"How's your life lately?" Matt asked me saka naman tumabi sa aking tabi.
We are here in the garden at kakatapos lang ng midterm examinations sa isang subject. Another subject ang aming sasagutan na naman mamaya.
"Stressed and depressed," I simply told him.
"Still can't get over about what happened last week?"
"Argh, stop reminding me about it," I said. I hate it. I really do.
Hindi pa nga ako maka-get over doon tapos ipaalala niya na naman sa akin.
Tumawa naman ito sa akin. "You don't need to remember it every day. It is part in our lives to failed in our missions sometimes. And you know what, try to accept it. That it is not their fate to live a long life, Matt said.
"I am trying to accept it."
Sobrang bigat nang aking pakiramdam tuwing tungkol sa kanila ang aming pag-uusapan.
"Glad to hear about that."
***
THIRD PERSON's POV
Lahat ay abala sa paghahanda sa susunod na linggo. Ang matagal na nilang pinakahihintay ay sa wakas dumating na rin. Ang gabi ng pagtatagpo ng buwan at araw.
"Ginoo, nakita namin ang anak nito ngunit hindi namin ito kinuha gaya nang iyong sinabi sa amin," Miya said to her leader, Armin.
"Mabuti naman kung ganoon," Malamig na saad nito.
"Ano ho ang magiging sunod mong plano, Ginoo?" Tanong ni Miya sa kaniyang leader na si Armin.
Matanda na ang pagmumukha nito ngunit mahahalata mo sa kaniyang kilos ang pagkabrusko nito. Hindi mo rin makikita sa kaniya ang pagiging isang mahinang nilalang.
"Natapos mo na bang pakainin ang mahigit isang daan mong kasamahan?" Pagtutukoy nito sa mga kaluluwa nang kababaihan na nahuli nina Miya at sa kaniyang kasamahan na si Ivy.
Kumunot kaagad ang noo ni Miya nang namalayan nito ang pag-iiba nang kaniyang usapan tungkol sa kanilangmagiging hakbang. "Opo ginoo, nasisigurado ko ho sa inyo na busog na busog sila sa darating ng pagtatagpo ng buwan at araw."
Tumango ang kanilang Ginoo na si Armin. "Mabuti naman kung ganoon. Maaari ka nang umalis kung gugustuhin mo dahil marami pa akong dapat na aasikasuhin lalo na't paparating na ang paglalaho ng araw." Saka ito tuluyang umalis.
Nanatiling nakatayo si Miya sa terasa ng kanilang kastilyo. Sobra niyang naramdaman ang malamig at magaan sa pakiramdam na hangin. Sobrang payapa ng kanilang mundo tuwing gabi ngunit kapag pagsapit na nang umaga ay saka pa lalong gugulo ang lahat.
Nakakapaghinayang lang dahil unti unti nang lumiliit ang kanilang mundo dahil sa enerhiya na kinukuha ng anak ng kanilang traydor noon. Akala nila ay maayos na ang lahat ngunit nang pagsapit nito ng labing walong taon ay nagkagulo ang kanilang bayan dahil sa paghina nang kanilang kapangyarihan.
Kaya naman sa darating na pagtatagpo ng araw at buwan ay kailangan nilang ialay ang kaluluwa ng batang iyon para tuluyang bumalik ang kanilang kapangyarihan.
***
"Paniguradong hindi ako perfect sa bwesit na exam na iyon," Rinig kong saad ng isa sa kaklase ko.
"Ako rin pero bahala na iyon basta may grades at hindi uma-absent ayos na ako," Ani nang isa pa.
Sana ganoon lang din ang aking buhay. Payapa at walang kapressure pressure mula sa isang magulang na alam kong wala na itong maibibigay na pagmamahal sa akin.
BINABASA MO ANG
Her Curse (UNDER REVISION)
Gizem / GerilimAira Holdsworth was a student who wanted to be always on the top. On the other hand, there was a transferee who intercepted her way and replaced her being on top. One day, there was an accident at school, and she tried to solve this mystery. Unfort...