mo!' Si Zaria, matalino kong katauhan.

Bago pa ako makapag-isip ng tama ay bumukas na ang pinto at bumungad doon ang dalawang lalaking 4th year college.

"Sino 'yan?!" Sigaw nung lalaking malaki ang katawan na nasa loob.

"Pre, babae." Sagot ng lalaking maraming earrings, mukhang adik. "May kasama pang bata."

"Pre, magandang babae!" Sabi pa ng matabang lalaki at hinagod ako ng tingin, iyong nakakabastos ba. Sumipol pa siya. "Sexy pa kahit may anak." Tumulos ang tingin niya sa hita ko at muling tumingin sa mukha ko.

"Ikaw? May anak kana ba?" Tanong ko sa mataba. "Mataba ka e, siyam siguro anak mo ano? Baboy ka kasi. B-A-B-O-Y...BABOY!" Sagot ko.

"Abatt! Gago ka ah-"

"Subukan mong lumapat 'yang kamay mo sa kahit hibla lang ng buhok ko. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari sayo!" Matapang na sabi ko habang kinakalaban ang masamang titig niya sa akin.

Ngumisi iyong payat na adik. "Tapang natin miss ah." Sambit niya.

"May maibubuga naman talaga ako! Pasalamat kayo at buhat-buhat ko ang anak ko, kung hindi-"

"Kung hindi ano? Sabihin mo!" Paghahamon ng mataba.

Napatingin ako sa mga 4th year na lumabas doon sa abandonang classroom, bitbit-bitbit nila iyong duguang si....

Chiwawa!

Oo, iyong mukhang aso na gusto pang maging kabayo!

Bugbog sarado ang gago!

"Ano miss?" Napukaw ang pansin ko roon sa mataba nang magsalita muli ito.

"Bakit may pakielemerang babae rito? Sino ba iyan?!" Tanong nung malaki ang katawan na lalaking mukhang boss nila, siya lang kasi 'yong malaki ang katawan at maangas.

Ngumisi ako. "Ako? Tinatanong niyo kung sino ako? Baka magsisi kayo!" Sabi ko, lahat sila ay nakatingin sa akin, pati narin si Chiwawa.

"Sino ka ba miss?"

"Kung gusto niyo pang mabuhay, bitawan niyo muna iyan." Sabi ko at inginuso si Chiwawa.

"Bakit naman namin siya bibitawan?!" Sabi nung payat na adik.

"B-O-B-O  ka! Hindi ikaw ang kausap ko kung hindi yung kasama mong may hawak sa kaniya. T-A-N-G-A... Tanga mo po!" Sarkastiko kong sinabi sa kaniya.

"Abatt! Napipikon na ako sayong babae ka ha! Shota mo ba ito?" Turo niya kay Chiwawa. "Parehas kayong mayabang!" Susugurin sana niya ako nang nilagay ko ang kamay ko sa harap na kinahinto niya.

"Ops, isang hakbang mo pa, patay ka." Matalim ko siyang tinignan. "Hindi niyo talaga ako kilala, mga kaawa-awang nilalang!"

"Kilala niyo ba ang may-ari ng paaralan na ito?" Tanong ko sa kanila, lahat sila ay tahimik, maya-maya ay umiling. "4th year na kayo pero hindi niyo parin kilala yung may-ari?!"

"Bakit? Ikaw ba ang may-ari ng paaralang ito?" Tanong nung mataba.

"Good question. I'll introduce myself first." Sambit ko at ngumiti ng matamis sa kanila. "I am Zaria Sandoval...Lacosta!" Sagot ko at nawala ang matamis kong ngiti at napalitan ng isang mapanganib na ngisi. "Narinig niya ba ang sinabi ko? Malinis pa ba ang tainga niyo? ZARIA SANDOVAL L-A-C-O-S-T-A... LA-COS-TA!"

"I'll will count from one to three, kapag nasa harapan ko pa kayong lahat. Alam niyo naman ang salitang kick out pati ang meaning right? Mga graduating pa naman kayo." Ngumisi ako. "One...Two-"

Natataranta, nagtutulakan, nagmamadali, at natatakot silang nagsitakbuhan pababa ng hagdan. Naiwan nalang kaming tatlo ni baby Cooler at Chiwawa.

Katahimikan ang nangibabaw sa aming tatlo. Maya-maya ay bigla akong humalakhak ng tawa.

"Narinig mo ba iyon baby Cooler? Ang astig ni Mommy Zaria, ano?" Pagkausap ko sa kaniya at muling tumawa. "Haha! Laugh trip iyon! Zaria Sandoval Lacosta raw. Hahaha!"

"Ehem!"

Napahinto ako sa pagtawa at napatingin kay Chiwawa.

"What?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.

"Tawa ka nang tawa, nasisiraan kana ba ng ulo?"

"Well...Baka yung mukha mo yung sira!" Sagot ko "C-H-I-W-A-W-A... ChiWAWA!" Inayos ko ang pagbubuhat ko kay baby Cooler. "Tara na nga baby Cooler, nasayang iyong oras natin dito pero ang astig talaga ng Mommy mo 'no?"

Nilagpasan ko lang si Chiwawa na nakasandal sa hamba ng pintuan.

"Tsk! Self proclaimed."

Rinig kong bulong ni Chiwawa.

Nilingon ko si Chiwawang horse. "W-E-L-C-O-M-E... Welcome!" Sarkasmo kong sabi bago siya iniwan roon at bumaba na ng hagdan para bumalik na sa classroom. "Next time nalang tayo pupunta sa rooftop baby ha? Huwag mo rin gayahin yung bad words na nabanggit ni mommy mo, okay?" Sambit ko at kiniss ang labi pati ang pisngi ni baby Cooler na tinapik ang pisngi ko gamit ang maliit niyang kamay.

Ps. Kung itinatanong niyo kung kilala ko rin ba kung sino ang may-ari ng paaralang ito.

Hindi ko rin alam. Hahaha!

Second year college pa lang naman ako e, marami pang pagkakataon para malaman kung sino ang may-ari ng Lacosta University o L.U.

Baby Series #1: CoolerWhere stories live. Discover now