Chapter 36

20 4 0
                                    

"What are you planning to do?" Timmy asked me.

Nandito kami ngayon sa cafeteri nitong langit. Oh 'di diba kaloka may sariling cafeteria itong langit. Hahahaha pati ako nagulat din nung unang punta ko rito. Their cafeteria looks the same sa oridinaryong cafeteria na nakikita natin sa mga mortal.

"I've heard that hoodlums attacked the mortal world without using the tempus sicco."

Habang iniisip ko iyon ay hindi mapigilang umakyat ang lahat ng dugo sa aking ulo.

"Kung ganoon ay ano ang iniisip mo?"

Ano nga ba?

"Iniisip ko na puntahan ang mundo ng mga hoodlums," I calmly said.

Nagulat naman ito. "Nahihibang ka na ba? Kaya ka nga nandirito ay dahil sa kanila!"

"Correction dahil sa akin kaya ako nandito. I volunteered to sacrifice myself for them kaya narito ako ngayon."

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "Kung ganoon naman pala ay bakit ka pa babalik doon? Para pasalamatan mo sila dahil naging ganap ka na anghel?"

He has a point. "Omg! Pwede na pwede kong gawin ang iyong sinabi sa akin ngayon ngayon lang!" Agad namang nagningning ang aking dalawang mata.

Napasapo ito sa kaniyang noo at napainom sa kaniyang frapuccino. "Ewan ko sa'yo gawin mo ang gusto mong gawin huwag na huwag mo lang papahamakin ang sarili mo."

For unknown reason my heart felt warm.

"Hindi mo ba ako sasamahan?" Habang umiinom ng caramel macchiato. Ang sosyal ano? 'Yung cafeteria nila rito parang starbucks lang. Masasarap nga mahal naman, Mabuti na lang dahil nandito si Timmy para librehan ako.

"Why would I? Marami pa akong aasikasuhin na trabaho," He said. Until now hindi ko pa rin alam kung ano ang kaniyang trinatrabaho as far as I know he is the one who's holding the book of fate for the mortals.

"Tsk, tutulungan na lang kita sa gawain mo para masamahan mo ako papunta roon sa mundo ng hoodlums."

Ngunit inilapag niya ang kaniyang iniinom. Umiling iling ito sa akin. "Huwag ayos na ako."

"Ayaw mo ba talaga ako samahan?"

"Hindi ba halata?"

Inis ko siyang dinapunan ng tingin. Anghel nga sobrang sama naman ng kaniyang ugali. In the other side mayroon naman silang pagkapareho na ugali sa kaniyang kakambal, ang kasamahan ng ugali.

"Oh?! Kambal!" Sigaw nito habang kumakaway sa aking likuran.

Dahil sa ganiyang ginawa ay wala ako sa sariling lumingon din. And I saw Kimmy's figure as usual ay naka-fierce ito habang suot suot ang itim na pulo na sobra naming bagay sa kaniya.

Wait- did I say bagay sa kaniya? Para ko na ring sinabi na gwapo siya in other words. Erase erase erase.

Hindi ko namalayan sa sobrang pagtitig ko kay Kimmy ay nandito na siya sa aking harapan.

"Did you see porse in my face?"

"Huh?"

"Because you are looking at me for so long."

Narinig ko ang pagtawa sa aking harapan, paniguradong si Timmy ang may gawa 'nun.

"Ang kapal naman ng mukha mo," Hirit ko kay Kimmy.

Ngunit hindi niya ako pinansin at tumabi ng upo sa gilid ng kaniyang kambal.

"HAHAHAHA hindi mo naman sinabi sa akin Aira na may pagtingin ka pala sa kakambal ko!" He said so loud.

Her Curse (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon