Ilang oras pa lang simula nang maka-alis siya, feeling ko ang tagal na.
Binuksan ko ang cellphone ko para sana i-text siya kung nasaan na siya. Mutuals na kami sa lahat ng social media.
Kaso, parang sumpa, wala nang signal. As in wala talaga. Paano na namin ma u-update ang isa't isa?
Hihintayin ko na lang na lumipas ang mga araw. Mabilis na naman. Parang back to start ang nangyari.
Noong panahon na wala pa siya, panahon na hindi ko pa siya kilala. Panahon na kaya ko pang mag-isa rito.
Lahat ng place rito ay mayroong ala-ala naming dalawa.
Ang bilis naman, 'yon na 'yun?
Kulang pa ang pagsasama naming dalawa. Kahit naman siguro umuwi ako sa Manila, parang ang labo pa rin namin mag-kita.
Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Kumain na kaya siya? Nasaan na kaya siya?
Tiningnan ko ang painting naming dalawa. Ipapa-frame ko ang lahat ng ito. Pati mga pictures namin pag-uwi ko sa Manila.
I will always keep these pictures of our memories. I can't wait to see him again.
Thank you, God, for making this happen.
For us being together at this wonderful place. We both enjoyed it. For making things happen. And for bringing a man like him to me. I will always be forever thankful.
For once, nag-jet ski ako. Para libangin ang sarili ko. Ilang oras pa lang siya nawawala pero pakiramdam ko, ilang taon na.
"Congratulations." I said.
"No."
"Hindi lang ako ang talo rito. Talo tayo both." I smiled at him.
"Who says?"
"That's the consequences, remember?"
"The winner will do whatever that one wants, hindi ba?" He smirked.
"Oo, why?"
"I'll use the card now. Ikaw na ang panalo. Ako ang talo." He seriously said.
"What? Oh, so I won't kiss and hug you, then. Alright, I win."
"Yes. You win. You won't kiss and hug me. Pero hindi mo naman sinabi na I can't hug and kiss you, right?" He smirked.
Oo nga, 'no? "Eh bakit hindi na lang ako ang ipina-panalo mo, kung gano'n?"
Natawa na lang ako habang inaalala na nag-racing kami noon. Narito pa rin ang flag, where are you?
Maayos naman kami, hindi kami nag-break. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Nasanay lang ako siguro na palagi ko siyang nasa tabi. 'Yong tipong kung saan ako pumunta, nandoon din siya. Nasanay ako na palagi ko siyang nakikita.
Kailangan ko kaninang hindi umiyak, dahil baka magkaroon pa siya ng rason para manatili. Tinutulak ko talaga siya na umuwi na, para makasama niya ang parents niya.
It's okay na masaktan ako, kaysa naman piliin niyang manatali rito hindi ba?
I'm his girlfriend, and I should not be the one to put bricks between them.
The truth is I can go with him. P'wede na akong umuwi.
But I can't. Hindi ko pa kayang humarap muli sa mundong gumulo sa'kin.
I should be the one who will make way para maging ka-close niya ulit ang magulang niya na matagal na niyang gusto mangyari. Kahit masaktan ako, oh ano naman? Magkikita pa rin naman kami.
Dapat lang na alam ko bilang girlfriend ang place ko.
But I really miss him. Hindi naman maiiwasan. Wala pang isang araw, pero feel ko, pang-habang buhay ko na siya hindi makikita.
YOU ARE READING
CIS#1:Terminating the Wave of December (COMPLETED)
Romance{C O M P L E T E D} CURSED ISLAND SERIES #1 ≈ Terminating The Wave of December Do you fell inlove with the waves? Especially when it's cold? That happened to Advariella Kaisea, she fell inlove with the waves. She didn't expect that there's someo...