Hi! I am Anna Klare Rama. I am currently studying Bachelor of Arts in Nursing sa isa sa mga sikat na Nursing Schools. Kakagaling ko lang sa isang break up. Three years na kami ng ex ko ngunit di ko na rin nakayanan ang panggagago niya at ang pagiging toxic ng relationship namin kaya napagdesisyonan kong makipaghiwalay. Aaminin ko kahit ako iyong nakipaghiwalay masakit din sa side ko. Para bang may kulang. Ang tagal na kasi namin eh pero aanhin mo ang tagal ng pagsasama kung ikaw naman ang nahihirapan at nasasaktan.
Nang mga unang buwan simula nang maging single ako sobrang lungkot. Binabad ko ang sarili ko sa pag-aaral, paglalaro ng online games at pakikipag-usap saking pamilya at mga kaibigan. May mga pagkakataon na gusto kong bumalik pero pilit kong itinatak sa aking sarili kung ano ang deserve ko. Pinilit kong magpakatatag. Itinatak ko sa aking isipan na healing is not linear. Sinubukan ko rin ang mag exercise araw-araw. Nanunuod din ako muli ng kdrama kapag may free time ako para lang maiwasan ko ang malungkot. May mga gabing inaalala ko ang nakaraan at umiiyak ako. Gaya nga ng sabi ng iba hindi madali ang maka move on. Pero dahil ako mismo sa aking sarili ay pursigidong makausad galing sa nakaraan at nakaalalay din sa akin ang aking mga kaibigan ay nakayanan ko.
------
Anim na buwan na simula ng maghiwalay kami ng ex ko. At good news naka move on nako. Nanumbalik na iyong totoo kong saya at kontento na ako sa buhay ko. Malaya na akong gawin ang mga gusto ko sa buhay. Mas natutunan kong mahalin at pahalagahan ang sarili ko. Patuloy pa rin ako sa pag-eexercise at pagiging pokus sa pag-aaral. Kapag may free time naman binibigyan ko ang aking sarili na magpahinga at mag-enjoy. Nanunuod ako ng vlogs o kdrama, nagbabasa ng libro, namamasyal kasama ang pamilya o kaya ay nakikipagtalakan sa aking mga kaibigan.
Unang araw ko ngayon bilang isang third year nursing student. Sadly, online class pa rin kami dahil sa COVID-19 pandemic. Noong isang gabi nagchecheck ako ng mga groupchat sa school at may napansin ako. Iyong isa kong fellow nursing student ay kamukha ng classmate ko sa senior high school. Kapag napapadpad ako sa mga members ng gc palagi niyang nakukuha ang attention ko, nacurios na talaga ako ng sobra kaya tiningnan ko account n'ya at infairness pogi siya. Para siyang may lahing banyaga. Ngayong araw na ito ang general meeting namin kaya present ang lahat ng nursing students mula first year hanggang fourth year. Sigurado ako nandito rin siya dahil siya ang namumuno sa aming department. Habang nagsasalita siya sa gmeet para sa kanyang welcome speech ay tiningnan ko siyang mabuti. Matangos ang kanyang ilong, mapupungay ang kanyang mata, medyo kulot ang kanyang buhok, sobrang formal din ng kanyang datingan at may magandang accent.
BINABASA MO ANG
The One
Short StoryThis is a story of a girl who came from a toxic relationship. He will meet someone who has the same course and political stance as her. She had a huge crush on this guy even before meeting him. They became friends and started hanging out together. U...