As time passes by mas naging magkalapit kami ni Jon. Everytime na pumupunta siya sa tindahan nila tuwing dismissal ay sabay na kaming dalawa at hinahatid n'ya talaga ako sa sakayan.
"Thanks again Jon for accompanying me." I thanked him wholeheartedly kasi sobrang na appreciate ko talaga ginagawa niya.
"No worries. Maliit na bagay." Wala na Jon hulog na hulog na naman ako sayo.
"You don't have to do this. Di mo naman ako responsibilidad, but still hinahatid mo pa rin ko kaya thank you talaga." Totoo naman ang sinabi ko. Nahihiya na nga ako dahil di nya naman ako responsibilidad lalo na't kakikilala palang namin.
"We're schoolmates. No not just schoolmates. We're both nursing students and I already consider you as a friend kaya syempre responsibilidad kita." Ouch naman sa friend. Pero at least may improvement diba. Sa friends din naman talaga nagsisimula ang lahat. Charot delulu lang.
Nakarating na kami sa sakayan kaya kinuha ko na ang bag ko sa kanya at sumakay na sa motor. Umalis na rin siya. Agad akong nakatanggap ng mensahe galing sakanya. Tinext nya pala sa akin ang number ng sinasakyan ko.
Hay nako paano ba ako hindi magkakagusto kung ganito ka gentleman at caring ang lalaking ito. Matalino na nga, may mabuti pang kalooban.
"O kumusta kayo ng crush mo?" Tanong ng pinsan ko nang nagkita kami. "Okay lang naman. Dahil sa pagfirst move ko noon naging magkaibigan na kami ngayon." Napasmile naman si ate ng sabihin ko iyon.
"Oh diba hindi masamang magfirst move minsan." Natawa kaming dalawa dahil sa sinabi niya.
"Alam mo bang hinahatid n'ya ako sa sakayan kapag pumupunta siya sa tindahan nila after dismissal ng klase." Parang na shocked naman ang pinsan ko sa sinabi ko. "Weh?" Iyon lang ang tangi niyang nasagot.
"Totoo nga. Siya pa nga taga bitbit ng bag ko. Ayaw ko sana pero mapilit siya eh." Hindi ko mapigilang magsmile ng alalahanin ko lahat ng moments ni Jon. Nagpipigil naman ng sigaw si ate dahil sa kilig.
"Akala ko ba happy crush lang beh bakit road to in a relationship na kayong dalawa." Over naman itong pinsan ko kung maka road to in a relationship.
"Happy crush pa rin naman kasi friends lang kami. Over mo naman sa road to in a relationship." Ayaw kong umasa ng sobra kay Jon. Oo aaminin ko kinikilig ako sa mga pinapakita niya pero ayaw kong bigyan ng malisya lahat ng kilos niya. Baka ganito rin talaga siya sa mga kaibigan n'ya lalo na at pareha kami ng sinusuportahang tao at pareho kami ng paniniwala.
Fast Forward--------
Intrams ngayon sa school namin. Maaga akong pumasok dahil medyo strict ang school namin pagdating sa attendance kahit during programs or events. Pagdating ko nakita ko agad si Jon. Kasama n'ya ang mga year level representatives namin na nakatalagang magcheck ng attendance.
"Good morning Klare!" Bati niya sa akin pagkakita niya. Siniko naman agad ako ng kaibigan ko kaya sinipat ko siya kasi baka makahalata si Jon na gusto ko siya.
"Good morning Jon." Hays sobrang good ng morning ko lalo na't ikaw ang bumangad sa akin Jon.
"May sinalihan ka?" Syempre dahil officer ang crush ko kaya dapat magparticipate rin ako. "Yeah, kasali ako sa bench cheering today."
"That's good. Good luck sa inyo." Nagthumbs up pa siya. Pagkatapos nilang mag-usap ng ibang officers ay umalis na rin siya. Nagpunta naman kami ng kaibigan ko sa location ng practice namin for bench cheering.
Habang nagpapractice kami ay bigla na namang sumulpot si Jon. Akala ko may sadya lang siya sa officer na kasama nami pero bigla akong tinawag ng officer.
"I was thinking nakakapagod ang bench cheering lalo na sa lalamunan so I decided to get you a lemonade." He said while showing me the lemonade that he bought.
"Hala nag-abala ka pa. Thank you Jon." Pilit kong tinatago ang kilig pero hindi ko talaga mapigilang magsmile ng napakalawak.
Hindi rin siya nagtagal dahil may aasikasohin pa raw. Hindi pa rin naman kami tapos sa practice.
Pagkaupo ko ay tinukso agad ako ng mga kaibigan ko at iba kong blockmates.
"Uy beh ano yon?" Tanong ni Ayesha, isa sa pinakaclose ko. "Ikaw ha hindi ka na nagkwekwento magugulat nalang kami may pa ganon na." Hirit naman ni Clau, ang isa ko pang kaibigan.
"Ano ba kayo wala lang iyon." Pilit ko silang sinusuway dahil baka marinig kami ng mga kaibigan at kaklase ni Jon na kasama namin sa bench cheering.
Tinikman ko naman ang binigay ni Jon. Ngayon ko lang napansin may pa note pala ito.
Hey Klare! I hope you like this lemonade. Stay hydrated! Good luck on your bench cheering. I'll cheer for you and our department later, I promise. :)
Napangiti nalang ako sa aking nabasa. Hulog na hulog na talaga ako sayo Jon. Makakaahon pa kaya ako?
------------------------
Author's Note:
Hey guys! I'm sorry for being MIA again I was really really busy with acads. I hope you like this update. Feel free to like and comment. Thanks!
BINABASA MO ANG
The One
Krótkie OpowiadaniaThis is a story of a girl who came from a toxic relationship. He will meet someone who has the same course and political stance as her. She had a huge crush on this guy even before meeting him. They became friends and started hanging out together. U...