Chapter 5

5 2 0
                                    

Inspired akong pumasok araw-araw. Halos araw-araw ko siyang nasusulyapan kapag dumadaan siya sa classroom namin o minsan ay nakatayo siya sa labas ng silid.

Isang araw ay naglaro kami pagkatapos ng aming discussion tungkol sa operating room. Ang laro ay paunahan makahula kung ano ang pangalan ng OR instrument na ipapakita ng aming clinical instructor. The first team who will get 5 points will win.  

Gustong-gusto ng ibang kaklase ko na ako ang maging contender sa aming side. Nang una tumanggi ako dahil napepressure ako at baka magkamali ako. Nahihiya rin ako dahil nanonood sa labas ang mga 4th year nursing students including Jon. Nasa may bintana sila.

Paglingon ko sa kanyang banda I saw him mouthed "Go Klare." Ngumuti rin siya sa akin. His smile was an encouraging smile kaya sumali na rin ako sa laro.

Nagpakita ng mastoid retractor. Dali-dali akong pumunta sa harapan para isulat ang sagot ko. Sobrang ingay ng mga kaklase ko na nagchecheer ngunit mas rinig ko ang tinig Jon.

"Go Klare! Go Klare!" I heard him chant it while I was writing in the board.

I wrote the correct answer so I step one step forward. Tapos nagpakita na naman ang clinic instructor namin ng instrument. This time babcock naman. Dali-dali na naman akong pumunta sa unahan at nagsulat. Although magkapareha kami ng sagot ngunit mas nauna akong matapos magsulat kaya sa amin napunta ang puntos.
Nagpatuloy pa kami hanggang nakakuha ang team namin ng five points which means kami ang panalo.

"Congrats Klare!" Sabi ni Jon na ngayon ay nakatayo na sa may pintuan. Sobrang laki ng smile niya at nag thumbs up pa.

"Thanks Jon!" Sagot ko and I flustered my sweetest smile.

Nang hapon na iyon nauna ng umuwi ang kaibigan ko na palagi kong kasabay pauwi dahil may kailangan puntahan. Nanatili naman ako sa paaralan ng mga 20 minutes para pag-aralan pa ang ibang instruments dahil may return demonstration kami kinabukasan.

Uwian na at mag-isa lang akong naglalakad sa sakayan ng may tumawag sa akin.

"Hey Klare!" Paglingon ko si Jon pala. "Oh hi Jon!" Bati ko at nagwave sa kanya.
"Are you going home na ba? Ba't mag-isa ka lang?" Sunod-sunod niyang tanong. "Yes papunta na ako sa sakayan and mag-isa lang ako ngayon dahil may kailangan gawin ang kaibigan ko na palagi kong kasabay pauwi " sagot ko sa kanyang katanungan. 

"Tamang-tama dahil may tindahan kami malapit sa sakayan at papunta ako roon kaya sumabay ka na." Nako nanaginip lang ba ako? Ang happy crush ko niyaya akong sumabay sa kanya pauwi. Parang mahihimatay yata ako sa kilig.

"Is that so? Sige sabay na tayo." At iyon na nga habang naglalakad kami ay nagkwentuhan din kami. Syempre sobrang boring naman kung pareho kaming tahimik diba.

"Ang galing mo kanina ha. Ang talino mo naman." Omg he complimented me. Gustong-gusto ko na talagang kiligin pero dapat hindi niya mahalata.

"Nako jackpot lang iyon. Nagdiscuss na rin kasi kami kaninang umaga tungkol sa mga instruments kaya mas madali ko lang siyang matandaan." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Syempre dapat humble tayo lalo na't si crush ang kausap ko.

"Samantalang ako ang tagal kong matandaan ang mga iyan. Sobrang pare-pareho kasi lalo na ang mga scissor kaya medyo nakakalito." Nako sobrang humble rin naman ng taong ito.

"By the way ako na magdala ng bag parang mabigat yan." Wow gentleman din pala. Masyado naman nitong pinapataas ang standards ko.

Syempre dahil strong independent woman ako nagpakipot muna ako. "Nakakahiya naman. Okay lang kaya ko pa naman eh. " However he really insisted on bringing my bag.

"You're a lady. Ano pang silbi ng pagkalalaki ko kung hinahayaan ko lang ang isang babaeng dalhin ang kanyang medyo mabigat na bag." Nako naman talaga Jon. Masyado mo akong pinapa fall sayo ha.

At the end siya talaga ang nagbitbit sa bag ko hanggang sa umabot kami sa sakayan.

"Chat me when you arrive at your home for me to know that you're home safely." Napaka maalalahanin din. Makikita mo talagang pinalaki siyang tama.

"Thank you, Jon especially  for bringing my bag. Take care." Pagpapaalam ko sa kanya. "No worries. Take care too." We waved at each other and parted ways.

--------------------------
Author's Note:
Hi! I hope it's not lame and kiligin kayo sa update na ito. Please like and feel free to comment.

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon