The day of my birthday came.
Sobrang busy ng paghahanda namin dito sa mansyon. Wala pa si dad kaya okay lang sa akin ang walang gawin at magmukmok sa loob ng kwarto.
Dito lamang ang venue sa loob ng bahay kasi naman yun yung gusto ni dad. Minsan napapaisip ako kung may kinuha ba silang opinyon mula sa akin? Like the dresses? Foods? Designs? Kasi sa pagkakaalam ko wala eh. Hindi man lang nila ako tinanong kung anong gusto kong tema sa magiging debut.
If mom was still here I bet this birthday will become more lively. Mas maganda at mas masaya siguro.
Laila is also busy preparing for the dresses of our maids kasi mayroon din silang mga damit na ibinigay ni Laila sa kanila for this event.
Napalingon ako sa aking pintuan nang marinig ang tatlong magkakasunod na katok. "Aira?" I heard Ginoong Sebastian called me.
"Yes?" I replied.
"Let's get lunch." He said.
Tumingin ako sa aking orasan. 12:28 o'clock hindi ko alam na lunch na pala, ang bilis naman ng oras.
"Deathnote let's go." I ordered Deathnote na kanina pang nakatayo sa gilid ng pintuan.
"Hindi niyo ho ba ako ibabalik sa notebook master?" These past few days ay parati kong ipapasok si Deathnote sa loob ng dati nitong notebook tuwing lumalabas ako aa kwarto but I think it is time to let him go lalo na't may plano ang mga hoodlums sa gabi ng debut ko.
"No," I replied. "simula ngayon ay hindi na kita ipapasok sa loob ng notebook na iyon. It's time to do your job and that is to execute those hoodlums."
He bowed at me before he said anything. "Yes master." Simpleng tugon lang ito pero ramdam ko ang saya na nararamdam nito.
Pagkalabas na pagkalabas namin sa kwarto ay agad na bumungad sa akin ang mala-paraiso na hiwaga ng dekorasyon ng buong bahay.
"They are here," Deathnote said kaya naman ay napakunot ang aking noo na lumingon sa kaniya.
"Who?"
"Hoodlums."
Hindi ko maiwasang kabahan at makaramdam ng takot nang malaman na nandito na sila.
Mamaya pang gabi ang selebrasyon ngunit sobra na akong kinakabahan.
Mamaya ring gabi pa dadating sina Louis, Angel, Joseph and Matt kaya kung may mangyayari mang kaguluhan ngayon ay hindi ko talaga alam kung ano ang aking gagawin.
"Everything will be fine master as long as I am here, you are safe." Ramdam ko ang paghagod sa aking likuran ni Deathnote nang maramdaman niya siguro na kinakabahan ako.
Mabilis ang aking paghinga at mahahalata mong balisa.
"Thank you." I genuinely said.
***
Kalusukuyan akong nilalagyan ng make up sa aking mukha ng isang hired make-up artist.
Sinabi ko kay Ginang Celia kanina na huwag na akong lagyan ng make up dahil liptint at pulbo ay okay na sa akin.
"Hindi dahil matagal ka nang maganda Aira ay hindi mo na kailangang lagyan pa ng make-up. Debut mo ito eh at kailangang maayos ang pagmumukha mo dahil iyon ang iniuto sa akin ng daddy mo." Hindi na ako nagreklamo pa sa kaniyang sinabi nang banggitin nito ang salitang pinaka-ayaw ko, ang 'daddy'.
"Ang ganda natin ngayon ah!" I saw Ate Gemma in my side looking at my face.
"Salamat Ate." I genuinely said.
BINABASA MO ANG
Her Curse (UNDER REVISION)
Mystery / ThrillerAira Holdsworth was a student who wanted to be always on the top. On the other hand, there was a transferee who intercepted her way and replaced her being on top. One day, there was an accident at school, and she tried to solve this mystery. Unfort...