Ang bilis ng araw. December 24 na kaagad ngayon. Naisipan namin bumili ng mga pagkain para mamayang Noche Buena.
Ngayon lang ako mag ce-celebrate ng pasko kasama ang boyfriend.
Sabi ko sa kaniya ay mag-hiwalay muna kami, para madami kaming mabili. Pero ayaw niyang humiwalay sa akin.
"I told you, I won't let go of you. Baka mawala ka." He seriously said.
"Hindi ako bata para mawala, Rixel. Pumunta ako rito nang mag-isa."
"Iba na ngayon. Pumunta ka rito nang mag-isa. And you'll leave this place with me."
Natapos naman kami bumili ng mga rekado. Bumili ako ng mga pang-bake dahil gusto ko mag-bake mamaya. Bumili ako ng mga ingredients for cake, cupcakes, cookies.
Maliit lang na cake ang balak kong gawin dahil hindi naman namin mauubos kung malakinh cake ang gawin ko.
Bento cake ay ayos na. Mayroon namang mga cupcakes at cookies.
"Rixel, huwag mo masiyadong damihan. Tayong dalawa lang naman ang kakain. Baka mapanis lang. Kaunti lang, madami na naman tayong pagkain. Mabuti sana if may mapag-bibigyan tayo."
"This is for tomorrow, babe." Agad naman akong nag-taka. Kahit pa, dalawa lang naman kami. Baka nga kung ano ang lutuin namin mamaya ay 'yon pa rin ang makain namin bukas.
"Don't worry. We'll give these foods for people here. Kung hanggang saan makakaya." My heart melted. I am really proud having this kind of man.
Sana kung mayroong next life, ay siya pa rin ang makasama ko.
"Oh, okay! Bibili ako ng extra pa for cookies, pero hindi ko iyon tatamisan nang sobra."
Bumili rin ako ng iba't ibang shapes ng cookie cutter.
Para cute tingnan. Madaming bata rito. Sana at matuwa sila. Dahil ako ay natutuwa na!Kapag talaga nagkaroon ako ng anak, dadalhin ko rito. Ipapakita ko sa kaniya kung saan kami nagkakilala ng tatay niya.
Pero sana, kapag dumating ang araw na 'yon. I hope that Cursed Island is still alive. Sana ay hindi maguho ang Isla na ito.
Umiling na lang ako sa sarili kong naiisip. Balita ko ay matagal na ang islang ito, kaya malabo naman siguro itong maguho na lang bigla-bigla.
Natapos na rin kami bumili ng mga kailangan namin. Nag-pahinga muna kami. Sa room ni Rixel ako natulog. Magkatabi kami. Doon kasi namin nilagay sa room ko ang mga kailangan namin para mamaya.
Natulog muna ako, hindi ko lang alam kung ano ang ginawa niya habang tulog ako. Siguro ay natulog na lang rin.
Nagising ako kaagad, kainis, hindi ako ginising ni Rixel. Natagpuan ko na lang siya na sinisimulan na gawin ang mga kailangang gawin.
"Bakit hindi mo ako ginising?" Bungad ko na tanong sa kaniya.
"You should have more sleep. I let you sleep, masarap ang tulog mo. You are tired. Go sleep. I can manage these. Magpahinga ka muna."
"I have things to do rin. I'll go to my room muna." Pagpapaalam ko sa kaniya.
Nilock ko ang pinto dahil hindi muna siya pwedeng pumasok hangga't hindi ko pa nababalot ang gifts ko sa kaniya!
Dahil wala na rin akong time mag-balot, dahil mamaya ay magkasama rin kami rito dahil dito magluluto.
Nilagay ko na lang iyon sa malaking box, kaso, tatlong box. Buti na lang ay nagkaayos ako. Inilagay ko iyon sa ilalim ng kama.
Napansin kong isa na lang pala ang natitirang papel sa jar na ginawa ko noon. Bumunot din kasi kami riyan ni Rixel. Siguro ay after Christmas ko na lang siya bubuksan.
Binuksan ko ang lock ng pinto at naligo na. Naka-handa na naman ang mga gagamitin ko para sa pag ba-bake. Tutulungan ko muna siya sa labas mag-ihaw.
"You smells so good, love."
YOU ARE READING
CIS#1:Terminating the Wave of December (COMPLETED)
Romance{C O M P L E T E D} CURSED ISLAND SERIES #1 ≈ Terminating The Wave of December Do you fell inlove with the waves? Especially when it's cold? That happened to Advariella Kaisea, she fell inlove with the waves. She didn't expect that there's someo...