Chapter 7

2 0 0
                                    

Sobrang busy talaga ni Jon the whole week. Syempre isa kasi siya sa mga student leaders kaya ang daming responsibilidad. Nabusy na rin ako dahil ang dami naming sinalihang events magkakaibigan.

Paminsan-minsan ay nagkakasalubong kami ni Jon. Niyaya niya rin akong mag-ikot sa mga stalls at kumain.

"Mahilig ka rin pala sa kape." Puna niya habang umiinom ako ng ice salted caramel macchiato ng hapong iyon.
"Coffee is life." Sabi ko sa kanya sabay angat ng coffee ko na para bang nakikipagcheers ako sa kanya.

"Ano pala ang flavor na gusto mo?" Wow nasa getting-to-know each other stage naba kami nito. "I like latte pero lately gustong-gusto ko ang itong salted caramel. Ikaw ba?"

"I like french vanilla." Sagot n'ya habang iniinom ang kanyang ice macchiato. Kaya pala french vanilla amg inorder niya kanina, but sadly hindi available so he opted for ice macchiato.

Tuloy-tuloy lang ang kwentohan namin sa hapong iyon hanggang sa tuluyan na siyang tinawag dahil may gagawin pa sila. 

Nang gabi rin na iyon ay may music festival sa school. Sumabay siya sa amin ng mga kaibigan ko.

Trying hard to control my heart
I walk over to where you are🎶

Kanta yan ng singer na nasa stage. Napatingin naman ako sa kanya. Parang mas lalo kong nagustohan ang kanta ngayon na malapit kami sa isa't-isa. Gaya nga ng lyrics sinusubokan ko talagang pakalmahin ang naghuhuramentado kong puso.

Eye to eye, we need no words at all
Slowly now we begin to move
Every breath I'm deeper into you🎶

Bigla siyang napatingin sa akin at ngumiti ng sobrang tamis. Kaya nagkatitigan kami. Napangiti na rin ako. Ewan ko ba pero bakit parang sobrang perfect ng lyrics ng kanta.

Natapos ang gabing iyon na sobrang saya ng puso ko. Tila ayaw ko ng matapos ang gabi.

Pagdating ng sabado't ligo sobrang bored ko sa bahay. Parang mas gusto ko pa ngang punasok para lang makita siya. Hays iba talaga ang nagagawa ng crush. Nakakainspire.

Pagdating ng lunes ay duty na naman namin. Nabuhayan na sana ako ng loob nang maalala ko na di pala kami same ng hospital na pagdudutyhan ngayon. Two hospitals kasi ang pagdudutyhan namin. Sadly, nandoon sila sa isa.

Feeling ko sobrang bagal ng oras kahit na sobrang busy namin sa hospital at requirements namin. Hindi kami masyadong nagkikita na sa linggong iyon. Hanggang sa dumating ang araw ng Byernes.

Papauwi na sana ako ng biglang may tumawag sa akin. "Hey Klare!"

Paglingin ko ay nakita ko si Jon. "Uy Jon ikaw pala yan."

"Uuwi ka na ba?" tanong niya. Tumango naman ako "Oo, wala naman na kasi akong gagawin dito."

"Can we hang out for a little bit. Diyan lang sana sa bagong open na coffee shop." Aya niya sa akin. Ang cute naman nito parang nahihiya pa siya.

"Oo naman.  Gusto ko rin pumunta diyan eh." Napangiti naman siya sa sagot ko.

Friday ngayon kaya deserve kong itreat ang self ko after a very tiring week. At syempre may bonus pa dahil ang crush mo pa ang nagyaya.

Pagkarating namin sa coffee shop nag-order na kami. Sa kanya ay french vanilla at chocolate toffee biscuits. Sa akin namay ay salted caramel macchiato at  lemon meringue tart.

"Kumusta ang duty?" Umpisa niya sa usapan namin. "Patagal ng patagal wala na akong nararamdamang kaba puro pagod nalang." Natawa naman siya sa sagot ko at sinabing same kami.

"Alam mo mas naappreciate ko ang life ko at mas na inspire talaga akong alagaan ang health ko every time nagduduty tayo."
"Ako rin. Ang ganda lang masubaybayan ang mga batang pinanganak dito sa mundo. Diba parang ang swerte natin at isa tayo sa nabuhay dito sa mundo." Napangiti naman siya sa sinabi ko at tumango. 

"At the same time nakakalungkot tingnan iyong mga lumalaban sa kanilang sakit. Lalo na ang mga namatay." Dagdag ko

"Mapapasabi ka nalang talaga na kakain kana ng masustansyang pagkain at matutulog sa saktong oras." Pareho talaga kami minsan ng iniisip nito.

Totoo naman din talaga. Kapag nasa hospital ka at natutunghayan mo ang bawat taong lumalaban para sa kanilang buhay mas matuto ka talagang pahalagaan at alagaan ang kalusugan mo.

"Sobrang fulfilling din no na makatulong sa kanila." Makikita mo talaga sa mukha niya kung gaano siya kasaya sa gingawa niya habang sinasabi niya iyon.

"Oo nga eh, iba talaga sa pakiramdam. Iyong kahit sa pinakamaliit na bagay na ginawa mo hanggang sa pinakamalaki naappreciate ka nila. Tapos kahit simpleng thank you lang or smile nila parang ang gaan sa pakiramdam." Sabi ko naman habang iniimagine ang mga mukha ng patients at kahit ng watchers na parang nabibigyan ng hope kahit sa mga simpleng gingawa ko.

"I guess it's safe to say na sobrang saya mo sa course natin na ito kahit nakakapagod. Kitang-kita talaga sa mukha mo." Sabi niya sa akin sa tono na para bang sobrang proud siya sa akin.

"I can say the same to you." Sagot ko.

Nagpatuloy pa kami sa kwentuhan tungkol sa nursing life namin. Hanggang sa umabot pa kami about sa politics and issues sa Philippines. Kung saan-saan lang talaga umabot ang pag-uusap namin.

Gaya ng mga nakaraan parang ayaw ko ng matapos ang oras. Sobrang nag-eenjoy talaga akong kasama siya. Nakakainspire ang mga sinasabi niya.

Idagdag mo pa na sobrang gwapo niya tingna sa white uniform. Sobrang bango rin niya kahit hapon na at galing sa duty.

---------
Hi! Yeah I know I was MIA na naman the past months. Sobrang busy talaga sa school. Minsan naman kahit gustong-gusto kong sumalat ay wala akong maisip na magandang ideya. Hindi ko rin alam kong may nagbabasa rin nito, but hopefully meron. Again feel free to vote, comment, and share to your friends.

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon