"Hindi ako pumapayag!"
Galit ako sa walang dahilan. "Ayaw konh isakripisyo ang aking sarili dahil lang sa mundo niyo kung saan hindi naman ako nakatira. Ayaw kong magpakabayani dahil lang sa mundo niyo! Hindi ako ganoong tao!"
Mahal ko pa ang buhay ko.
Sa ilang sandali ay nakaramdam ako ng malamig na hangin. Sobrang tahimik ng buong paligid, may mali dito. Ngunit ano naman iyon? 'Di ko makita ang mali. O siguro ay may mali sa aking sinabi, pero nagpapakatotoo lang ako.
"Hindi ka ba naaawa sa amin? Nang dahil sa iyo ay kaya kami nakakaranas ng ganito!" Nag-iba ang kaniyang boses dahil sa galit at inis nito.
Kumunot ang aking noo. "Hindi ko naman obligasyon na isakripisyo ang sarili ko sa inyo!"
Dahil sa aking sagot ay mas lalo pang umapaw ang kaniyang galit sa akin. "Kahangalan!" At saka ko naramdamana ang malakas na sampal na siyang nagdulot ng paghapdi mula rito. "Kagaya ka lang talaga sa iyong ina! Napakasarili niyo!"
Hindi agad ako makasagot sa sigaw nito sa akin. Kagaya sa aking ina? Kilala niya ba ang aking ina? Sino?
"Kunin niyo siya!"
Sa hindi malaman na dahilan ay may biglaang nagsilabasan na mga tao na hindi ko kilala sa kung saan saan. Bigla lamang silang sumulpot at saka ikinaharap ako.
Kinuha nung isa ang aking braso at yung isa naman sa kabilanh braso ko. Anong gagawin nila sa akin?
Saka naman nila ako inihatak at dalhin sa kung saan.
"Bitiwan niyo ako!" Hindi ko mapigilang sigaw sa kanila.
Nangangati ako sa galit dahil sa marahasang paghila nila sa akin.
"Huwag ka nang umangal babae ka! Kung sana ay pumayag ka na lamang sa aking sinabi hindi ka na hahantong sa ganito!"
So kasalanan ko pa?
Tanga ba siya? O nagtatangatangahan lang?
"Dalhin niyo siya sa templo! Paparating na ang buwan at araw kailangan na natin siyang ihanda!"
"Oha! Oha! Oha!" Magkasabay nilang lahat na sigaw kay Ginoong Armin.
Pagkatapos nun ay kaagad na muli nila akong kinuha at ikinaladkad papunta sa sinasabi nilang templo.
"Bitiwan niyo ako!" Pagpupumilit ko sa kanila. I tried my best to get out in their hands but they have so much strenght that I can't do anything about it.
Sa bandang huli ay wala na akong magawa kung hindi ay hayaan na lamang sila sa kanilang ginagawa sa akin.
Ano ba ang gagawin nila sa akin sa templo?
Pagkatapos nang limang minutong paghahatak at pagpapapumilit sa akin na maglakad ay sa wakas narating na namin ang isang maliit na templo. Maliit lang ito at may isang mesa sa gitna.
"Hoy! Teka teka!" Natataranta kong saad nang dahan dahan nila akong ikinuha at saka inilagay doon sa mesa.
"Teka ano ang gagawin niyo sa akin dito?" Tanong ko sa kanila ngunit hindi sila nakinig sa akin at nagpatuloy lang sa pagtatali sa aking magkabilang kamay at magkabilang paa.
Nakakulong na muli ako ngayon ngunit this time ay na sa ibang lugar at pamaraan ng pagkakulong.
Are they going to eat me?
Ow gosh that's harsh for me. Huwag sana nilang sabihin na pangit ang aking lasa kung ayaw nilang makaranas ng pagmumulto ko sa kanila.
In just one blow of a strong wind hit on me ay bigla na lamang may mga ala ala akong nakita sa aking isipan. This time it is not blurred. It is so clear as a water. Para lang itong nag-flashback sa aking isipan kaya naman ay bigla akong napakunot sa aking noo.
BINABASA MO ANG
Her Curse (UNDER REVISION)
Mystery / ThrillerAira Holdsworth was a student who wanted to be always on the top. On the other hand, there was a transferee who intercepted her way and replaced her being on top. One day, there was an accident at school, and she tried to solve this mystery. Unfort...