Chapter 1

12 1 0
                                    

Nagsimula na nga ang klase namin. Sobrang inspired akong pumasok araw-araw kahit hindi naman kami magkaklase. Parang kailan lang sobrang lugmok ako. Ganito talaga siguro kapag nakamove on kana at mas natutunan mong mahalin, alagaan at pahalagahan ang sarili mo. Siguro rin dahil sa bago kong crush. Oo na crush ko na siya. Happy crush lang naman hihi

Iwan ko ba bakit ganito. Napansin ko lang naman siya dahil palagi kong nababasa pangalan niya sa gc o di kaya facebook page ng school na pinapasukan namin. Hanggang sa naisipan ko siyang istalk at doon napansin kong medyo hawig sila ng classmate ko noon sa senior high school. Doon na nga nagsimula na parang hindi ko na siya nakalimutan at bigla ko nalang siyang naiisip. Noong una akala ko dahil lang sa hawig sila ng kaklase ko pero may iba eh. Talagang may something sa taong ito na maaattract ka sa kanya.

"Ate I have a crush." kwento ko sa pinsan ko. "Ha sino? sagot n'ya. "Jon Emery, nursing student din." masaya kong kwento sa kanya. Tumawa lang siya ng malakas "Kaibigan ko 'yan eh. Magkaklase kami noong junior high school. " What a small world for us. Akalain mo magkakilala pala sila ng pinsan ko. Pero teka diba mas advantageous yon hmmm.

"Ano kaya kung mag friend request ako sa kanya?" bigla kong naisipan at dahil supportive ang pinsan ko iyon nga ang ginawa ko. "Alam mo ba sikat yan sa tiktok" kwento ni ate sa akin. "Talaga ba sige nga stalk natin" at ayon na nga nakita namin na marami siyang followers, likers at may mga nagcocomment din. Iyong iba naman nagpapansin.

Pagkatapos ng kwentuhan namin ng pinsan ko napagdesisyonan kong mag-aral na muna at gumawa ng mga activities.

Sobrang ganado akong magbasa at sumagot sa quizzes na binigay sa amin sa Medical-Surgical Nursing. Magaling din kasi magdiscuss iyong clinical instructor namin sa subject na ito kaya mas madali kong maintindihan kahit minsan nahihirapan. Maliban dyan excited na  rin talaga akong maging friends kami sa facebook. Magtitiyaga na muna ako sa facebook  sa susunod naman sa real life hehe.

Pagkatapos ng halos 4 na oras na pagbababad ko sa pag-aaral ay natapos din ako. Dahil nagugutom ako naisipan kong gumawa muna ng ham and cheese sandwhich, isa sa favorite kong snack. Gumawa rin ako ng paborito kong ice macchiato. Pagkatapos ay naisipan kong icheck ang facebook ko kung na accept na ba pero nabigo lang ako.

Inisip ko nalang siguro busy din siya sa pag-aaral o di kaya ay di n'ya pa naoopen ang facebook niya. Nagbabad lang ako ng konti sa facebook at nangstalk na rin sa tiktok niya. Nagbabakasakaling may matatanggap na notification mula sa kanya pero wala pa rin.

Wala na naman akong gagawin imbes na hintayin kung kailan kami magiging friends sa facebook ay nagsaing nalang muna ako para sa aming hapunan. Tumulong na rin ako sa lola ko para magluto ng uulamin namin sa hapunan.

Ngunit natapos nalang kaming kumain ng hapunan. Natapos na rin ang evening prayer namin wala pa rin. Mukhang 'yong excitment ko ay kailangan pang ma prolong. Di bale marami pa namang bukas. Think positive lang tayo always. Isa pa happy crush lang naman eh.

Syempre dahil tayo ay isang nursing student kaya balik na naman muna sa pag-aaral at isintabi muna ang crush life.

----
Magiging friends na kaya kami sa facebook o di kaya sa totoong buhay? Abangan sa next chapter!

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon