Nagising ako sa sobrang liwanag na tumama sa aking mukha. Sobra akong naiinis dahil nararamdaman ko ang kulang sa aking pagtulog.Sinabi ko naman sa mga naglilinis dito sa aking kwarto na huwag na huwag nilang bubuksan ang aking kurtina kung alam nilang tulog pa ako. Isa iyon sa kinaiinisan ko lalo na't kulang ang aking tulog.
Iminulat ko ang aking mata at bumahid sa aking mukha ang pagtataka. Anong ginagawa ko rito?
"Na saan ako?" Wala sa sariling tanong ko sa sarili.
Tanging puti na pader ang nakikita ko. Lahat puti at tanging kama at isang maliit na mesa ang aking nakikita.
"Aira?"
Napalingon ako sa aking tabi at nakita ko doon ang pagmumukha nang isang lalaki na may edad na.
"Sino ka?" Tanong ko sa kaniya.
Sino siya? Di ko siya kilala. Ang pagmumukha niya ay hindi pamilyar sa akin.
"Hindi mo ako kilala?" Tanong nito sa akin. Sobra itong gulat na gulat at naguguluhan sa kaniyang mukha.
Umiling ako sa kaniya. Bakit pa siya nagtatanong kung hindi ko nga siya kilala.
"Ako to," He said like he was pleading. "iyong ama, si Arthur Holdsworth."
Kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi.
"May ama ako?" I asked him.
Katangahan. Anong klaseng tanong iyon? Kung wala akong ama hindi ako mabubuhay.
Tumatango tango naman siya sa akin. Kitang kita ko na ang pagtulo nang kaniyang luha sa kaniyang mata. Bakit siya umiiyak?
"Bakit ho kayo umiiyak?" I asked. him.
Kita ko ang gulat na nasa kaniyang mukha. "Umiba ang iyong ugali," Bulong nito ngunit rinig na rinig ko pa rin naman ito. "Stay right here, I'll call the doctor first about your situation."
At saka naman ito tuluyang umalis sa aking harapan. Ama ko iyon? Bakit sobrang gwapo naman?
Muli kong ibinalik ang aking paningin sa labas ng bintana. Umaga na pero bakit gusto kong matulog ulit?
Hays. Tinatamad ako. Hindi ko kilala ang sarili ko. Hindi ko rin alam kung ano ang aking pangalan pati na rin ang aking pagmumukha. Bakit bigla akong bumalik sa pagkabata na walang ala ala?
Sino ba talaga ako?
"Yes doc," And the door went open at iniluwa doon ang isang lalaki na nakasuot ng kulay puti na tela at mask sa kaniyang mukha. Parang pamilyar ang kaniyang kasuotan ngunit di ko alam kung ano ang tawag 'dun.
"She might have a temporary amnesia," That guy in white coat said bago ako tiningnan. "hello Aira. My name is Doctor Michael and I am here to examine you. Can you remembered your name?"
Umiling ako. Bakit feeling ko alam ko ang pangalan ko ngunit di ko lang ito matandaan?
"How about your friends?"
Pinilit ko ang sarili kong tandaan ang mga naging kaibigan ko. "M-matt," Nauutal kong saad. "siya ang aking kaibigan."
"Si Matt lang ba?"
"A-angel, Joseph and Louis saka si Deathnote." Sa pagkakatanda ko ay tanging sila lang ang naging kaibigan ko.
Tumatango tango naman ang doktor sa akin habang may isinusulat sa kaniyang papel. "How about your dad?"
Napalingon kaagad ako doon sa isang lalaki na nakasuot ng isang business attire. Yung lalaki na bumungad sa akin pagkagising ko. Sabi niya siya ang aking ama ngunit wala akong matandaan na meron ako nun.
BINABASA MO ANG
Her Curse (UNDER REVISION)
Mystery / ThrillerAira Holdsworth was a student who wanted to be always on the top. On the other hand, there was a transferee who intercepted her way and replaced her being on top. One day, there was an accident at school, and she tried to solve this mystery. Unfort...